Hawla

384 37 19
                                    

Hello dear readers... Ako ang inyong story teller! Danlans o lans at u'r service!

Pasensiya na sa napakalalalim kong tagalog. Maka pilipino lang  talaga ako.... Charot...

Hindi..kokonti lang talaga ang ang english ko... Minimal ika nga eh baka maubos ninyo...charot...hahaha...

Oh xia enjoy reading...

Oh heto na talambuhay ulet, antabay lang kayo sa kiligan at medyo masalimuot nga ang buhay diba...

================================

Noong ako ay makatawid ng lalawigan ng Batangas.

Trabaho syempre ang inatupag ng pobre.

Trabaho rine,trabaho roon.

Endo rine, endo roon.

Apply dine,apply doon.

Tipikal na buhay ng isang kontrakwal.

At sa huling trabaho ng lola n'yo sa isang fast food stand.

Dito na!

Dito na nag umpisa...nag-umpisa na ang katangahan ng inyong bida.

At dahil para akong ibong naka hawla noong nasa probinsiya pa ay daig ko pa ang kabayong naka kawala sa turil noong nakarating ng kabihasnan.

Katulad ng iba ay trabaho...padala sa magulang at pag day off.

Gala rine, gala roon.

Barkada rine barkada roon.

At kapag kumain ng ipot ang barkada kain din.

Hehehe.

At sa madaling salita nabuntis ang lola ninyo ng isang kabarkada.

Walang ligawan...

walang love story...

walang relasyon...

Bastat nagka inuman...

Nalasing at Presto...!

Nabuntis ang kuneho este ang bida ninyo!

At dahil ignorante nga ang mangyan hindi ko alam na nakaka buntis pala ang alak.

Eh bakit ang turo ng nanay ko ang halik daw ang nakaka buntis.

Hindi naman niya naibilin na nakaka disgraya din ang alak.

Hahaha

At eto na nga... paiyak iyak ang hitad na mangyan.

"Oh s'ya tahan na...ay di baga'y sinabi ko namang pananagutan kita,ah"

Ang sabi ng damuhong si Daniel.

"At anong ipa kakain mo sa akin,aber?."Singhal ko."Ay di baga'y  ang sabi nila'y ang trabaho mo daw ay mag inom?." Atungal ko.

Ay teka,teka!

Bago ko tuluyang makalimutan ay hindi pa pala ako nakaka pag pakilala.

Ay ako nga pala si Melanie Piamonte,Lhan ang tawag sakin ng mga kaibigan ko.

At si Daniel Rivera naman ay tubong bikolandia.Kabarkada ng barkada ko na naging kabarkada ko rin at ngayon ay ama na ng batang dinadala ko.

"Hala!...ay grabe ka naman sa akin eh,ay ako naman ay jeepney driver ah! "Angal ni daniel

"Oh ngayon...ay kaya mo gang harapin ang aking mga magulang,ay kaya mo gang salubungin ang itak ng aking itay?"

Naiinis kong tanong sa kanya sabay singhot.

"Abay,oo naman...bakit baga hindi,ay kalaki ng katawan kong are?"

Ipinakita pa akin ang kanyang malalaking braso.Totoo nga namang matipuno ang katawan niya.

Ang ikinaiinis ko ay may kahambugan ding dala dala sa katawan.

Kayat muli akong napasinghot...

Muli akong napahagulhol ng iyak.


Nangyare na ang nagyare!


Hindi ko na mababago pa ang lahat...

Kayat kundi ko akuin na rin ang kasabihan ng aking inay na...

Kung saan ako nadapa... Ay doon na rin ako babangon!

Kahit labag ito sa aking kalooban.

A/N
Ang punto pong ginagamit ng aking mga bida ay puntong batangas at mindoro. Pasensiya na po kayo at Mangyan ang inyong abang lingkod!

Hehehe...

Keep on reading mga bebelabs...!!!

And dont forget to vote...

Lab yah!!!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon