The rich woman

239 36 1
                                        

Hello again,guys.!

This is lans,leaving you a message,,,,

Kapit ka lang,walang pagsubok na hindi mo kakayanin,kung ang pananaw mo ay palaging walang imposible sa salitang posible...

hahaha,

magulo ba...???

================================

Maaga akong gumayak.

Biyernes ng umaga.Magbabayad ako ng kuryente sa Meralco sa bayan ng Calamba.

Pagkakataon kong umalis dahil walang pasok sa iskwelahan ang panganay ko.

Matapos ko siyang bilinang pakainin at painumin ng gamot ang bunsong kapatid ay lumisan na ako upang huwag abutan ng init sa daan. Mahabang lakarin bago ko marating ang highway. Nasa kaloob-looban kami ng iskwater area sa kahabaan ng riles ng San. Roque Sto. Tomas Batangas.

Makatapos kong magbayad ng bill ng kuryente.Naisipan ko munang mag paikot-ikot ng konting minuto sa loob ng Sm Calamba na mismong nasa sakayan din naman ng mga pampasaherong jeepney.

Sa paikot-ikot ko nabangga ako ng isang matandang sosyal na babae.

Ang totoo niyan ay mukhang hindi niya ako nabangga,nahilo siya at sa katawan ko bumagsak.Dahil putlang-putla siya ng aking maitayo at akayin sa loob ng outlet ng Jollibee.

"Ma'am,okay lang po ba kayo?"Nag aalalang tanong ko.

"Oo,Hija,medyo nahilo lang ako kakaikot." Nakangiting tugon ng matanda,hindi pa naman ito masyadong katandaan.Sa kalkula ko ay nasa sisenta pa lamang ito.

Maamo ang aristokrata nitong mukha,mukhang mayaman na sosyal ngunit maaliwalas naman ang aura nito.Nang suriin ko siya ng pasumandali ay puro yaman ang nakikita ko sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Eh,bakit po ba kayo nahilo,wala po ba kayong kasama.?" Magkasunod kong tanong sa kanya. Ni hindi ko siya nakitaan ng paghihinala sakin at pandidiri kahit mukha akong hampaslupa.

Pero nakita kong sinuri din ako ng matanda mula ulo hanggang paa.At hindi na rin ako magugulat kung magtatanong ito kung ako'y may lahing ita o kaya ay kung anak ako ng negro. hahaha

Actually,hindi naman ako sunog na sunog,ipinaglihi lang talaga ako ng aking ina sa inihaw na niyog na talaga daw namang napakabango.

5'1 lang ang height ko.Medyo kulot na ulet ang dating rebonded na buhok ko.Bilog ang mata ko.Marami ang nagsasabing ang mga mata ko raw ay tila mata ng isang kontrabida sa pelikula. Medyo pango din ang ilong ko.Pero hindi naman sarat, Mababa lang talaga ang aking balingusan.

Pero sabi ng ina ko ay cute daw ang maninipis na labi ko.At sabi naman ng kumare ko hugis kandila daw ang mga kamay ko.'Yun nga lang talagang wala kaming lahi ng malalaki ang hinaharap.

Sabi nga'y kung papaya ang dala-dala nila,patatas ang sa akin.

Kung pang tinola ang sa kanila, pang adobo ang sa akin...

Hahaha!!!

Bilog ang mga hita ko malaman ako ngunit malayo pa naman sa salitang mataba.Palagi kong nariring na maganda ang kurba ng bewang ko,at maganda ang lagay ng matambok na puwet ko.Bagay sakin ang naka short-shorts kasi pakiramdam ko tumataas ako kapag kita ko ang legs ko.Naka t-shirt akong stripe na pink,puti at violet.Naka rubber shoes na mumurahin sa palagadgad sa palengke ng Tanauan.Sa akin ay ayos na ang suot ko,dahil malinis at pang malakasan ko na ang suot ko.

Subalit kapag garine pala kaputi,kaganda at garine kayaman ang katabi mo ay talagang nagmukha akong basahan.

"Hija.!"Untag nito sakin."Sabi ko anong pangalan mo..?"

"Ay...Ako po si Melanie Piamonte,34 years old,separated and representing Sto.Tomas,Batangas!" Sagot kong nakangiti na tila kandidata ng Binibining Pilipinas.

Na ikinaihit nang tawa ng matanda.

" Hahaha...You are so funny Hija.Anyway,thank you nga pala sa pagtulong mo sa akin.Meron ba akong puwedeng ibigay sa iyo o ibayad o kung anuman?I'm sorry for asking,
Hija.Gusto ko lang ding ibalik sa iyo ang kabaitan mo.Kung iba-iba lang din ang tumulong sakin baka sinamantala na ang pagkahilo ko."

Tila napahiya pa ang matanda sa pag kaka alok sa akin. Naisip marahil na baka mainsulto ako sa kanyang alok.

"Naku,okay lang po Ma'am.Buti nga po naitanong ninyo.Baka naman po naghahanap kayo ng alalay,maid sa bahay o kaya'y baka pwedeng ampunin n'yo na kami ng tatlo kong anak."Kaagad kong sabi sa matanda.
"Hahaha...joke lang po yung huli. "

"Trabaho?" Natatawang bigkas nito na tila pabulong. At tila nangislap pa ang mga mata nito sa naiisip nito."Parang alam ko na kung anong trabaho ang ibibigay ko sayo.O sige Hija!Magsimula kana bukas.Ihahatid kana namin ng driver ko para alam na niya kung saan ka susunduin bukas."
Nakangiting sagot ng matanda, at tila masayang- masaya ito.

"Talaga po!Naku Ma'am...Salamat po, hindi ko na po talaga alam kung pa- paano ko bubuhayin ang tatlo kong anak." Sa pagkatuwa ko ay nayakap ko ang matanda."Ay sorry po,Ma'am."

"Stop calling me,Ma'am,hija.Call me Tita,oh no.. no..no...just call me Mama!Matagal nang walang tumatawag ng mama sa akin sapul ng piniling manirahan sa Canada ng kaisa-isahan kong anak."

Tila nagkabahid ng lungkot ang boses nito.Pero ngumiti rin kaagad at niyakag na ako sa parking lot ng SM.

"Pero,Ma'am..."

"I told you,Hija!Mama...it's Mama...not Ma'am." Gagad niya ulet sa akin"Come on,try it...say it!"Nakangiting hikayat nito sa akin.

"M-Mama,May problema po kung sa inyo po ako maglalagi may maliit po akong anak, ang bunso ko po ay tatlong taon pa lamang."Atubiling saad ko.

"Maghanap ka ng mag alalaga,Hija,at ako ang magpapasahod.Pagkatapos ay kukunin natin ang mga anak mo kapag biyernes ng hapon para makasama mo sila ng weekends."

"Naku,talaga po!Ay salamat po hindi po kayo magsisisi sa pagtulong ninyo sa akin." Sabi kong maluha-luha sa katuwaan.

Akalain mo daig ko pa ang nakatisod ng ginto sa pagbabayad ko ng kuryente.

Diba?

Bago ako ihatid ay ipinamili pa muna ako ng madadalang pasalubong para sa aking mga anak.

Isang kahon ng Pizza hut at take out na panghapunan.

Nagpasalamat ako ng marami sa matanda.Niyakap pa ako nito ng may pagsuyo bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan.

Lutang pa rin ang isip ko habang naglalakad pauwe sa aming munting bahay. Wala sa hinagap ko ang nangyari sa akin ng maghapong ito. Hindi ko kasi ugaling mangarap ng mga bagay na alam kong malabo kong makuha.

Pero talagang marunong ang Diyos sa mga anak niyang tumatawag sa kanya. Ang tangi ko lang namang hiling ay ang mabuhay ko at mapalaki ng maayos ang mga anak ko.

Iyon lang...

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon