V53

6.9K 478 125
                                    

Vio Lakosta

Napangisi ako ng ilang minuto na ang lumipas ay hindi parin siya gumagalaw o lumalayo sa akin. Nang hawakan ko ang magkabila niyang pisngi ay nanginig ang kaniyang mga labi. Lumipas ang ilang saglit ay nagmulat siya ng mga mata at bahagyang lumayo sa akin.

There's awkwardness in her eyes but she smiled like nothing is a big deal on what she did.

"T-that was your real first kiss! Ha!" Natatawang sabi niya.

Napakunot noo ako. Paano niya nasabi?

Humakbang ako palapit sakaniya. "How sure are you hmm?"

"It’s just a CPR right? Wag mong sabihing sinamantala mo ang pagkakataon para makahalik sa pandak na 'yon?" nagagalit na naman ang taba niya.

Anong CPR ang pinagsasabi niya? Oh that one! Bigla akong napangisi at humakbang palapit sa kaniya.

"Umamin ka nga. Nagseselos ka ba kay Ayhen kaya mo ako iniwasan?" Tanong ko.

Saglit siyang natigilan at umiwas ng tingin sa akin.

"No." she murmured not looking at me.

Tinagilid ko ang aking ulo upang magtama ang paningin namin ngunit lalo lamang siyang nag-iwas ng tingin. Muling sinapo ng dalawa kong palad ang magkabila niyang pisngi upang hindi makakilos ang kanyang ulo. Hinabol ko ang mga mata niya hanggang sa kusa siyang sumuko at kunot noong sinalubong ang titig ko.

Naalala ko kung paano humalik si Damien sa mga nakarelasyon niya ng bumaba ang tingin ko sa mga labi ni piglet.

Napalunok ako.

"You can’t kiss me and accuse me of being a jerk the moment our lips parted, my love." I said to her. I lean on and gently kissed her soft lips.

"My second real kiss." I whispered before moving away.

Napakurap-kurap siya habang nakaawang ang kaniyang mga labi.

"Wag mo kong pinagloloko. Sa pitong taon mo dito imposibleng wala kang naging karanasan!" nang-aakusa niya akong pinandilatan ng makabawi.

Pambihira!

Kanina lang ang sabi niya unang halik ko siya, ngayon naman ay inaakusahan na ko. Baliw talaga ang baboy na 'to. Humalakhak na lamang ako at inakbayan siya.

"You crazy pig." I whispered and she hissed and I just laughed even more. This piglet is making me crazy.

Alas otso na ng makauwi kami. At panay na ang reklamo ni piglet na nagugutom na ang mga alaga niya sa tiyan. Hindi ko talaga maisip kung anong klaseng diet ang ginawa niya sa ilang taon gayong halatang baboy parin naman siya kung kumain.

Natigil lamang siya kakareklamo ng mapansin namin ang dalawang babae sa tapat ng bahay.

"Vio!" Sabay na pag tawag nina Amethy at Ayhen sa akin saka bumaling ng tingin kay piglet.

Nilingon ko siya at ang mga tingin niyang nakakamatay ay tumagos sa akin. Ano na naman bang kasalanan ko?

Shit!

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon