Nothing but a Heartache

148 25 2
                                    

Umalis din kaagad ang senyora nang hapong iyon.Hindi matapos-tapos ang pasasalamat nito sa kanya.Mahigpit siya nitong niyakap kasabay ng pangakong ipagtatapat din kaagad kay Zach ang buong katotohanan,Kapag handa na itong harapin ang galit ng sarili nitong anak.

Kelan? Naitanong niya sa kanyang sarili.

Kapag sira na sila ni Zach?

Bago ito umalis ay nabanggit pa nito ang nalalapit na pag uwe ng anak nito.

Hindi niya malaman kung dapat ba siyang matuwa o malungkot na lang. Ano pa bang dapat nilang pag usapan ni Zach?Lalo na kapag nasabi rito ng Senyora ang pinag usapan nila.

Pakiramdam niya ay uuwe lang ang binata para maghiwalay sila ng tuluyan.

Sinabi rin ng senyora na ipinalipat na daw umano nito sa pangalan niya ang lahat ng mga ari-arian nito. Kasama ang lahat ng pera nito sa bangko, maliban sa mansion sa forbes na tangi daw nitong pamana sa kaisa-isahang anak.Ibinilin na rin nito sa kanya ang pagbibigay ng pamana nito para sa mag asawang si Tatay pilo at Nanay pining.

Gusto niyang mag palahaw ng iyak habang minamasdang lumabas ng gate ang sasakyan ng matanda.

Ito lang ang katapat niya sa mga mayayaman.

Pera!

-------

Araw ng linggo.

Sinundo sila ni Daisy para magsimba.
Pagkagaling sa simbahan ay dumiretso sila sa dating bahay sa iskwater area. Pagkatapos nilang linisan ng bahagya ang maliit na bahay at umuwe na rin kaagad sila sa malaking bahay sa subdivision sa Sto. Tomas.

Nagulat pa sila nang abutang naghihintay sa may pintuan ng bahay si Zach.Halos ayaw niyang bumaba ng sasakyan.Bigla niyang nakalimutan ang mga hinabi niyang kasinungalingan sa kanyang isipan.

Nang makababa siya ng sasakyan ay muntik na niyang hindi mapigil ang kanyang sarili na sugurin rin ito ng yakap, katulad nang ginawa ng kanyang mga anak.

Ang tanging nakapag patigil sa kanya ay ang galit na nakikita niya sa mga mata ni Zach, kahit nakangiti ito sa mga bata.

Sinenyasan niya ang kanyang kaibigan na iakyat ang mga bata sa kwarto ng mga ito para hindi marinig ang pag uusapan nila ng binata.Mabilis namang nakuha ng kanyang kaibigan ang gusto niyang mangyari.Kaagad nitong iginiya ang tatlo papasok ng bahay.

Kaagad din naman niyang binaybay ang daan patungo sa may kubo sa likod ng bahay.Nagsi alisan ang mga katulong na nakita niyang naglilinis ,nang makita silang magkasunod ni Zach na parating.

"Hindi ka man lamang ba muna mag bibihis? "Tanong kaagad ni Zach, kahit nakatalikod pa siya dito.

Pinigilan niya ang mapa iyak.
Ito ang Zach na minahal niya, galit na pero maalalahanin pa rin.Marahang pag iling lamang ang itinugon niya dito.

"So, totoo pala ang sinabi ni Mama, na... na b-buntis ka? "

Muli siyang tumalikod dito, hindi niya mabigkas ang dapat na isasagot niya kay Zach.

"Bakit hindi mo sinabi,Melanie...? "
Nakita niya ang galit na tinitimpi ni Zach. Ni hindi nito magawang lumapit sa kanya kahit bahagya lamang.Pumasok siya sa loob ng kubo ngunit hanggang pinto lamang ito sumunod.

"Sino ang ama niyan? "Muli pang tanong nito.

Ganito ba sadya ang mga lalaki?

Basta patong lang ng patong?

May gana pang magtanong!

"Bakit ka pa pumunta dito, Zach? "

Sa wakas ay nasabi niya, may usapan sila ng senyora na tatawagan nito si Zach at sabihin na kaagad ang napag usapan nila. Nang sa gayon ay magalit na ito at hindi na pumunta pa sa kanya.

"Dahil gusto ko ng paliwanag...! "
Napapitlag siya sa gulat ng bigla nitong suntukin ang dingding ng kawayang kubo.

"Bakit kapag ba nagpaliwanag ako, maniniwala ka? "Nagtatapang-tapangang tanong niya rito.

"Hindi! "Sigaw nito. "Dahil paiikutin mo lamang akong muli sa iyong mga palad!Ang ayoko pa naman sa lahat ay iyong niloloko ako! "

Shit!

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita niyang tumulo ang luha ng binata.Gusto niyang itama ang nasa isipan nito pero hindi maaari. Gusto niya itong sugurin ng yakap at punasan ang mga luha nito ng kanyang mga labi ngunit lalong hindi pu-pwede. Tiniis na lamang niya ang kanyang sarili at nag galit-galitan dito.

"Makaka alis kana, Zach... Wala na tayong dapat pang pag usapan. Wala na akong sasabihin pa na paniniwalaan mo.Hindi ka na dapat pumunta rito, in the first place! "

Lumakad siyang palabas ng kubo, nilagpasan niya ito ngunit hinaklit siya nito sa braso.

"Sagutin mo ang tanong ko Melanie! "

Gustong manglambot ng kanyang mga tuhod sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.

"Kung sinabi ko ba sa iyo na buntis ako nang iwanan ako ng dati kong asawa,tatanggapin mo ba ako ha Zach?!""

"Oo! "Diretsang sagot nito. "Baog ako hindi ba, bakit hindi kita tatanggapin kung wala ka naman na talagang asawa! "Bulyaw nito.

Napaismid siya, iwinasiwas niya ang kamay nitong naka kapit sa braso niya. Nakarating siya sa tabi ng pool kaka iwas kay Zach.

"So, anong pagkakaiba na malaman mong buntis ako noon at ngayon? "
Tanong niya rito.

"Malaki! Kasi nag sinungaling ka! 'Yun ang mahirap tanggapin, hindi ka naging totoo sa akin! "

"'Yan ang mahirap sa iyo Zach! "Galit ding wika niya rito. "Hindi na p'wedeng magkamali ang isang tao sa iyong pananaw! Hindi mo alam ang salitang patawad! Anong ipagtataka ko kung ganyan ang gagawin mo sa akin gayong kahit ang sarili mong ina ay kaya mong tikisin.!"

Nagmamartsa siyang pumasok sa loob ng bahay, gamit ang pintuan sa likod ng bahay. Dumiretso siya sa kanilang kwarto, gusto na niyang mahiga. Napapagod na siya sa pagtayo, mula ng mabuntis siya ay madali na siyang mahapo kapag matagal na nakatayo .

Kumuha siya ng daster sa closet, at nagbihis.

Paglabas niya ng bathroom ay nakita niyang nakatayo sa may pinto si Zach. Ang akala niya ay umalis na ito pagkatapos niyang iwanan ito sa likod ng bahay.

"Why dont you just, disappear ...Zach? Alam kong galit ka, pero bakit nagawa mo pang pumunta dito? Bakit kailangan mo pang isumbat ito sa akin? Hindi ba pwedeng magalit ka na lang, tapos ay huwag ka ng magpakita pa sa akin! "

Hindi na niya napigilang umiyak.Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman, pagka-awa sa binata, awa sa sarili, hinanakit sa matandang Senyora, ngunit pinakamatimbang ang nag uumapaw niyang pag ibig sa binata.

Bakit ang dali niyang minahal ang lalaking ito.?

Bakit?....bakit?... Ang daming bakit!

"Because I-... I Love You, Melanie...! "

Oh shit!

Langya naman talaga oh!

Ang tagal niyang hinintay na sabihin nito na mahal siya nito.

Bakit ngayon lang?!

"Hindi mo ako mahal, Zach! Actually hindi ka marunong magmahal!Ang nagmamahal hindi lang marunong tumanggap, dapat ay marunong ding magbigay! "Lalo siyang nahilam ng sarili niyang luha. "Kung simpleng respeto ay hindi mo kayang ibigay sa akin, pag-ibig pa ba?"Sumbat niya rito na ang tinutukoy ay ang pang iiwan nito sa kanya ng walang paalam.

Puno ng luha ang mga matang humarap siya kay Zach sa pintuan.

Anak ng tukneneng!

Ang walangya!

Todo drama siya,wala na pala siyang kausap!

Ang walangya at iniwanan siyang nag nagbubutaktak mag-isa!

Paano kung hindi drama ang tagpo nila ni Zach, gusto niyang matawa sa mga nasasabi niya. Akalain mong pwede niyang talunin si Sharon at ang Star for all season na si Vilma Santos sa kadramahan niya.

Anong panama ni Miss Nora Aunor, sa mga litanya niyang tigib ng luha kada bibigkas ng salita.

(Jejeje... Echossss...)

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon