Make -up Sex?

209 23 0
                                    

This is dedicated to miss fesantos0106...

================================

Zach...

Pagod siya!

Hindi lang ang katawan niya kundi pati ang isip niya.Nasa eroplano pa lang siya ng itawag ng kanyang Mama ang kalagayan ni Melanie.

Kung ano-ano ang sinabi ng kanyang ina, ngunit wala siyang pinakinggan kahit isa, maliban sa buntis si Melanie.

Tuwang-tuwa siya sa pag-asang sa kanya ang ipinag bubuntis nito.Nag patest siyang muli sa Canada, ukol sa pagiging baog niya.

Hinintay niya lang ang result niyon bago umuwe ng Pilipinas.At ayon sa doktor ay hindi siya baog!

Kailanman ay hindi siya naging baog!

Knowing his Mother, tiyak niyang sinabotahe nito ang lahat ng test result niya noon dito sa Pilipinas.

Ang hindi lang niya alam ay kung bakit.

Halos gusto niyang salubungin ng yakap at halik si Melanie ng dumating ito kanina.Pinigilan lang niya ang sarili sa harap ng mga bata at ng kaibigan nito.

Napatunayan niyang mahal na niya ito, hindi lamang niya maamin sa sarili niya.

Alam niyang nagtatampo ito, dahil umalis siya ng walang paalam papuntang Canada.

Kayat pangiti-ngiti pa siya ng sundan niya ito patungong likod bahay.

Hindi pa ito nakaka harap sa kanya ng tanungin niya kung hindi muna ito magbibihis ng pambahay na damit.

Ngunit marahang pag iling lamang ang nakuha niyang sagot mula rito.

Kunway nagtatampo pa siya ng sabihin ditong buntis pala ito, at hindi man lamang sinabi sa kanya.

Nagulat siya ng kung ano-ano na ang sinabi nito.

Excited pa siyang marinig mula dito na siya ang ama ng dinadala nito.

Ngunit tahasan nitong sinabi na hindi sa kanya ang ipinag bubuntis nito. Kesyo sa dati daw nitong asawa, at kesyo buntis na daw ng dumating sa mansion.

Fuck shit!

Pwede namang ipaako na lang sa kanya!

Bakit kailangan aminin pa!

Hindi ba nito alam kung gaano kasakit iyon sa kanya!

Matatanggap naman niya ang bata kung talagang buntis ito ng iniwanan ng asawa.Lalo na at baog pa siya sa pagkaka alam niya ng mga panahong iyon.

Shit!

Shit!

Bakit ngayon pa!

Kung kelan napatunayan na niya sa kanyang sarili na mahal na mahal na niya ito.

Hindi nito alam kung papaano siyang nangulila dito habang siya'y nasa ibang bansa. Pinilit niyang tapusin ng mabilis ng problema ng kompanya roon, para maka uwe kaagad sa piling nito. Tapos ganito ang dadatnan niya.

Isang babaeng sinungaling!

Galit na inihagis niya sa nadaanang trash can  ang pulompon ng mga bulaklak na dala-dala niya.



---------

Maagang bumangon si Melanie para mag jogging. Ito na ang ginagawa niyang exercise araw-araw para huwag siyang mamanas.Nagpapaikot-ikot siya sa loob ng subdivision.

Nagulat pa siya ng makitang makakasalubong niya si Zach sa pagliko niya sa isang kanto.

Huli na para umiwas, magkatapat na sila.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon