Pwede na

287 36 2
                                    

Sa madaling sabi ay umuwe kami ng Mindoro at kinausap ni Daniel ang aking mga magulang.

Wala naman siyang problema sa aking ina sapagkat likas na mabait at mahinahong tao ang aking inay.

Ang hindi ko malaman ay kung bakit hindi rin naman siya nagkaroon ng problema sa ama ko samantalang likas itong basag ulero.

Gayong wala namang napag usapang kasalan eh bakit naayos kaagad ang usapan?

At iyon ay nasagot ng makita ko silang magkaharap na sa masarap na pulutan at lambanog na aming dala-dala.

Nang kami ay makabalik sa Batangas.Dumiretso kami sa inuupahan ni Daniel na maliit na apartment sa bayan ng Tanauan.

Nagsama kami bilang mag asawa kahit walang basbas ng kasal.Doon ko iniluwal ang aming panganay na si Danica Jane o Nica.

Pagkalipas ng dalawang taon ay lumipat naman kami ng San roque Sto.Tomas sa may riles.

Doon ko naman ipinanganak ang pangalawa naming anak na si Dianna Jade o Ada.

Nakaanim na lipat kami ng paupahang bahay bago namin nabili ang ikaanim na bahay mula sa isang kaibigan.

At doon ko naman inianak ang aming bunso na si Dacia Janelle o Acia na may walong taong pagitan mula sa ate niyang si Ada. Ang panganay ko ay katorse mahigit,si dianna ay sampo mahigit at magtatatlo ang bunso ko.

Mabait naman si Daniel,palaging may pasalubong sa akin at sa kanyang mga anak kapag umuuwe sa gabi galing sa pagmamaneho ng jeep.

Noong una ay talagang napakabait kaya natutunan ko na siyang mahalin.Tulong kami palagi sa gawaing bahay tulad ng paglalaba at paglilinis ng bahay.

Mabait at malambing din siya sa kanyang mga anak.

Ang nakakainis lamang sa kanya ay malakas talaga itong uminom ng alak. Madalas mahila ng mga kabarkada sa kung saan-saang inuman.

At kapag siya ay galit,palaging nakasigaw,nakamura at mabunganga pa.

Kaya ang siste ay nag bu-bunganga din ako upang tumigil siya at ako ang pakinggan ng mga anak ko.

Paulet-ulet lang kami ng away bati.

Away bati.

Dahil natuto na din akong managot at pumatol sa kanya.

Subalit,alam kong kasama iyan sa buhay may asawa.Kaya't tumagal  kami ng halos labing limang mahahabang taon.

Nakamulatan ko sa aking ina na sa buhay mag asawa ay hindi palaging masaya.Kaakibat ng mag asawa ang problema.At hindi rin daw dapat mag alsa balutan sa tuwing may alitan ang mag asawa.

Kayat kahit anong suliranin ang pag daanan naming mag asawa ay nanatili akong nakakapit sa aming pagsasama.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon