Karelasyon

252 38 1
                                    

Hello again...

Sorry sa mga hugot...

Gusto ko lamang ipaalam na talagang may ganitong pangyayari.

Hindi mo man dinanas atleast you know how it feels.!!!

Ok lang mag comment guys kahit foul,,atleast comment pa rin diba...
At syempre alam kong my nagbabasa!!!
Thanks....

================================

Ngunit,subalit,datapuwa't tanggap ko ang lahat ng kapulaan at
kahinaan na meron ang aking asawa, Dahil sa hindi rin naman ako perpektong tao ay meron pa kaming hindi pinag ka kasunduang mag asawa.

Ay aba ang lolo n'yo!

Maharot at malandi sa mga babae.

Palibahasa'y driver ay magaling bumutinting ng kung ano-ano at kung sino sino...

Noong una ay hindi ko ito alintana, sapagkat wala akong matibay na ebidensiya.At wala rin akong nakikita na talagang kahina-hinala bukod sa talagang mahilig makipag biruan sa mga babae.

Ewan...ganyan tayo eh!

Kapag mahal natin ang isang tao kita na nagbu bulag-bulagan pa rin.

Hanggang sa isang araw,Ay nagulantang ako sa isang pangyayari!

Palagi naman akong nakikipag kuwentuhan sa mga kumare ko.Sa mga kapitbahay na halos ay naging kumare ko na lahat.

Pero ang hindi ko malaman eh kung papaanong nabuntis ng damuho kong asawa ang isa sa aking mga kumare?

Ang hindi ko matanggap ay napag kaisahan ako ng ilan kong kaibigan ng hindi ko nalalaman.

Dahil alam nilang buntis si babae at ang walanghiya kong asawa ang ama.At ang masakit pa neto eh bukod sa nawalan na ako ng asawa eh nawalan pa ako ng mga kaibigan.

Dahil takwil mode ang lola ninyo! Eh syempre!

It hurts! You know!

Ang siste...

Hinakot ko si gamit ni asawa ko,(ay este ex husband na pala) sa bahay ni kumare na dadalawang hakbang lamang ang pinto mula sa bahay ko.

Kaya't huwag na kayong magtanong.

That's answer the question!

Kapag pala tulog na ako ay sumasa kabilang bahay ang damuho!

At eto pa may drama emote ang ex hubby ko at ex kumare ko sa tapat ng pinto nila.

Baliktanaw...

"Melanie...naman,'Wag namang ganito!Pag usapan natin ito ng maayos,sige na maawa ka naman sa mga anak natin!"Pakiusap ng damuho kong asawa."Diba't ikaw ang may ayaw ng broken family, tapos ganito?"

At ang anak ng tukneneng!

Parang ako pa ang may kasalanan!

"Ulol," sabi ko."At bakit magiging kaawa-awa ang mga anak ko aber,eh hindi ka naman lumayo!Hindi nga ba at nandito ka lamang naman sa kabilang bahay."Singhal ko sa kanya.

Na-aawa akong naya-yamot ng aking masulyapan ang kumare kong si Fe na umiiyak in a paawa mode.

"Hindi naman namin sinasadya,Mars." Umiiyak na singit ni pabebe.

"At sinong may kasalanan,aber?" Asik ko sa kaniya.

Kahit gustong- gusto kong magsalita ng masasakit ay hindi ko magawa.Gusto ko silang murahin at sumbatan sa ginawa nila sa akin. Pero
hindi ko trabaho ang kunkensiyahin ang isang tao para malaman niyang may pagkakamali siya.Basta't tinanggap ko na lamang sa aking sarili na wala na kami ng aking asawa.

"Ay basta!Diyan mo ilagay ang gamit niya!At kayo ang masama bilang mag asawa at ako ay sagad na sagad na talaga sa iyo Daniel!" Wika ko habang nagpapalitan ang tingin sa kanilang dalawa.

Hindi ko sila masyadong sinumbatan.

Oo nga't malakas ang boses ko iyon ay dahil na rin marahil sa bugso ng aking damdamin. Isa pa ay talagang prangka akong tao.Sigurado akong mas nasaktan sila nang manahimik na lamang ako.

Ewan ko ba kung bakit may isang bahagi ng pagkatao ko ang parang natuwa na malaya na ako.

At gayon nga ang ginawa nila,nagpisan ang mga walangya ng parang parang nangyari.

Eh ano pa nga bang aasahan ko eh para akong magulang na nag bigay ng bendisyon sa mga anak.

Hay buhay...!!!

Kung napansin ninyo ay hindi ako nag histerikal.

Katulad ng mga anak ko ay madali kong natanggap ang pangyayari.

Ay sa anong gagawin ko ay hindi naman puwedeng kay daniel na lamang umikot ang buhay ko.

Sabihin na nating ganito ako tumanggap ng problema na namana siguro ng mga anak ko.Dahil sa nakita nila at narinig ang pangyayari ay ni hindi na sila nagtanong pa. Kung meron mang humanap sa kanilang ama ay ang bunso ko na wala pang kakayahang umunawa ng ganoong pangyayari.

Moving on...

Hindi naman ako artista para mag eemote ng mala crying lady sa pelikula.

Bagamat may pangako si Daniel na tutustusan pa rin kami ng kaniyang mga anak ay kailangan ko pa ring humanap ng trabaho.

Na kung bakit sa panahon ngayon ay napaka hirap humanap.Sa edad kong trenta'y kuatro,eh mahirap nang humanap ng trabahong akma sa aking edad. Dahil may age limit ang mga factoring napag aplayan ko.

Eh ano bang aasahan ko,eh sekondarya lamang ang aking natapos.

Ang hindi ko alam may ibang itinakdang buhay para sa akin ang poong may kapal.

Sa lahat ng mga hindi inaakala at hindi inaasahan.

Ang hindi inaasahan ang hindi mo aakalain...

Magulo ba?

Hahaha...!!!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon