Xenxa na sa images ko guys,,iba ibang person kasi yan na kung san ko lng pinag kukuha,kaya karamihan,nakatalikod,kalahati o kaya'y may nakatabon,para hindi halatang hindi pare pareho yung pics nung bida,,jejeje...
================================
Melanie's POV
Almost two weeks na ako sa mansion.Masarap ang buhay pero nakaka lungkot din.Wala naman akong ibang magawa kundi mag jogging paikot-ikot lang din naman mag gym,kumain,mag meryenda,matulog,at makipag kwentuhan sa mga katulong at susme para makausap ko ang mga ito kelangan ko pang hanapin ang mga ito.
Dahil may sariling bahay ang mga maids.Iyon pala yung malaking extension house na nakita ko pagdating ko.Sa bandang kaliwa ng mansion. Oh kitam ang sososi ng mga maids.Lahat sila naka uniform hanggang headress nila ay kulay white lahat pati pam paa.
Kung kailangan mo sila tatawagan mo lang sila sa intercom,eh kaso wala naman akong iuutos gusto ko lang ng kausap.
Namimiss ko na ang mga bata,lalo ko lang silang namiss ng makausap ko kani- kanina lang.
Hindi ko kasi sila nasundo ng linggong nagdaan. Tulad ng pangako ng matanda na susunduin tuwing biyernes.Wala kasi ang matanda nag out of town ito.Sabi niya'y pagdating na niya.Pero noong unang linggo ay nasundo ko sila. Tunay ngang sabik na sabik sa apo ang matanda.Tuwang tuwa sa mga bata.I-pinag shopping niya ang mga ito Tulad ng ginawa niya sa akin lahat ng magandang damit,sapatos at mga accesories na magustuhan ay binili para sa mga anak ko.
At syempre pa'y tuwang tuwa din ang mga yagit.Ipinahahatid at sundo ang mga ito kay tatay pilo.
Mabalik tayo sa usapan,papunta akong bahay ng mga maids.Kaya ayun sinasalubong na ako ni Rose ng makita akong parating.Kinuha ang dala kong Pizza na pinadeliver ko kanina lng.
"Senyorita,may kelangan po kayo?" Salubong din ni Nanay pining.Asawa ito ni tatay pilo at ito rin ang mayordoma kung natatandaan ninyo.
Nasa dalawampu ang babaeng katulong sa Mansion,kasama si Nanay pining.Bukod pa ang hardinero,apat na driver at anim na security guards.Palitan ng schedule umaga't gabi.Kasama ng Senyora ang isang driver at isang bodyguard at ang personal alalay nito.
"Wala po,'Nay,naiinip na kasi ako sa mansion ano kaya kung mag mall tayo,Rose.?"
"Ay Senyorita,ang bilin po ni Senyora ay hindi kayo pwedeng umalis lalo't wala siya." Saba't agad ng nakatalagang bodyguard sa akin, si Jhong.
"Alam ko," nakalabing sagot ko."inip na inip na ako sa mansion malapit na akong maluka-luka."
"Maglibang ka,doon ka sa Cinema room,manood ka,o kaya mag gym ka ulet.Para bukas makalawa malaki pa kay Jhong ang mga biceps at abs mo,hahaha!"
Suhestyon ni Rose.Na sinaway naman ni nanay pining si Rose lang kasi ang nagsasalita sa akin ng ganun ito lang kasi ang hindi nag aalangan na kausapin ako.
"Hay naku!Ano pa nga ba," natatawang sagot ko"Halika samahan mo akong manood,"Yaya ko sa kanya.
"Naku,ayaw ko na," tigas ang iling nito,"Muntik na nga akong himatayin noong abutan ako ni Senyora na nakikikain kasabay mo sa kwarto mo."
Natawa ako ulet ng maalala ko ang sinabi nito.Pinadalhan ako ni mama ng almusal sa kwarto,napakaraming pagkain dinala nito.Kaya inutusan kong sabayan akong kumain.Hindi naman namin akalain na biglang papasok sa kwarto ang matanda. Noong una'y nagalit kay rose,subalit ng sinabi kong hindi ko malunok ang pagkain kapag kumakain akong mag isa ay wala na itong iba pang sinabi.
Nagtawanan ang lahat ng mga katulong.
"Ang mabuti pa,'tay pilo.Maglabas ka ng alak, mag iinom tayo.Sige na tay"Paglalambing na may tonong pakiusap na sabi ko sa matandang driver
"Naku,Senyorita umiinom po kayo?" Sabat ng isang katulong na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Oo,naman!Galing kaya akong riles noh,at tsaka huwag n'yo nga muna akong tawaging senyorita.Kinikilabutan aku eh.Wala namang ibang nakakarinig.Melanie na lang po."
"Naku,iyan naman ang hindi pwede,Senyorita,Baka masanay ang mga iyan ay malalagot ang mga iyan kay Senyora Guada!" Awat ni Nanay pining.
"Sus...si nanay.Wala naman si Mama,'tay,ang alak dali...kahit anong pulutan na lang at cheeser na juice,"sabi ko.
" May emperador diyan at adobong manok.Ipagtimpla mo kami ng juice.Pining,mahal,pasuyo na."lambing ni tatay pilo asawa.
Naghiwayan naman kami ng mga katulong sa nakitang lambingan ng mag asawa.
"Naku,Pilo ka!Kapag kayo inabutan ni Senyora.Tapos tayong lahat!" Sermon ni Nanay pining subalit sumunod naman sa iniutos ng asawa.Ilang sandali pa'y kainuman ko na si Tatay pilo ang hardinero na wala namang ginagawa ang dalawang katulong na babae nagpakilalang Melyn at Cora.Ang iba ay hindi umiinom o kaya'y ayaw mawalan ng trabaho kung sakali.
"S-sus takot na takot kayo,ay nandito shi Mel,sagot tayo niyan."Lasing na si Tatay pilo medyo pilipit na ang dila.
Ako namay hilong hilo na rin.Nagpapalipas lang ako ng konting minuto bago umakyat sa mansion.
" Yes,'tay,"sagot ko,matibay naman ako sa alak.Kaya lang ay nakatatlo kaming bote ng emperador lights eh lima lang kaming uminom.Kantahan at inuman at biruan ang nangyari.Nawala na rin ang ilang nila sa akin ng ako'y malasing at lumabas ang pagiging magaslaw ko sa biruan.
Dahil iyon naman talaga ang gusto kong mangyare, ang makasundo ang mga taong kapantay ko ang estado sa buhay,sa bahay iyon.
Ang mga kaparehas kong sunud sunuran sa mayayaman ng dahil sa pera.
BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomanceAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...