Hi guys,,pasensya na sa mga naunang publish ko na puro narration.
Hindi ko isiniwalat ang kabuuang detalye para hindi masyadong brutal,kung may mali like double letters,,,wrong grammar,,,kindly understand it for me,guys
Thanks....
Lab yah...
================================
Kinabukasan....
Sinundo ako ng driver ng matandang Senyora.
Hindi matapos -matapos ang mga habilin ko sa besty Daisy ko na alagaan ang mga anak ko.Hindi naman na talaga sila alagain,ang bunso ko na lang ang talagang hindi niya pwedeng alisan ng mata at talagang kalikutan pa.
"Oo,na sige na ako ng bahala sa mga bata,basta sisilipin mo ang mga bata kapag buwanan ka doon ha." Nakangiting habilin din niya sa akin.Alam kong malungkot din siya sa nangyari sa buhay ko.Kaya kontodo soporta siya sa mga plano ko sa buhay ngayon.
"Tingnan mo naman ang ginawa mo akin, porket matandang dalaga ako eh ginawa mo kong yaya!"Kunyaring himutok nito.
"Sus,ang besty ko namang are,alam ko namang mahal na mahal mo iyang mga anak ko,kunyari ka pa." Wika ko sa kanya.
Totoo kasing mahal nito ang mga bata,kinukuha nito sa akin ang mga ito para i- jollibee.Dahil hindi daw nakakatikim kumain doon ang mga anak ko.
At ito din ang taga salo ng mga sermon ko sa mga bata.Paano kung kelan ko pinagsasabihan malingat lang ako ng kaunti eh,naitakas na ang mga bata.
" Oh,s'ya lakad na ingat ka doon besty!"
Sabay yakap niya sa akin,yumakap din ako sa kanya at sa bunso ko na karga niya.Yumakap na din sa akin ang dalawa ko pang anak na si Nica at Ada.
Tahimik lang sila pero mababanaagan mo ng lungkot ang kanilang mga mata. Alam nilang para sa kanila ang pagtatrabaho ko.Kayat walang umiiyak sa kanila.Dahil bumaha na ng luha nang sabihin ko iyon sa kanila noong nagdaang gabi.
Noong una ay ayaw nilang pumayag,subalit sinabi kong kakaunin ko sila tuwing hapon ng biyernes ay pumayag na rin.
Nag sipag flying kiss pa ang tatlo bago isara ng driver ang pinto ng kotse.Tumulo ang luha ko ng mag isa na akong naka upo sa passenger's seat ng sasakyan.
Pakiramdam ko ay naulila ko ang mga anak ko sa murang edad.Gusto kong mag back out subalit ako ang taong mayroong isang salita.Hindi ko ugaling tumalikod sa ano mang usapan. At saka para rin naman sa kanila ang gagawin ko.
Ang nakakatuwa akalain mong hindi ko pa pala alam ang pangalan ng matanda at kung saan ito nakatira.
Basta nag assume na lang ako na talagang mayaman ito,dahil talaga namang kita sa hitsura.Pilipina ang matanda subalit hindi mukhang pilipina.Sa sobrang puti at tangos ng ilong mas mukha itong ispanyola.Kung sa tingin nga lang magbabase ang titingin dito ay mukha itong kontrabida sa teleserye katulad ni Rosemarie Gil.
"Senyorita,nandito na po tayo." Untag sakin ng mamang driver nang hindi pa rin ako tumitinag kahit tumigil na ang sasakyan.
Napatingin ako sa kanya.
"Salamat po,'tay!" sabi ko,"Ano nga pong pangalan ninyo?"
"Pilome...ang bantot po, senyorita tama na po yung 'tay pilo." Nahihiyang kamot nito sa ulo.
"Ay s'ya sige po,salamat po ulet 'tay pilo." Nakangiting sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan.
Napasinghap ako ng masilayan ko ang bahay teka hindi bahay iyon kundi,
BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomanceAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...