Q and A

201 30 1
                                    

A/N

Binigyan ko to ng sariling chapter,kasi ay wala lang  gusto ko lang.Pandagdag topic... hahaha.Kaya talagang hindi ko isinama ang Q/A sa knowing each other.
Pasensa na sa mga nababaduyan d'yan.

Kung napapansin nyo ay hindi naka specific ang mga lugar o address ng bahay,o lugar ng trabaho. Its because,i dont want my readers,focus on the beautiful background.

All i want is to make you aware in the reality of life.

Focused on the main subject of the story.

Hate,love,truthfulness and  love again.

Hahaha,sorry inlove kasi ako,inlove ako sa bida kong lalaki.hihihi...

Ayiiii...ang kiri ko....

=========================

ZACHARIAS MCBRIDE...

"Babe,can I ask you a few questions?" Untag niya kay Melanie habang nakahiga sila sa kama sa kwartong inuukopa ni Melanie.Tig -isa sila ng kopitang hawak.Katatapos lang nilang mag love making.

"Yeah,ano yun?"

"Bakit hindi mo ipinaglaban ang ex husband mo?Ayon sa kwento ni Mama,kusa mo raw iyong ibinigay sa nabuntis nito?"

"Why should I?Ang ipinaglalaban,Zach ay iyong alam mong sayo na hinihiram ng iba na hindi ibinabalik." Simpleng sagot nito sa kanya."In the first place, hindi kami kasal so that means wala akong karapatan.
Pangalawa bakit mo aawatin ang isang tao sa bagay na makakapag pasaya sa kanya kung sakali.At patatlo,hindi siya titikim ng iba kung mahal pa niya ako."

Mahabang paliwanag nito sa kanya. Para wala naman siyang nakikitang hinanakit sa mukha nito.Talagang tanggap na nito ang paghihiwalay nila ng asawa nito.

"Paano naman kung talagang tumikim lang siya ng ibang putahe?"sabi pa ulit niya.

" Hindi niya gagawin iyon sa akin.Kaya nga umamin siya kaagad na nakabuntis siya,diba."Sagot nito sa kanya. Naguguluhan naman siya ,paano ito nakakasiguro naisip niya.

"May usapan kami mula't sapul,na kapag ayaw na niya ay sabihin lang niya at palalayain ko siya.Huwag lang niya akong gawing saw-sawan,like sasaw-saw sa kabit pagtapos ay sawsaw sa akin. Kabilin-bilinan kong huwag niya akong bababuyin.
Kaya ko nga nalamang may nabuntis siya kasi napansin ko na lang na hindi niya ako ginagalaw.That's it!"

"Really?Mahal mo pa ba siya bago kayo nag hiwalay?" Tanong ulit niya.

"From the very beginning..." At ikini wento nito sa kanya ang kwento kung papaanong naging mag asawa ang mga ito.

"That's not answer's my question."giit niya." Like you've said nadevelop ka sa kanya kasi ay mabait naman siya bago pa siya nag bago in a year.So ang tanong ko mahal mo pa ba siya bago kayo nag hiwalay?"

"Oh bat hindi ka makasagot,Its,either yes or no!" Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nainis.papiksi siyang bamangon at nakapameywang na tumunghay rito.

"Dahil hindi ka nakikinig sa sinasabi ko.Kung nakikinig ka dapat ay alam mo ang sagot sa tanong mo?" Inis ding sagot nito sa kanya.

"So this relationship is nonsense, dahil hindi mo masabing hindi mo na mahal ang ex mo!" Asik niya sa babae.

"What relationship, Zach?" Galit na tanong nito sa kanya."Ang lakas ng loob mong sabihin na walang kwenta ang kung ano man ang meron tayo.Ako Zach,kaya kong sabihin sa isang tao kung mahal ko ba siya o hindi!Eh ikaw ano ba ang nararamdaman mo para sa akin,ha!You can't even accept to your self na may gusto ka sa akin.Hindi mo nga ako magawang kausapin sa harap ng ina mo!"Parang biglang naging kaaway ang tingin nito sa kanya.

Ang gusto lang naman niya ay mauna itong umamin na mahal siya nito.

"Walang tayo,Zach...We're just fucking partners in bed!'Wag kang assumera,Zach at 'wag mo akong paaminin sa isang bagay na hindi mo rin kayang sabihin!"She said angrily.

He stunned.

"That's not my point!Ang ibig kong sabihin bakit napakahirap sayo na sabihing hindi mo na mahal ang asawa mo.Samantalang exclusively ay may relasyon tayong dalawa!" Giit niya.

Nakakainsultong tawa ang isinagot nito sa kanya.

"Like what I've said earlier, dapat alam mo ang sagot d'yan sa tanong mo kung talagang nakikinig ka sa kwento ko.Diba pinalaya ko siya ng bukas ang dalawang kamay!
It's not because, that's the right thing to do! Kundi dahil baka pati ang natitira kong respeto sa kanya ay mawala pa.Katulad ng iba ko pang feelings sa kanya.Anong mahirap intindihin doon?"Namumula na ng mukha nito sa pagpapaliwanag sa kanya.

" You know what,this is nonsense!"

Padabog itong bangon at hubad-hubad na nagmartsa papuntang  bathroom.

Oh my!

What did i do?

Naguguluhang lumabas na lang siya ng kwarto.

Nang oras ng pananghalian ay ayaw sana nitong bumaba para sumabay sa kanila ng kanyang ina.Ngunit napilitan din ito ng puntahan ng mama niya sa kwarto.Hindi ito tumitingin sa kanyang direksyon.Basta't sa mama lang niya naka focus ang mga mata nito.

Hindi siya kasali sa usapan ng mga ito.

"Mama,hindi ko susunduin ang mga bata this friday,!"

Narinig niyang sabi ni Melanie.

"Why,hija?"

"Gusto ko munang umuwe muna Mama,maglilinis -linis lng ako ng bahay.At tsaka namimiss ko na din ang bahay ko." Sagot nito tapos ay nakita niyang saglit na sumulyap ito sa kanya.

"Ay sige,hija.Just make sure na babalik ka ng monday,ha?"

"Yes,Mama!"

Kung hindi siya nagkakamali ay gusto lang nitong umiwas sa kanya.Paano kahit hindi sila nag iimikan ay doon pa rin siya natutulog sa tabi nito sa kwarto niya.

Sinasadya niya talagang doon matulog kasi ay humahanap siya ng tiempo para makapag sorry.

Kaso ay nauumid ang dila niya sa tuwing susubukan niyang magsalita sa harap nito.Kahit sinong lalaki ay pang hihinaan ng loob kapag ganito kalakas ang dating ng kaharap mo.

Wala itong takot na dala-dala sa katawan.Diretso ito kung sumagot.Prangka at talagang hindi bumabawi ng tingin kapag nagsasalita.At talagang sa mga mata  mo nakatingin kapag kausap mo siya.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon