A Loving Mother

150 29 0
                                    

A/N

Oh heto na po...

sa mga readers kong mainipin sa UD...

Most especially ky daisycaraan na bitin na bitin daw...hahaha!!!
And of course to you my
Dearest  fesantos0106 and kulupafgurl...thanks for always being there,reading and voting my story...

Lab yah...

================================

Guada's Point of view.

Alam niya na mahal na mahal na ni Zach si Melanie.Subalit ayaw nitong umamin para patunayan sa kanya na hindi na niya ito makokontrol kahit kailan.

Simula ng sumunod si Zach kay Melanie sa batangas ay hindi na ito bumalik.Ayon kay Melanie ay ayaw daw nitong umuwe kung hindi ito kasama.Ayon pa rito ay wala raw namang reklamo si Zack kahit maliit ang bahay nito at maliit ang kama sa kwarto.

Kumakain din daw ito ng kahit na anong ihayin ni Melanie.

Madalas daw itong kakwentuhan ng mga bata at kalaro naman ni Acia ang bunso ni Melanie.

Kinu kwento lahat ni Melanie ang nangyayari sa bahay ng mga ito.Pati ang huling pag aaway ng mga ito tungkol sa pagiging mata pobre ni Zach,kay Mang pilo.Na imposibleng mangyare dahil itinuring na itong pangalawang ama ni Zach.Sinabi niya na marahil ay tinetesting lang nito si Melanie.Tinawanan lang nito ang sinabi njya.

"Senyora!"

Si Marlyn ang Personal Assistant niya.

"Yes?"

"Senyora,tumawag po yung dating may ari ng bahay.Naipalinis na raw po nila ang buong bahay pati ang buong bakuran." Balita nito sa kanya.

"Good!"

"Naroon na rin po sina Nanay pining at ang iba pang katulong na sinabi ninyong lumipat sa Batangas.Inaayos na raw po nila ang mga appliance's at furniture's na nagdatingan doon.Inilipat na din po nina Mang pilo ang ibang sasakyan sa Batangas."

"Okay,ilang sasakyan ang dinala nila sa Batangas kasama ba doon ang sasakyan ni Zach?" Tanong niya.

"Lima po,kasama ang kay Senyorito,Senyora!"

"Okay,ipahanda mo ang sasakyan at tutungo tayong Batangas." Utos niya.

"Yes,Senyora!" At tumalikod na ang PA niya.

Mahal na mahal niya si Zach.
Siya na lang ang naiwang alaala sa kanya ng yumao niyang asawa.Lahat ng pagmamahal at atensiyon ay ibinuhos niya sa anak simula ng mawala ang ama nito.

Subalit hindi iyon gusto ni Zach.Nasasakal na raw ito sa pagmamahal na ibinibigay niya.Ina siya,at lahat ng ina ay gustong ibigay sa anak ang lahat ng the best para rito.

Pero pangingialam ang tawag doon ni Zach.

Nasasaktan siya kapag binabalewala siya ni Zach.Pero binabalewala na lang din niya iyon.Sapagkat alam niyang mahal siya ng kanyang anak.Hindi man nito ipakita iyon sa kanya.

Siguro nga ay sumobra na rin siya sa panghihimasok sa buhay nito.Si Myca ang huling inireto niya kay Zach na labis na nagdulot dito ng kasawian.
Hindi lang ito iniwanan ni Myca,
ipinahiya pa ito sa mga kakilala nila at ipinangalandakang baog ito.

Muli siyang napanglaw ng may naalala siyang kaganapan ukol sa pagkabaog ng anak. Na kung malalaman ng kanyang anak ay tiyak na tuluyan na itong mamumuhi sa kanya.

Iminungkahi niya sa kanyang anak na sa ibang bansa magpa kunsolta ukol sa pagkabaog nito. Ngunit ayaw na raw nito ng isa pang kahihiyan.Pare-pareho daw naman ang sinasabi ng mga doctor...na talagang baog ito.

At iyon na rin ang huling pangyayari sa buhay nilang mag -ina dahil iniwanan na siya nito at naglagi na ito sa Canada.

At ito ang huling panghihimasok niya sa buhay ni Zach.Kaya dapat ay maging matagumpay ang pangbubuyo niya kay Zach  at Melanie.Dahil kung hindi ay tiyak niyang mawawalan na siya ng anak.Gusto lang naman niya itong maging maligaya.

Kaya't gagawin niya ang lahat upang magkatuluyan ang dalawa.Lahat ng problema't gusot ay kanyang sosolusyunan,wala siyang hindi gagawin upang maging maganda ang relasyon ni Zach at Melanie.

Ibinili niya ng bahay si Melanie sa isa sa mga sikat na Subdivision sa Sto.Tomas Batangas.Para hindi sila mag tiyaga sa kapirasong bahay ng mga ito. Kay Melanie niya ipinangalan ang bahay para hindi ito makapangatuwiran pa at tumangging tumira doon.

Napakabait na bata ni Melanie.Hindi ito nag take advantage kahit minsan sa kayamanang iniaalok niya rito.Simula pa lang ng offer niya rito ay ibinibigay  na niya sa babae ang kalahati ng kayamanan niya na talaga namang dito din mapupunta.

Kaagad niyang ipinaayos ang kanyang last will and testament para ibigay agad dito ang kalahati ng napag usapan nila.Na talaga namang ibibigay niya,mapangasawa man nito o hindi si Zach.

Ngunit tinangihan iyon lahat ni Melanie.Huwag lang daw pabayaan silang mag iina ay sapat na sa kanya.

Hindi niya ito nakitaan ng kamunti mang paghahangad sa lahat ng mga
iniaalok niya.

Kayat tiyak niyang napaka swerte ni Zach kay Melanie kahit pa sabihin ng iba nilang kamag anak na segundamano ang nakuha ng anak niya.

Nakikita niyang kaya nitong pakitunguhan si Zach kahit madalas na lumalabas ang pagiging suplado nito.At hindi nito iiwanan si Zach,kahit hindi siya nito mabigyan ng anak.

Kung alam lang ni Zacharias kung gaano niya ito ka mahal.Lahat ay gagawin niya maging maligaya lamang ito.Lahat-lahat kahit bilhin pa niya ang buong buhay ni Melanie alang-alang dito. Na sa tingin niya naman ay hindi na kailangan dahil tiyak niyang gusto rin ni Melanie ang anak niya.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon