Emptiness

142 28 6
                                    

Nagising siyang mabigat ang katawan.
Parang bukod sa medyo masama ang lasa niya ay parang may kahungkagan siyang naramdaman.

Parang may kulang!

Siguro dahil nagising siyang wala na sa tabi niya si Zach. Sanay na kasi siyang nagigising na nakaunan sa braso nito.

Marahil ay nag jo-jogging na ito naisip niya.

Bumangon siya at tumuloy sa banyo, nag toothbrush lang siya at pagkatapos ay bumaba na sa komedor para magkape.

Inabutan niyang kumakain na ang mga anak niya. Sabado nga pala kaya narito ang mga bata sa bahay.

"'Ma ,kain na, "alok ng panganay niya sa kanya"tinanghali ka ng bangon 'ma, masama ba ang lasa mo? "Tila nag aalala pang tanong nito sa kanya.

"Oo, 'nak, mabigat ang pakiramdam ko."Sagot niya. "Asan ang lola n'yo?"

"Nakita kong pumasok sa kwarto niya si Lola,habang bumababa ka pa lang ng hagdan ,Mama. "Sagot ni Ada.

Huh?

Bakit kaya?

"Si Daddy Zach,hindi namin nakita simula ng bumaba kami,'Ma. "Sabi ni Danica.

"Mula umaga? "Kunot noong tanong niya.

"Opo."duet ng magkapatid.

Nakakapagtaka?

Wala naman itong pupuntahan.Dahil sa bahay ito nag o opisina tulad ni Mama. At hindi naman ito umaalis ng bahay
simula ng dumating galing Canada. Mas gusto nitong palaging nakapulupot sa kanya.

"Senyorita, kain na, heto oh,ipinag sangag kita diba paborito mo ang sinangag! "Si Rose.

"Salamat..."Bigla niyang sinapo ang kanyang bibig at patakbo siyang pumunta ng lababo.

Bigla kasing bumaligtad ang sikmura niya ng maamoy niya ang bawang sa sinangag.

"Sorry... "Sabi niya sa mga bata, "bigla kasing sumama ang tiyan ko. "
Natutulalang sabi niya.

Nakita niya ang nagtatakang tingin ng mga bata sa kanya, maging nina Rose at Nanay pining na sinabayang kumain ang kanyang mga anak.

Naguguluhan din siya!

Anong nangyare?

Buntis lang ang nagsusuka diba?

Imposible namang buntis siya!

Baog si Zach diba?

Kelan ba siya huling dinatnan?

Napaisip siya!

Bakit parang hindi niya matandaan kung kelan ang huling regla niya.

At kung hindi siya nagkakamali halos dalawang buwan na mula ng dumating si Zach sa Pilipinas.

At dalawang buwang mahigit na rin mula ng unang may nangyari sa kanila.

Pero imposible talaga!

Baog si Zach!

Tinawag niya si Rose at binulungan.

"Para saan? "Mulagat na tanong nito.

"B-basta... Tapos ibigay mo kaagad sa akin ha, sige na! "Hindi niya alam kung bakit siya natataranta.

Tulala siyang naglakad papunta sa kwarto ng Sebyora.May connecting door ito doon patungo sa opisina nito na ang tanging daan ay ang kwarto nito.

Marahan siyang kumatok sa pinto.

Walang sumagot kaya pinindot niya ang intercom at nag salita doon.

"Mama, can I come in? "

"Sure, hija... Come in.! "Sagot ng intercom sa akin.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon