Move on...let go...and get over it!!!

185 26 1
                                    

Dedicated to Ms. Gladys S. Bolivar aka user32550690...

Thanks for reading...!!!

================================
Melanie

Natanggap na niya na panaginip lang ang lahat.

Si Zach, ay bunga ng isang magandang panaginip na unti-unting naging bangungot.

Tulad ng ibang nanaginip ay pinilit din niyang habulin at ituloy ang magandang panaginip na kanyang naumpisahan.

Ngunit katulad ng kapag nanaginip tayo, ang lahat ay biglang nawawala sa alaala kapag tayo ay nagising na.

Ang pagkaka iba lang ng sa kanya ay hindi ito mawala sa kanyang alaala kahit ilang beses pa siyang matulog at magising.

Aaminin na niyang masyadong tumaas ang kanyang mga pangarap.

Hindi na tuloy niya na naisip ang salitang" imposible",nang dahil sa masyado siyang nadala sa mga magagandang pangitain na kanyang tinatanaw.

Basta't ang alam niya...

Siya ay nanaginip ng isang magandang panaginip.

Na biglang naging bangungot!

But anyways,

After two years...

Nagising na siya sa katotohanan.

Na ka moved na siya!

Naka moved na nga ba?



Samantala...

Sa loob ng bahay ni Melanie, may isang tao ang susukot-sukot na dumampot ng cellular phone ni Senyora Guada, na naiwang nakapatong sa lamesa sa komedor.

Nag dial ng number!

May kinausap at kaagad ding ibinalik ang gadget sa mesang pinagkuhanan.

-----------
Nagdidilig siya ng mga bulaklak sa hardin ng lumapit ang Senyora, kasama ang kaibigan niyang si Daisy.

"Hija, anong balak mo sa birthday mo? "Tanong ng Senyora.

Oo nga pala, muntik na niyang malimutan ang kaarawan niya.

"Konting salo-salo lang, Mama, ayos na. "Walang ganang sagot niya.

"Ayaw mo ba ng party?"tanong ulet ng matanda.

"Oy, masaya yun besty...'yung naka gown tayo tapos ang gaganda natin! "
Singit naman ni Daisy.

"Malay mo besty, diyan ko na makilala sa party mo ang aking matatawag na Man of my life... Hahaha...!!! "
Patuloy ni Daisy na tila nangangarap na tumili pa ng malakas.Natawa naman siya sa kalukahan ng kaibigan niya. NBSB kasi ito... No boyfriend since birth... At talagang gusto na daw ipawasak ang kanyang ka virgin-an. "Sige na bff... Chance ko na 'to! "Hirit pa nito.

Bumuntunghininga siya!

"Sige, kayo pong bahala,Mama! "
Napilitang sagot niya. Kung siya ang masusunod, pansit lang na luto ni Nanay pining ayos na, tulad ng nakaraang taon.

"Okay, ako ng bahala sa lahat! "
Excited na tugon ng senyora.

Ang kaibigan naman niya at parang batang naglulundag sa tuwa.

"Sige, maiwan ko na kayong dalawa ay may tatawagan pa ako. "
Pamamaalam ng matanda.

Naiwan naman silang mag kaibigan.

"Bff, What if biglang dumating sa birthday party mo si Macho gwapito mo? "Tanong ng mahadera niyang kaibigan."Anong gagawin mo? "

Ano nga ba?

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon