The wine bar

174 29 0
                                    

Hindi siya makatulog,ewan ba niya kung bakit.Wala naman siyang iniisip na kahit na ano.Pero bakit parang kailangan pa ng alak bago makatulog.Masyado naman ng gabi para katukin pa niya si tatay pilo para yayaing bumarek.

May insomia siya.

Hindi siya nasanay sa sleeping pills.Kapag hindi siya makatulog it's either naglalaba siya ng gabi o naglilinis ng bahay habang tulugan na ang mga kapit- bahay.

O talagang kailangan na niyang tumikim ng ilang shots ng alak.

Kung lasingera ang tawag doon.
Ay p'wes lasingera siya.

Hinalungkat niya ang personal ref sa kwarto.Ngunit walang alak doon.Daig pa niya ang adik na paikot-ikot sa kwarto.

Wala siyang ibang maisip na paraan upang magkaroon ng alak kundi katukin si Zach sa Private office nito upang humingi ng alak.Doon niya ito nakitang natutulog.At sigurado siyang hindi ito mawawalan ng nakatabing alak.

Hindi siya nagdalawang isip pa,Tinungo niya ang private office ni Zach.

Kumatok agad siya bago pa siya abutan ng hiya at isiping umatras na lamang.

Kakatok sana siyang muli ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina nito.

"What!" Tila gulat na gulat ito pagka kita sa kanya.Kung hindi siya nagkakamali ay dahil naka roba lamang siya na hindi naman nakatali.At sa loob nito ay naka itim na bra lamang siya at isang maikling pantulog na satin short-shorts.

Pumasok siya sa loob kahit hindi siya nito inayang pumasok.

Diosme!

Isang bahay pa rin ang katumbas ng opisina nito.Kaya pala ito nakakatiis na hindi lumabas dito maghapon.Ay mayroon itong sariling kusina,banyo,bathroom at isa pang kwarto na kwarto talaga dahil may kama.

Sa gitna ng opisina  ay may mesang puno ng kung ano-anong papeles.May malaking flat tv screen sa tapat nito.Meron ding sala set na kulay lumot ang cover tulad ng sa kwarto nito bago niya pinapalitan ng puti.

Pinaikot-ikot niya ang kanyang mata sa loob ng opisina.Hanggang sa matagpuan  ng kanyang mata ang kanyang hinahanap.

Oh my!

Hindi nga siya nagkamali!
May sariling wine bar ang loko sa loob ng opisina nito.

Dali-dali siyang lumapit sa wine bar upang maghanap ng pamilyar na alak.Paano kaya niya malalaman kung alin ang hindi masyadong mapait sa mga ito at kung alin ang masarap inumin?

Nagulat siya ng biglang magsalita sa likuran niya si Zach.

"Gusto mo ng alak kaya ka pumunta rito sa opisina ko?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo,ini-insomia ako,hindi ako makatulog,alak lang ang makakapag patulog sa akin!" Tahasang sagot niya.

"At anong kapalit kung bibigyan kita,aber?"

"Kapalit?" Nag isip pa muna siya kung ano bang kapalit ang gusto nitong makuha mula sa kanya!"Kiss?"tanong niya.

Ngunit tumawa lang ito ng malakas na tila talagang tuwang-tuwa sa kanya.

"Kiss?,I can kiss you anytime I want,babe.You know that!" Sagot nito sa kanya.

Nakaisip naman siya ng kalokohan.

"Sex?" She said.

"Sex?Really?" Ngiting-ngiti ito na tila nakaisa na sa kanya."Sex,kapalit ng alak?"ulit nito.

"Why not?" Sabi niya"it's just a sex,hindi naman na ako virgin.In fact, isang karangalan sa akin ang maka sex ang isang tulad mong macho at mayaman.Samantalang isa lamang akong hampas lupa.Kapangit-pangit ko kaya para ipagdamot ko pa sa iyo ang katawan kong ito!"Tahasang sabi  niya sa lalaki.

Tingnan lang natin kung mapakinabangan mo pa ako kung ako'y  malasing na,gung-gong!

Sabi niya sa sarili niya,na ikinangiti niya ng lihim.

"Are you sure?" Tanong ulit nito sa kanya na tila aliw na aliw talaga.

"Yeah!" She answer.

"Okay, deal!" Sabi nito."Let's sealed it with a kiss!"At bago pa siya nakaiwas ay nahaklit na siya nito at nahalikan ng mariin sa labi.

"Ano yun?"tanong niya ng pakawalan siya nito at hinila papasok sa wine bar.

" Paunang bayad!" Sagot nito sabay kindat.

"Sigurista lang ang peg!" Bulong niya.

"What did you say?"

"Nah-nothing!" At sa mga bote na ng alak siya tumingin.Kunwari'y pumipili siya sa mga alak na hindi naman niya kilala ang brand.


Zacharias...

Tuwang-tuwa naman siya sa kalokohan ng babaing ito.Akalain mong inialok ang katawan sa kanya kapalit ng masarap na alak.Natawa siya,akala siguro ng babaing ito ay maiisahan siya nito.Kung tulog na nga naman ito sa kalasingan ay ano pa nga bang magagawa niya kundi hayaan itong matulog.

Isang bote ng red wine ang kinuha niya.Matamis ito at masarap.Ngunit talagang bawat shot ay nakakapag painit ng katawan,bawat inom ay nakakapag pahilo ngunit hindi sapat ang alcohol nitong taglay upang makapag patulog sa kalasingan.

Nilingon niya si Melanie.Nakasalampak na ito sa sofa habang nilalantakan ang malaking junk foods na nakita sa ibabaw ng  wine bar.Binili talaga niya iyon para dito.Dahil balak talaga niya itong yayaing uminom para lasingin.Dahil nasasabik na siyang muli itong matikman.Akalain mong ito pa ang kusang lumapit sa kanya upang ipagpalit ang katawan sa alak.

I must be very lucky!

Nasabi niya sa sarili.

Dala niya ang bote ng alak at dalawang wine glass ng lumapit siya rito.

"So,tell me,paano ka nagkaroon ng insomia?"

Tanong niya habang sinasalinan ng red wine ang kopita nito.Tinikman muna nito ang alak bago sumagot.

"Ewan ko,siguro dahil mahilig akong magpuyat para magbasa ng romance pocket book's noong dalaga pa ako!"

Sagot nito,sabay tungga ng lahat ng laman ng kopita.

Napangiti siya.

Balak talaga siyang isahan ng isang ito naisip niya.

"Oh,dahan-dahan,malakas yang tumama!" Kunwa'y sabi niya.

"Hindi!Kaya ko 'to,noong nakaraang lingo nga,emperador ang tinira namin ni tatay pilo eh!"

Pagyayabang pa nito na ikinatawa niya.

Sige magyabang ka pa...maya -maya lang nasa kama na naman kita!

Bulong niya sa sarili niya.

"May sinasabi ka ba ha,Zach?" Medyo tipsy nang tanong nito sa kanya.

"H-ha,sabi ko magkwento ka pa. "He said.

"Ano namang iku-kwento ko,wala namang magandang nangyari sa buhay ko maliban sa mga anak ko!"

"Ako hindi ba ako kasali sa magandang nangyari sa buhay mo?"

Usisa niya habang uminom,parang siya ang lasing na at hindi ang bruhang ito.Ang tibay sa alak,paubos na ang isang boteng red wine ay tuwid pa ring mag salita.

"Ikaw?" Natawa ito."Isa kang panaginip na tila pwedeng maging bangungot sa buhay ko,Zacharias McBride! You're such a dream ,that will never come true!"

Nagulat siya sa sinabi nito.

"At bakit naman?"tanong niya.

"Alak pa more!"sabi nito at pinasalinan sa kanya ang kopita nito.

" Napakahirap mong abutin,Zach! You're just too good to be true!"




"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon