Ako ang bida sa aking istorya.Isa akong pangkaraniwang tao na masasabi kong may masalimuot na buhay.
Ang kwento ng buhay ko ay hindi ko pa nababasa kahit minsan sa mga istorya sa pocket book o kahit sa mga pelikula nina Sharon at Vilma!
Siguro...
Marahil nga ay talagang ito...
Ito ang Guhit ng Palad ko!
Parang dula sa radyo na totoong nangyari ay inilahad at pagkatapos ay inihulog sa koreo.
Ganito ang sinapit ng buhay ko.
Umpisahan natin ang talambuhay ko este ang kwento ng buhay ko mula sa kaunting drama mula sa pagka bata ko.
Mula ako sa malayong at mapayapang lalawigan ng Mindoro. Tawid dagat na kung tawagin nila ang mga tao ay walang tapalodo. Papaano'y ang tinitingnan nila ay ang mga katutubo naming Mangyan na walang katakip-takip ang kanilang mga ano.
Doon ako lumaki't nagkaisip,nag aral at pagkatapos ay tumawid sa probinsiya ng Batangas upang umpisahan ang kwento ng aking buhay.
Mula sa sinapupunan ng Nanay ko kaming sampung magkakapatid ay lumabas.
Pasensiya na...mukhang naiskandalo ko kayo.
Kami ay anim na babae at apat na lalaki.Meron kaming mabait na ina at isang walanghiyang ama.
Mahirap kami hindi dahil sa talagang mahirap ang buhay.Kundi dahil tamad,babaero,mabisyo at talagang napakabait ng aking ama sa kabaligtaran.
May palayan kami ngunit wala kaming palay at bigas.Dahil pina pasaka ng aking ama ang aming lupain at tumatanggap lamang ng upa o renta para ipantustos lamang naman sa kanyang bisyo at hindi upang kami ay buhayin.
Ewan ko kung bakit sa dami ng ama sa mundo ay siya ang napili ng panginoon na ibigay samin.Na kung maaari lamang na kami ay humiling na palitan ang aming ama ay gagawin namin.
Marahil para kaming sampo ay tumibay.Tumibay ang katawan sa trabaho,pagod,gulpi at bugbog sa mura naming edad.
Ngunit kahit lumaki kami sa hirap ay masaya naman kaming mag kakapatid lalo na kung hindi nakaka isip umuwe ang aming ama mula sa kung sino mang bago nitong kalaguyo.
Ewan kung anong gayuma ang ginamit ng aking ama sa aking ina at kahit anong dusa,hirap at pasakit ang abutin nito ay hindi nito ito magawang iwanan.
Iyon ay dahil sa kasabihan nitong "Kung saan ka daw nadapa ay doon ka din babangon! " na siya din niyang ipinamulat sa amin na kanyang mga anak.
Naglaon ang panahon...
Hindi na namin alintanang mag kakapatid ang hirap ng buhay. Dahil sa ang lima sa kanila ay may kani-kaniya ng sariling buhay at ang tatlo pang matanda sa amin ng kapatid kong bunso na si Gladys ay may mga maayos na trabaho naman.
Ngunit mas gusto nilang magtrabaho sa malayong lugar upang mapalayo sa bagsik ng walangya naming ama.
At ang mahal naman naming ina ay pinasok na rin lahat ng puwedeng pasukan.Pantustos sa amin ni gladys para makatapos kami kahit man lamang Sekondarya. Tatlo lamang kaming nakapagtapos ng sekondarya sa sampung mag kakapatid.Papaano ay iskolar kaming tatlo sa Catholic School na pinasukan namin.
At kapag nandiyan lamang sa tabi-tabi ang aming mahigpit na ama ay walang sinuman ang puwede naming kausapin lalaki man o babae.Isang masamang tingin at uwe lahat kami sa aming lungga saan man niya kami abutan.
At kung kami ay nasa iskwelahan
dalawang minuto kaming mahuli sa itinakdang oras ng labasan ay nakasundo na kaagad ito sakay ng kaniyang bisekleta.Parang alam niya na kung maka kahanap kami ng pagkakataon para makatakas sa kaniya ay gagawin namin ng walang pama-maalam.
Na totoo naman!
Nagisnan na namin ang hirap ng buhay na mas mahirap sa piling ng aming malupit na ama.
Utos dine,utos duon!
Sigaw dine,sigaw duon!
Mura dine,mura duon!
Sampal,sapok,kutos,dagok, at kung iba pa ang tadyak sa sipa,basta't katulad nga ng kasabihan ay mata lamang ang walang latay!
Para makatakas sa kuko ng agila,este sa malupit na kamay ng aking ama. Ay pinili kong magtrabaho sa malayong lugar katulad ng iba ko pang kapatid.
Dumayo ang inyong abang lingkod na bida sa probinsiya ng Batangas upang doon ay makipag sapalaran at ang balak ay paasensuhin ang nagisnang buhay.
Kahit labag sa aking kalooban ay iniwanan ko ang pinakamamahal kong ina at ang kapatid kong bunso na siyang natitira pang kasama ng aking ina.
Kung hindi ko naman iyon gagawin ay malamang na ipakasal na rin lamang naman ako ng aking ama sa anak ng kaniyang mga kumpare sa inuman.
Ewan kung ilang latay ang pagkukulang sa akin ng aking ama.
Dahil ng makarating ako sa ibang lugar ay napaka tanga ko at nagpaloko pa rin ako sa isang katulad niya.
Marahil ay kulang pa nga talaga!
----------
Ang inilahad pong kuwento ay may mga totoong pangyayari sa buhay ng inyong Author. Hinango at ginawan ng saysay upang maging inspirasyon.
Hanggang kalahati po ng istorya ay hango sa aking buhay at ang kalahati naman ay kathang isip na lamang ng inyong lingkod.
Ang ilan sa mga tauhan at mga gumaganap sa kuwento ay totoong tao.At ang ibang pang tauhan ay nagmula na sa malawak na imahinasyon ng inyong abang lingkod, na ginamitan ng totoong pangalan ng mga malalapit na kapamilya at kaibigan.
Kayat atin pong subaybayan ang madrama at nakakatuwang istorya ng ating bida.
Tunghayan po natin kung paanong magbabago ang sirkulo ng kanyang buhay.
Ang inyo pong abang lingkod...
Danlans...
BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomanceAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...