Knowing each other

207 34 1
                                    

A/N

Pasensya na sa aberya ng chapter 12 na sumbat,medyo na traffic xia ng konti pero na i-publish ko na.

Again shout out ulit kina jeelynMangahis,
And RoxanPerez9 for adding my story on your readings lists....

Lab yah....

P.S.

Dont forget to vote!!!

================================

"Nanay pining,gusto ko ng ginisang kamatis at sap-sap na tuyo." Lambing niya sa matandang mayordoma habang naghihiwa ito ng bawang at sibuyas.

As usual nandito na naman siya sa maids house para makikain.Wala naman kasi siyang magawa sa mansion.Wala ang Senyora,Tila nag -iiwasan ang mag-ina.Dahil kapag nandiyan at pahara- hara sa  loob ng Mansion si Zach,umaalis ang Senyora o kaya'y nagkukulong sa kwarto nito.

At kapag nasa mansion naman ang matanda ay si Zach ang wala o kaya'y nag kukulong din sa private office nito.Daig pa ng mag- ina ang nag lalaro ng hide and seek.Hindi niya nga alam kung kailan siya may kasama sa mansion at kung kailan wala.

Hay buhay ng mga mayayaman.

"Sus,kahapon ko lang kayo nakitang naghahalikan ni Senyorito sa gym,naglilihi ka na agad?" Tudyo sa kanya ni Rose.

"Rose!" Saway ni Nanay pining dito."Hindi magandang biro yan,Hindi ba't sinabi ko na sa iyong baog si Zach,baka mamaya ay marinig ka nun,isiping pinariringgan mo siya.Tiyak na iaabot nun sayo ang huling sweldo mo.!"Asik kay Rose ng matandang mayordoma.

"Ay sorry po,Nanay pining.Nalimutan ko po!" Hinging paumanhin ni Rose.

"Oh eh,ba't ka nga ba naririto na naman,Senyorita,mag iinum ba ulit tayo?" Sabat ni tatay pilo.

"Pilo!" Saway din dito ng matanda.

"'To namang si Pining,para nagbibiro lang eh."

Naghagikhikan sila nina Rose,Melin at Cora.

"Eh kasi naman,'tay.Para na akong masisiraan ng bait sa sobrang katahimikan sa  mansion." Nakalabi niyang sagot,"at tsaka gutom na ako gusto ko namang kumain ng pagkaing gusto ko!"

"Oh heto na nga oh,nagpiprito na ako ng sap-sap mo,bilisan mo d'yan Rose sa pag gagayat ng kamatis hindi iyang puro ka bungis-ngis diyan." Ganito lang magsalita ang matanda para sumunod ang mga nakakabatang katulong sa kanya subalit napaka bait nito.Ang matanda ang nag ikot sa kanya sa buong mansion.

"'tay asan ang iba pang katulong,isabay na nating kumain,mas marami mas masaya.!" Sabi niya.

"Melin,cora!Sumabay na kayo ritong kumain.!" Tawag ni rose,"yung iba senyorita day-off,ang iba pa nasa mansion naglilinis ng mga guest room sa taas.!"paliwanag ni Rose sa akin.

Sumimangot siya nang makita niyang puro pagkain din sa mansion ang inihain sa mahabang mesa ni Nanay pining.Ang pag kakaiba lang ay ang pritong sap-sap at ginisang kamatis na request niya.Nagtawanan ang mga ito sa reaksyon niya. Ayon sa mga ito'y palaging may nilutong pagkain sa Mansion may tao man o wala.At kapag lumampas ang oras ng tanghalian na walang kumain nito ay sa maids house ang bagsak niyon.Iyon daw ang utos ng Senyora kaysa masira ang pagkain sa mansion.Kahit may sarili silang allowance sa gastusin ng pagkain sa maids house.

"Mabait si Guada,Senyorita."

"Melanie,'nay" putol niya sa sinasabi nito.

"Naku hindi pwede,anak at baka marinig ako ni Guada ay mapagalitan ako.Iyon ang kauna unahan niyang ibinilin ng iniuwe ka niya rito.Ang tawagin kang Senyorita dahil mama nugangin ka raw niya." Mahabang paliwanag ng matanda.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon