Positive

147 25 1
                                        

Her

Gusto niyang himatayin ng makita niyang nagkaroon ng dalawang pulang linya ang pregnancy test na kapit niya.

Anak ng tukneneng naman oh!

Anong sasabihin ni Zach, na nabuntis siya ng ispiritu santo?

Hindi nga baog si Zach,pero paano niya ito ipaliliwanag sa mag-ina gayong pinangangatawanan ng mga ito na baog si Zach.

Napaiyak siya sa kanyang kalagayan. Gusto niyang matuwa na hindi baog si Zach at nabuntis siya nito. Pero paano kung pagdudahan lang siya ng mag-ina?

Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa Senyora.Lumuwas ito ng Manila,may aasikasuhin daw doon.Pero halata namang umiiwas lamang ito sa kanya. Si Zach naman ay ni walang tawag o kahit text man lamang.

Nahahapong nahiga na lamang siyang muli sa kama.At doon nag iiyak sa unan ni Zach na palagi niyang kayakap.

Oo at galit siya kay Zach, kaya lang bakit hindi niya magawang magalit ng todo. Gayong basta na lang siya iniwanan nito. Mas nangingibabaw sa kanya ang pangungulila dito.

Lalo na kapag naalala niya ang mga araw na sobrang sweet nito sa kanya.
Balik gawi na naman kasi siya sa paghalik at pagyakap sa litrato nito sa kwadro.

Napalingon siya sa pinto ng bigla itong bumukas.Si Daisy ang dearest bff niya.Dumalaw pala ito, hindi pa kasi siya lumalabas ng kwarto mula pa kaninang umaga.Sigurado siyang tinatawagan ito ng kanyang panganay o kaya ng mahaderang si Rose.

"Bff, ano ba yan? Wala kana bang ibang gagawin kundi umiyak mag hapon.? "Tila nag gagalit-galitan ang tonong ginamit nito sa kanya.

Muli siyang sumubsob sa unan.

"Bakit kay daniel eh kabilis mong naka move on, eh bakit diyan sa Zach mo eh nagkaganyan ka?"Sermon pa nito sa kanya.

Nakalabi siyang umupo at sumandal sa headboard.

"Bessy, iba to! "

"Ano ba kasing problema, eh diba babalik nga daw? "Inis pa ring giit nito.

"Bessy... Kasi... "

"Kasi ano?! "

"B-buntis a-ako...! "At bigla na naman siyang napaiyak.

Tumawa ang kaibigan niya ng nakakaloko.

"Ano ka si Mama Mary, nabuntis ng ispiritu santo?"Sabay halakhak ulet, pero tumigil din kaagad ng mapansing hindi siya tumatawa.

Oh kita ninyo?

Kaibigan pa niya ang isang ito, pero ganito ang naisip. Eh paano pa si Zach at si Mama?

"Weh? "Duda pa rin si Daisy.

"Oo, nga! "Sagot niya.

"Oh eh diba baog daw si Zach sabi ng Senyora? "

"Sabi nilang mag-ina, pero paano natin ipapaliwanag ito?Si Zach lang ang lalaki sa buhay ko pagkatapos ni Daniel. "Naguguluhang sagot niya sa kaibigan.

"Oh eh, baka naman mali ang result ng pagpapatest ni Zach! "Sagot ni Daisy, pero halata sa mukha ang pagkabagabag sa dinadala nilang problema.

"Lahat ng test result na ginawa dito sa Pilipinas? Mali? "Mulagang sagot niya sa kaibigan.

"Ewan ko bessy, hindi ko rin alam, Naguguluhan din ako! "Napahawak sa kanyang noo si Daisy, hinilot-hilot ang
Sentido nito.

"Si Mama, lamang ang makakasagot nito. "Sagot niya."Pero, paano eh hindi pumupunta si Mama dito, nahihiya naman akong pumunta ng Manila. "Nagpalakad -lakad siya sa kwarto habang nakapamaywang.

"Bakit ka naman mahihiya eh, wala ka namang ginagawang masama! "
Singhal sa kanya ng kaibigan.

"Oo nga,,, eh basta tsaka na kapag kaya ko ng kausapin si Mama. Kaya nga iyon hindi napunta dito ay dahil naiwas sa akin. Tapos ngayon ay pupuntahan ko naman! "Ewan ba niya kung bakit parang pati sa matanda eh masama ang loob niya. Pakiramdam kasi niya ay pinag kaisahan siya ng mag -ina.

"Sus...sabihin mo masama din ang loob mo sa Senyora, dahil feeling  mo pinag kaisahan ka ng mag-ina! "
Pambabara sa kanya ng kaibigan.

Kilalang-kilala na talaga siya ng kaibigan.

"Hala...tara na mag tanghalian, hindi ka pa raw kumakain mula umaga sabi ni Rose! "

Sabi na nga ba niya eh, ang mahaderang Rose na iyon ang tumawag sa kaibigan niya.

Naiiling na bumangon siya patungo sa banyo para maligo.

"Bakit hindi mo napansin na tumataba ka bessy? Hayan at medyo umbok na pala ang puson mo. "
Sita sa kanya ni Daisy. Nakapamaywang na nakatitig ito sa kanyang katawan.

"Ewan ko ba bessy, nalibang din ako. Ni hindi ko nga maalala kung kelan pa ako huling nagkaregla eh."Sagot niya.

"Sa tingin mo ilang buwan na iyan? "
Tanong ulit nito sa kanya.

"Parang tatlo bessy, o higit pa,dalawang buwan at tatlong lingo dito si Zach, at ngayon naman ay mag tatatlong lingo na siyang wala."Gusto na namang sumakit ng ulo niya kaka kalkula kung ilang buwan na siyang buntis.

"Bakit hindi mo tanda kung kelan ninyo ginawa iyan? "Nakangising pang aasar nito sa kanya.

Binato niya ito ng unan.

"Bruha ka... Halika at kukurutin ko iyang singit mong mahadera ka... !"

Humahalakhak naman itong tumakbo palabas ng kwarto.

Bruhang iyon!

Napangiti naman siya ng mapag isa.Paano totoo naman, lumagay kasi siya sa sinabi ng matanda na baog si Zach.

Tinungo niya ang banyo at binistahan ang sarili sa salamin ng siya ay makapag hubad.

Bakit nga naman hindi niya kaagad napansin.Kung hindi pa siya naka amoy ng bawang ay hindi pa niya malalamang buntis siya.Ganoon siya sa tuwing magbubuntis siya nagsusuka kapag nakakamoy
ng bawang.

Paano masyado siyang nahumaling sa atensiyong ibinigay sa kanya ni Zach.

Ah basta!

Kahit anong mangyari!

Kung hindi man tanggapin ni Zach ang ipinagbubuntis niya ay pangangatawanan niya ang kanyang ipinagdadalang tao.

Sa kanila na ang pera nila basta sa kanya ang anak niya.

To hell with their  money!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon