Realization

192 29 3
                                    


A/N

Shout out sa bff kong si,daisycaraan,thanks for voting all episodes of panaginip...
And for adding my story on your readings lists.
And of course kina
kulupafgurl,and fesantos0106 thanks for voting  guys...

Lab yah...

================================

One day morning...

Masarap ang gising niya.Parang kay gaan-gaan ng pakiramdam niya. Sabagay talaga namang wala siyang dinadalang problema bakit nga hindi.

Umusal siya ng maikling pasasalamat sa Diyos.

Pagkatapos ay kaagad niyang kinapa ang kanyang cell phone na nasa ilalim ng kanyang unan.

Ngunit tao ang nakapa niya.

Muntik na niyang makalimutan.

Katabi nga pala niya si Zach.

Ayun...

Kaya pala naman maganda ang gising niya.

May katabi siyang adonis!

Sininghot-singhot pa  niya ang kilikili nito.hmmm...in fairness! Ang bango ng macho gwapito niya.

Hump...papaanong hindi eh halos nauna pa itong nag linis ng katawan sa kanila kagabi.

Muntik na siyang ubusan ng tubig,sigurado siyang makailang ulit itong nagsabon at nagbanlaw.

But take note ha,gentleman ang fafa niya.Dahil wala silang privacy eh,nakapag tiis ang loko.Nakuntento na lang ito sa paghalik hanggang sa makatulog na sila.

Dumukwang siya at dinampian  ito ng banayad na halik sa noo at sa labi.
Bago siya tuluyang bumangon at lumabas ng kwarto.

Danica's POV...

Kung natatandaan ninyo,ako ang panganay na anak ng bida dito sa storya.

Umpisa pa lang gusto ko ng mag ka POV.

Kaya lang ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon ang writer.

Hehehe...

Anyways...

Maaga siyang nagising,nagwalis tambo muna siya sa loob ng munti nilang bahay.Habang hinihintay kumulo ang nilalaga niyang tubig na pang kape, syempre.

Tulog pa sina Ada at si Acia ng bumaba siya sa taas ng double deck.Tulog pa rin sina Mama at Daddy Zach ng lumabas siya ng kwarto.

Boto silang tatlong magkakapatid kay Daddy Zach,para  sa ina nila.Wala silang balak na hadlangan ang kaligayahan ng kanilang ina.Lalo na at alam nila ni Ada ang totoong nangyari sa kanilang mga magulang.

Hindi sila inalisan ng karapatan na magsalita ukol kay Daddy Zach nila. Pero wala talaga Silang masabi sa kabaitan nito sa kanila.Kung hindi dumating sa buhay nila si Lola Guada ay tiyak na patay gutom ang labas nilang mag-iina.

Nagbibigay naman ang Papa nila. Kaya lang ay kulang na kulang pa rin.Dahil buntis din ang kinakasama nito ngayon.

Hindi sila tinuruan ng kanilang ina na magalit at magtanim ng sama ng loob sa kanilang ama.Ang itinuro nito sa kanila ay harapin ang problemang kinakaharap ng maluwag sa dibdib.Palagi nitong sinasabi na nangyayari ang lahat ng naa ayon sa kagustuhan ng mahal na panginoon.

Kapag daw hindi para sa iyo ay malamang para sa iba yan!

Na palagi nilang tinatawanan ni Ada.

Nagulat siya ng makaramdam ng tapik sa braso.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon