Konting pa silip lang kay Zach guys.. Be patient... Wag mainip...
Hahaha...================================
ZachariasFuck shit!
Katatapos lang niyang kausapin si Yaya Pining. At marami itong sinabi na nakapag pagulo sa kanyang isipan.
Bakit hindi siya nagtanong!
Basta na lang siyang umalis!
My God!
2 years niyang tiniis si Melanie, sa pag aakalang ang ipinagbubuntis nito ay kay Daniel.
Tapos malalaman niyang sa kanya pala talaga ang bata.
Na pinagtakpan lamang nito ang ginawa ng kanyang ina na matagal na niyang alam, simula nang magpa test siya sa Canada.
Napakabait pala ng babaeng minamahal niya.
Ayon kay Yaya Pining ay daig pa raw ni Melanie ang nabalo ng mawala siya.
Sinuyo raw itong mabuti ng dati nitong asawa ngunit ni hindi raw ito natinag kamunti man sa mga pinakitang panliligaw ng lalaki.
Sigurado raw ang matanda na talagang siya ang mahal ni Melanie.
Kaya lang anong mukha pa ang ihaharap niya sa babae.
Dalawang mahabang taon niya itong iniwanan.
Nakakaiyak isiping napakabait ni Melanie para isunod sa pangalan niya ang anak nila gayong inabandona niya ang mga ito.
Oo at nahirapan din siya sa loob ng dalawang taon.
Nagalit na naman siya sa mga babae!
Na naman!
Ni hindi siya tumingin sa kahit na sinong babae.
Noong huling may nangyari sa kanila ni Melanie ay handa naman siyang tanggapin ang ipinag bubuntis nito.
Kaya nga may nangyari sa kanila bago siya umalis.Ngunit...
Nang kinabukasan niyon ay umuwe siya ng mansion. At inabutan doon ang kanyang ina na lantarang ipinipilit sa kanyang pakisamahan niya si Melanie kahit hindi sa kanya ang bata.
Sumiklab na naman ang galit niya sa kanyang ina.
Lahat na lamang ay pinakiki alaman nito!
Bumalik sa isipan niya ang mga pangyayari sa kanyang buhay na kagagawan ng kanyang ina. Isama pa ang pagpapalabas nitong baog siya.
Palagi na lang siya nitong kino kontrol. Para siyang robot na de susi na taga sunod sa lahat ng gusto nito. Oo at katulad ng palagi nitong sinasabi ay para sa kanyang kapakanan ang lahat ng ginawa nito. Pero matanda na siya, may sarili na siyang pag iisip.
Kaya pati kay Melanie ay nagalit din siya.
Naiisip niyang pinagkakaisahan siya ng dalawa, sa isiping gusto ng kanyang ina ng apo, kaya kahit hindi kadugo ay inaangkin nitong apo.
Sumabay pa si Laurence ,sa pagbabalita na ninanakawan ang kompanya nila sa Canada ng isa pa nilang pinsan. Halos kalahati na ng pera ng kompanya ang naililipat nito sa sariling pangalan sa iba't ibang banko doon.
Kaya umalis siyang muli ng hindi nagpapaalam kay Melanie sa pag aakalang makakabalik din siya kaagad.
Na siya niyang pinagsisisihan!
Dahil taon bago nila natagpuan kung saang bansa nagtago ang pinsan. Halos kalahati na lang ng kinamkam nito ang nabawi nila.
Magkagayon pa may hindi niya ipinakulong ang kanyang pinsan.Hindi iyon gugustuhin ng kanyang ama kung itoy nabubuhay pa. Ayaw nito ng ganitong usaping pagtatakwil sa kamag anak, kahit na anong dahilan lalo na pag tungkol lang sa pera.
Ang katwiran ng pinsan niya ay mas malaki ang shares ng pamilya nito sa kompanya kaya dapat ay ito ang CEO.
Iyon ang akala nito.
Dahil bago namatay ang ama nito ay nalulong sa sugal kaya't, naibenta sa kanyang ama ang ibang shares nito.
Sa tatlong magkakapatid na McBride ay halos ang kanyang ama na ang nagmamay ari ng pinakamalaking share of stocks sa kompanya. Dahil ito naman talaga ang pina pamanahan ng kanilang lolo ng kompanya.
Labag din naman sa loob niya ang ipakulong ang kanyang pinsan.
Napakaliit na bagay ang pera para pag awayan nilang mag pipinsan.Ang ikinakagalit niya dito ay inubos nito ang panahon at oras na dapat ay iginugol niya sa kanyang mag iina.
Ang dalawang taong naubos niya kakahanap dito sa ibat ibang bansa.
Ay ang panahong dapat ay kapiling niya ang babaeng mahal niya.
Nakakagalit lang diba?
Pero tapos na iyon!
Ang mahalaga ay ang ngayon!
Uuwe siya ng Pilipinas at aayusin niya ang lahat sa pagitan nila ni Melanie.
Sana nga ganun lang kadali ang lahat...
P. S.
Go... Go...!!! Zach!!!
Inip na ang mga readers ko sa pagbabalik mo... Hahaha... Lalo na si Fesantos0106...hahaha...
Actually mas inip na silang tapusin ko ang storya mo. Isama mo pag uwe mo si Laurence ha, irereto ko kay Daisy.... Hahaha....
Kaya lang manonosebleed ako dun... Di yun marunong magtagalog... Hahaha...wag na lang!!!
Keep on reading guys...!!!
BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomanceAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...