The new house

159 28 0
                                    

Daisy's POV

Hay...salamat at nag ka POV din ako sa wakas...akala ko matatapos ang storya ng wala akong point of view...
Hahaha...

Charot...

Napaka swerte naman ng aking bff na are...

Eto na...eto na ang umpisa ng kanyang pag yaman.

Tapos na ang kanyang paghihirap.Dininig na ng mahal na panginoon ang araw-araw kong dasal.Ang paginhawahin naman niya ang buhay ng kaibigan kong puro pasakit mula pa sa simula ng kwento...

Eto na...tunay na to!!!

Dumating si Mang pilo,ipinapasundo sina Melanie.Lilipat na raw sa bagong biling bahay ni Senyora Guada.

Huwag na daw magdala ng kung anong gamit at puno na rin daw ng gamit ang bagong bahay.Naroon na rin ang mga gamit at damit nina Zach at Melanie mula sa mansion.

Ayaw kong sumama kaya todo pangungulit itong bff ko.Hindi naman niya ako kelangan sa bagong bahay at ang daming katulong dun na magbabantay ng anak nito.

"Besty...sumama ka na,d'yan lang din naman tayo lilipat sa Sto.Tomas,malapit lang naman."pangungulit nito sa akin.

" Yun na nga eh,malapit lang ang lilipatan mo,pwede mo naman akong dalawin dine kahit araw-araw.!"katwiran ko.

"Kahit na...Hindi ba ito ang pangarap natin,ito ang usapan natin.Na kapag yumaman ako,yayaman ka din,diba?"Pilit niya sa akin.

" Oo na nga,kaso hindi ka pa mayaman.Besty...'wag mo na nga muna akong alalahanin,iyang buhay mo muna ang intindihin mo at pag maayos na kayo ni macho gwapito mo tsaka mo ako sunduin dito."
Paliwanag ko sa kanya."Isa pa may mga magulang akong hindi basta-basta papayag,alam mo namang kaisa -isahan akong anak na maganda nina nanay at tatay,'kaw talaga oh!"Biro ko,paano iisang anak naman talaga ako.hahaha...

"Alam mo namang malaki ang utang na loob ko sayo,kaya gusto kong makabawi sayo!" Giit pa niya sa akin.

"Alam mo besty,napakakulit mo!Oh siya...sasama ako ngayon pero uuwe din ako ha.Basta kapag kelangan mo ako,andito lang ako!" Suko ako sa kakulitan ng kaibigan kong ito.Tuwang-tuwa siyang yumakap sa akin.Hinagod ko naman ang likod niya,"oh siya tama na at baka mag ka iyakan pa tayo neto!"

Tatawa-tawa kaming nag hiwalay.Tumayo na kami at dinampot ang mga dapat dalhin.Nasa sasakyan na ang mga bata,dala ni Zach.

Hindi naman totally lilipat doon si Melanie,andito pa rin ang mga gamit niya at syempre uuwe din siya dito minsan para linisan ang bahay niya.Pero parang nakakalungkot isipin na lilipat ng bahay ang bff ko.Oo nga't malapit lang ang Sto.Tomas,kaso ay hindi na kami magiging  katulad ng nakagawian namin.Madalas kasi kaming sabay magkape sa umaga at sabay na kumakain.Ngayon biglang nagbago ang pangyayari.

How sad!!!......
.
.
.

Nang makarating kami sa bahay na binili ng Senyora ay gusto kong malula sa laki nito.

Second hand pa tong bahay na ito ha...Nag migrate daw sa abroad ang may ari ng bahay kaya ibinenta.

Eh susko pagkalaking bahay baga neto.At take note...iba talaga ang may pera.Akalain mong napuno agad ito ng mga appliances at mga mamahaling furniture's?

Naabutan na din namin ang ilang sasakyan sa labas.Ibig sabihin naipalipat kaagad ito ng Senyora sa sandaling panahon.

Ang galing diba?

Kaagad na niyakap ng Senyora ang mga anak ni Melanie pati ako ng makita kaming dumating.
Pagkatapos ay sabay na niyakap sina Zach at Melanie.Napakabait ng matandang ito.

Ni hindi ko ito nakikitaan miski kaunti mang ka plastikan.
Talagang bukal sa loob nito ang ipinapakitang pagkagiliw sa amin,lalo na sa mga bata.

Melanie's POV

"Ang ganda naman ng bahay na ito,Mama!"

Nalulula siya sa ganda ng bahay na ito.Malaki ang pagkakaiba sa mansion ng Senyora,ngunit napaka laki pa rin nito para tawaging bahay lamang.

[Kung sa aming mahihirap,
malacañang na ang tawag namin dito.]

Wika niya na sarili ang kinakausap.

"Sa iyo ang bahay na ito,Melanie." Nakangiting saad ng Senyora."O di hindi na natin kelangang umuwe ng Manila,gawin na lang nating pasyalan ang bahay sa Forbes."patuloy pa nito.

"Salamat,Mama!" Maluha-luhang wika niya sa matanda.Alam niyang ginagawa nito iyon para hindi mahirapan ang mga anak niya ng pauli-uli ng manila at batangas para lang makasama nila.

"Basta't para sa iyo Melanie,alam mo namang minahal ko na kayo ng mga bata.At tsaka nalulungkot na rin ako sa mansion mag-isa,nakakapagod na rin mag travel ng mag travel abroad.Dito na lang ako sa bahay,makikipag kwentuhan sa mga apo ko!"

May lambong ng lungkot ang mukha ng Senyora.Habang nagpa paliwanag.
Matanda na ito,ngunit malakas pa ito.Marahil ay gusto lang nitong maglagi sa bahay upang maka sundo ang anak na si Zach.

Tumingin siya kay Zach na nakatayo sa tabi niya na ng makitang tumingin siya rito ay biglang iniiwas ang tingin sa kanya.

And...

My Gosh...

Parang pairap pa ang ginawa sa kanya ng gung-gong na 'to.

Pagbuhol-buhulin niya kaya ang bituka nito,matauhan kaya ito?

Hump...

Lagot ka akin mamaya!

Sabay irap rin niya rito ng muling tumingin sa kanya.

"Oh siya,magpahinga na muna kayo,Yung master's bedroom sa bandang kanan sa itaas ang kwarto ninyo ni Zach" Pagkuway sabi ng Senyora."Oh kayo kid's saan ang gusto ninyong kwarto sa taas o dito sa baba?"baling nito sa mga anak niya.

"Kahit saan po lola," Mayuming sagot ng panganay niya.

"Ako lola,gusto ko po sa itaas." Sagot ni Ada."kaya lang gusto ko kasama sina ate at si acia,ayaw kong mag isa sa kwarto,ate..!"Bumaling ito kay nica na nakangiti sa kapatid.

"Oo na,'kaw pa eh alam kong masyado kang matatakutin!"

Nagtawanan silang lahat.

"Oh siya,bahala na kayong mamili ng kwarto sa itaas.Lima ang kwarto doon,at ikaw Daisy mamili ka na din ng kwarto mo.At ako eh dito na sa ibaba.Napapagod na akong mag akyat-baba sa hagdanan.Oh siya, paano magpapahinga na muna ako," Sabi pa ng matanda,bago pumasok sa kwarto nito.

Ang mga inakay  naman niya ay kanya-kanya ng takbo pataas.Si Zach nama'y nililibot ang bahay,tinitingnan siguro kung may pool.Mahilig kasi itong mag swimming sa gabi noon sa mansion.

"Bff...Sa isang araw ka na umuwe ha..." Lambing niya kay Daisy.

"Oh eh ano pa nga ba,eh hindi ka di naman talaga papayag na umuwe ako ngayon!" Nakalabing sagot nito sa kanya.Napangiti siya,nag iinarte ang bruha kundi pa niya alam,excited ding mamili ng kwarto sa itaas.

"Oh siya,mamili ka na din ng kwarto sa taas,magbibilin lang ako kay Nanay pining ng uulamin ngayong hapunan."Sabi niyang tatawa-tawa sa kaibigan.

Hinanap niya si Nanay pining upang bilinan na gusto niya ng mga gulay sa hapunan.Natagpuan niya ang mga ito sa kusina,nag memeryenda.

Niyakap niya sa tuwa sina Nanay Pining,Rose,Cora at melin.Akalain mong lahat ng kasundo niyang katulong ang ipinadala ng matanda rito sa bahay para makasama nila.Kasama din syempre si Tatay Pilo at si Jhong na Driver at body guard ng mga bata.Pati na ang dalawang security guard na hindi niya alam ang pangalan.

Matagal silang nag kwentuhan bago niya iniwanan ang mga ito para hanapin si Zach.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon