Melanie...
Mag isa na lamang siya sa kwarto ng magising siya.
Wala na si Zach.
Napangiti siya ng makitang nakasuot na siyang muli ng daster. Tiyak niyang si Zach ang nagsuot niyon sa kanya, tulad ng palagi nitong ginagawa dati kapag nakakatulog silang hubad.
Bumangon siya at dumiretso sa banyo.
Pagkatapos niyang maligo ay kaagad siyang bumaba sa komedor sa pag aakalang nandoon si Zach.
Dinatnan niya sa komedor sina Rose at Nanay pining.
"Rose, ang mga bata? "Tanong niya.
"Pumasok, Senyorita,"sagot nito sa kanya.
Napakunot ang noo niya.
Lunes, pala ngayon!
"Senyorita, oh gatas! "Sabay abot ni Rose sa isang baso ng gatas.
Napakunot noo siyang muli.
Bigla siyang naduwal, tumakbo siya sa lababo at doon sumuka. Sumunod naman sa kanya si Nanay pining at hinagod hagod ang likod niya.
Umayos din naman kaagad ang pakiramdam niya matapos niyang maisuka ang malalapot na laway.
Hinarap niya si Rose.
"Kelan pa ako uminom ng gatas ha, Rose? "Nakapamaywang na sita niya dito.
"S-sorry, Senyorita... Pero iyon ang utos ni Senyorito Zach bago umalis, ipagtimpla daw kita ng gatas pagkagising mo! "
"Umalis na si Zach? "
Iyon ang unang rumehistro sa utak niya.
"Oo, anak! "Sagot ni Nanay pining sa kanya.
Lumapit ang matanda at iniabot sa kanya ang isang tasang kape.
"O, inumin mo para mawala ang pangangasim ng sikmura mo! "
Iba ang tinging ipinupukol sa kanya ng matandang mayordoma.
Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang tigib ng awa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"May gusto ba kayong sabihin,Nanay
Pining? "tanong niya dito.Tumingin ang matanda kay Rose na kumakain.
Bago muling tumingin sa kanya.
"Saan natulog si Zach kagabi?Sa kwarto n'yo ba? "Diretsang tanong ng matanda sa kanya.
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng pisngi sa tanong ng matanda.
Hindi siya nakasagot.
"Alam kong mahal mo ang aking alaga, Melanie... Pero hindi ba parang sinasadista mo na ang iyong sarili? "
Tumulo ang luha niya, kasabay ng nakita niyang tumulo rin ang luha ng matandang mayordoma slash yaya n Zach. "Alam kong mahal ka rin ng alaga ko, pero parang hindi marunong magpatawad ang batang iyon! ""Lalong magagalit iyon, kung lalo pa ninyong patatagaling itago iyan! Huwag kang maki sali sa pagkakamaling nagawa ni Guada! "
Patuloy pa ng matanda.Hindi siya umimik kamunti man, hindi niya alam ang dapat sabihin.
Alam niya ang tinutukoy ng matanda.
"Bakit hindi mo sabihin kay Zach ang totoo? "Hirit pa ulit ni nanay pining.
"Wala akong karapatan, 'Nay... "
Humihikbing sagot niya."Meron, dahil ikaw ang mas nahihirapan! Huwag mong intindihin si Guada, dapat niyang pasaning mag isa ang nagawa niyang kasalanan. Hindi ka kasali roon! "
BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomanceAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...