V52

6.7K 474 89
                                    

Vio Lakosta

Tunay ngang napakadaya ng oras. Kung kailan masaya ka, mabilis na iikot ang mundo at wala kang magagawa kundi sulitin ang natitirang mga sandali bago matapos ang araw.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni piglet pagka-akyat namin sa isang burol.

"Ililipad natin ang taba mo." Natatawa kong sagot.

"Ahh bakit hindi ka kumapit sa akin? Baka mahipan ka ng hangin tangayin ka pabalik ng Pinas." Irap niya at lumapit sa isang malaking hot air balloon na pinahanda ko.

Napangisi nalang ako at inayos ang mga gagamitin namin.

"Sasakay tayo dito?" Natutuwang tanong niya.

"Hindi. Ipapalit ko yang pisngi mo sa balloon tapos kami ang sasakay sa'yo." Sagot kong natatawa. Inirapan niya ulit ako at padabog na sumakay sa hot air balloon.

Papalubog na ang araw ng nasa himpapawid na kami. Ang bawat pagkislap ng mga mata niya sa tuwing natatamaan sa sinag ng naglalahong liwanag ay lalong nagpapasidhi sa kagustuhan kong wag ng matapos ang araw na ito.

"I'm thinking of dropping out the course and go back to the Philippines with you tomorrow." Sabi ko habang nakatitig sakaniyang mukha.

Kunot-noong nilingon niya ako. "Ilang buwan na lang matatapos kana. Bakit hindi mo pa ituloy? Sayang naman kung bibitawan mo."

Tumango ako at ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakahawak sa tali ng sinasakyan namin. Sa totoo lang ay parang nawalan na ako ng interes sa ibang bagay ngayon. Wala na akong makitang dahilan para magpatuloy pa ng buhay dito sa US. Marami na akong napatunayan sa sarili ko pero lahat ng 'yon ay balewala kung mag-isa lamang ako rito at hindi kasama ang mga mahahalagang tao na bumuo sa aking pagkatao. Ngayon ko lamang naramdaman na marami na akong taon na nasayang at ayoko ng dagdagan pa iyon.

Humarap siya sa akin at ngumiti. "I'll wait for you. We will wait for you, Vio."

The wind blows. My mind stops when she tip-toe and reach for my face. Nang sandaling pumikit siya at lumapat ang mga labi niya sa akin ay hindi ko na napigilan ang pagwawala ng buo kong sistema.

I got busy finding myself and make a distance with them, where in fact I really don't have to prove myself to them because no matter what happens they're always be my home. And the girl infront of me, kiss me like a dead pig is my favorite one.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon