The Visitor

134 26 4
                                    

A/N

Hello guys... Xenxa na kung medyo matagal ako mag UD medyo may ibang pinag ka abalahan ang inyong lingkod.

Anyway's thank's again kina ...
Fesantos0106...
And to my new reader
Unequal _eye...
YnaAnonuevo...
And of course to my beloved daughter...
Nicajane28 ...na suking-suki ko...
thanks for reading guys...
Lab yah...!!!

P.s
Happy bday, sa bff ko na number 1 reader ko syempre...sunod kay fe... Si Daisy Caraan...
Happy bday... Boy... Lab yah...
================================

Melanie's POV

"Anong ginagawa mo dito,Daniel? "
Nakahalukipkip ang mga brasong tanong niya kay daniel.

Paano bigla na lamang sumulpot at bumisita sa bahay nila.

"Kita mo ikaw,pinatuloy mo nga ako pero hindi mo man lang ako balak paupuin bago usisain! "May tonong panunumbat nito.

Ang kapal ng mukha!

Sa isang banda'y tama nga naman ito.
Nasaan nga naman ang puso niya at hindi man lang niya ito magawang paupuin.

Iginiya niya si Daniel sa Garden at doon  pinaupo sa isa sa mga bench doon.

"Oh, ngayon, bakit ka napasugod dito?..."

Laking gulat niya ng bigla itong lumuhod sa harap niya at niyakap ang mga binti niya.

"Melanie...patawarin mo na ako!Bumalik na kayo ng mga bata sa akin.
Pangako...hinding hindi na ako uulet!"

"Heh!... Bitawan mo nga ako Daniel! "

Singhal niya, sabay layo sa dating asawa.

"Anong akala mo sa amin ng mga anak mo,Daniel, laruan? Na pagkatapos mong iwanan ay pwede mong balikan para muling paglaruan?"

Kalmado siya sa pagpapaliwanag.Pero nang gigigil siya sa kakapalan ng mukha nito.

"Hindi pa ba sapat na nanahimik ako at hindi ko kayo ginulo ng babae mo! "

"Pero wala na kami ni Fe, kung iyon ang iniisip mo! "Sagot nito sa kanya.

(Xenxa na Fe... Walang ibang character  na masingitan ng name mo. Pagtiyagaan mo ito ha. Lab yah!)

"Oh eh anong paki ko kung wala na kayo,hiwalay na tayo kaya wala ka ring pakialam sa amin ng mga bata, siguro nama'y alam mong may kinakapisan na rin ako! "Gusto niyang magpakahinahon pero kapag ganito naman ang kaharap mo.

"Melanie... Patawarin mo na ako... Sige na bumalik na kayo ng mga bata!"patuloy na pagmamakaawa nito sa kanya.

Hindi ba nito narinig ang mga sinabi niya?

"Hindi na kami babalik ng mga anak ko sa iyo, Daniel!"Matatag na sabi niya. "Tapos na tayo. "

"Pero may karapatan ako sa mga anak ko! "Pilit nito.

"Hindi naman kita inaalisan ng karapatan ah,ikaw ang hindi na dumadalaw sa mga anak mo kahit noong nandoon pa kami sa bahay natin.Hindi ba at lumipat pa kayo sa malayo ng bago mong asawa.?"

Ayoko naman niyang manumbat, tapos na siya sa sumbat portion niya para rito.Pero hindi niya mapigilan ang mainis sa taong ito.

"Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? "

Susme!

Daig pa ang maamong tupa!

Totoo namang mabait ito at mapagmahal...

Somobra nga lang... Dahil pati kapitbahay ay idinamay!

Iginiya niya ito paupo sa bench.

"Daniel, alam mo mulat sapul na kapag humiwalay ako sayo at hinding-hindi na ako makikipag balikan pa.Kaya nga nagtiis ako ng mahabang panahon, hindi ba?Kaya lang naman ako humiwalay na ay dahil sinukuan na kita. Ibig sabihin niyon ay talagang hindi ko na kaya! "

Tinitigan niya ito sa mga mata.At diretso rin itong nakatingin sa kanya.Tila inaarok nito kung talagang hindi na niya ito mapapatawad.

Sa paglaglag ng mga balikat nito at alam niyang sumuko na ito at naintindihan na siya nito.

Hinagip nito ang mga kamay niya at pinisil-pisil.Kung kami pa siguro,baka kinilig pa siyaPero talagang wala na siyang nararamdaman pa para rito.

"Napaka swerte ng lalaking mahal mo ngayon.Sana ay ibigay niya ang pagmamahal at pag galang na hindi ko naibigay sa iyo, Melanie! "

Napakadali naman pala nitong paliwanagan!

Pinahirapan pa siya!

Alam niyang taos sa puso ang sinabi nito sa kanya.Si daniel ang taong marunong tumanggap ng pagkatalo.
Alam nito kung kelan kailangan ng sumuko at kelan hindi pa.

"Mahal ka ba ng kinakasama mo ngayon? "Tanong pa nito.

Tila gusto niyang mabingi sa tanong nito!

Hindi din niya alam kung papaano
sasagutin ang tanong nito.Madaling mag sinungaling pero mahirap mapatunayan.

Kailanma'y hindi pa siya sinabihan ni Zach ng mahal siya nito.Hindi pa niya narinig kay Zach ang salitang I Love You... Kahit pabulong man lamang.

Palaging I Want You lang...lalo na kapag gusto siyang ikama.Para tuloy gusto niyang sumubsob sa balikat ni Daniel at magpalahaw ng iyak.

Nakahinga siya ng maluwag ng magtanong ulit ito.

"Nasaan na nga pala ang lalaking iyon? "

"Nasa Canada, m-may inaasikasong negosyo doon. "Sagot niya.

Tinitigan siya nitong muli. Tila may gustong sabihin pero sinarili na lamang.

"Aalis na ako, Melanie. "Sa wakas ay sabi nito sa kanya."Alam mo kung saan ako pupuntahan kung sakaling saktan ka lang din ng lalaking iyon!"Tatalikod na sana ito ng muling magsalita. "Melanie,payo lang... Huwag mong itutulak ang isang taong mahal ka kahit pa nagkamali siya. Matuto kang magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon sa isang tao!"

Nabigla siya ng bigla siya nitong kabigin at yakapin ng mahigpit.Niyaka din niya ito at pagkatapos sabay silang naglakad patungo sa gate ng bahay.

Nakaparada sa labas ng gate ang jeep nito.Bumusina pa ito bago pinaandar ang sasakyan, tanda ng pamamaalam.

Nakangiti siyang pumasok ng bahay, ang gaan ng loob niya sa nangyaring pag uusap nila ni Daniel. Parang biglang humawan ang lahat ng laman ng dibdib niya. Pati ang tampo niya kay Zach ay tila nawala.

Dahil iyon sa huling salitang binitawan sa kanya ng kanyang dating asawa.

Ang magpatawad!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon