Vio Lakosta
Nagpalipas kami ng gabi sa isla. Kinabukasan ay hapon na kaming nakaalis dahil naligo pa ng dagat si piglet kahit na hindi naman siya marunong lumangoy.
"Saan tayo?" Nakangiting tanong niya ng ihinto ko ang kotse sa isang parking lot.
"Saan mo ba gusto?" Tanong ko pabalik sakaniya.
Luminga siya sa paligid at itinuro ang digital screen sa isang building.
Snack Bar and Real life escape room.
"Subukan natin!" Natutuwa niyang sabi at hinila na ako patungo doon.
Nang makarating kami sa tamang palapag ay agad na bumati sa amin ang mga staff na naroon. Binigyan kami ng briefing bago kami ikinulong sa isang kwarto.
Nakita ko ang pagkamangha ni piglet pagkapasok namin sa malaking kwarto. The room is a harry potter theme.
"Pwedeng dito nalang tayo?" Sabi ni piglet.
"Maybe there's more room other than here? Ayaw mo bang makita ang mga 'yon?" Tanong ko at sinisimulan ng sagutin ang isang puzzle para mahanap kung nasaan ang susi patungo sa kabilang kwarto.
Thirty seconds and I made it. Kinuha ko ang isang witch hood at agad kong nakapa ang isang susi. Iginala ko ang aking paningin sa buong kwarto ngunit wala akong ibang makitang ibang pinto maliban sa pinagpasukan namin.
Tiningala ko ang isang malaking painting sa dingding. Lumapit ako at tinignan ang likuran nito. May nakita akong maliit na butas sa dingding at sinuot ko doon ang susi. Isang ikot ang ginawa ko at biglang gumalaw ang dingding sa tabi. Gumawa iyon ng daan patungo sa isa pang kwarto.
Gaya ng una ay mabilis ko lang nahanap ang daan patungo sa iba pang kwarto. Nang nasa pang anim na kuwarto na kami ay medyo nahirapan ako dahil masyadong madilim sa paligid.
"Vio." Tawag ni piglet sa akin. Nakahawak ito sa laylayan ng aking damit at sumusunod lang kung saan ako pupunta, hindi kagaya ng mga naunang napuntahan namin na panay kalikot lang niya sa mga gamit at walang pakealam kung matatapos ba namin itong laro.
"Sit on the couch." Pagbasa ko sa isang papel na nakapatong sa couch.
"Umupo ka." Utos ko kay piglet na ginawa naman niya.
Umilaw ang couch pagkatapos ay bigla na lamang itong gumalaw at nalock ang mga kamay ni piggy sa arm rest ng nito.
"Waaaaaaaaah Vio!" Hiyaw niya ng bigla na lamang bumuka ang dingding sa likuran at lamunin ang couch kasama si piglet.
What the hell? Hindi agad ako nakabawi sa nangyari. Sa inis at kabang nararamdaman ko sa nangyari ay nasuntok ko ang matigas na dingding na nagpadugo sa aking kamao.
"Hey! Is it still a part of the game?!" Sigaw ko ngunit wala man lang sumagot sa akin.
Naramdaman ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Ang sugat sa aking kamao ay unti-unting naghihilom ngunit hindi ang nararamdaman kong takot sa pwedeng mangyari kay piglet kung sakaling hindi na iyon parte ng laro. Shit!
Agad akong nakalabas sa kuwartong iyon ngunit pagpasok ko sa panibagong kuwarto ay wala roon si piglet. Damn!
Another two rooms, but still there's no traces of her. Ilang mura na rin ang naibuga ko sa hangin. Tangina talaga kapag may nakita akong kahit isang galos man lang sa taba niya, ipapasara ko ang establisyamentong ito.
Sa sunod na kuwarto ay doon lamang ako nakahinga ng maayos. She's still sitting on the couch, ngunit hindi ko siya malapitan dahil sa seldang nakapagitan sa amin.
"Bakit ang tagal mo? Ilabas mo ko dito." Aniya.
Pambihira. Kinakabahan na ako't lahat-lahat, pero parang wala lang sakaniya ang nangyari. Muntikan na akong mamatay sa kaba tapos madadatnan ko siyang prenteng nakaupo sa couch at kumakain ng isang mansanan. Tama! Kulang nalang ay pantuhog sakaniya at apoy, pwede na siyang i-lechon. Binabadtrip na naman ako ng baboy na 'to.
"You still have ten minutes left." Sabi ng isang speaker sa gilid.
Nahanap ko agad ang susi at nakarating kami sa isang kuwarto na tingin ko ay ang pinakahuling dapat naming malagpasan.
The room is a maze theme. Inalala ko ang napansin kong mapa kanina na nakaguhit sa isang chess board. Hinila ko si piggy sa isang lagusan at diretso lamang ang lakad ko. Hanggang sa lakad takbo na ang ginawa namin ni piglet dahil sa pag galaw ng maze. Nang malapit na kami sa labasan ay muntik pang maipit ang taba nya kung hindi ko lamang siya hinapit palapit sa akin.
Sinalubong kami ng mga staff at napahilot na lamang ako sa aking batok ng tanggapin ni piglet ang premyo namin.
"That was fun!" She laughs. Habang badtrip parin ako sa nangyari kanina. Tsk!
--