The Ego

159 28 0
                                    

Zach's POV

Magkasabay silang nagising ni Melanie...

Sabay silang bumangon at magka sabay ding naligo.

Pagkatapos ay magkahawak -kamay na bumaba sa komedor para magkape.

Inabutan nila doon ang mga bata, si Daisy at ang Senyora.

"Morning 'Ma...Daddy Zach...!" Korong bati ng bata sa kanila ni Melanie. Pagkatapos ay nagpaalam na maliligo sa pool.Sinenyasan ng Senyora ang ilang katulong na sundan ang mga anak ni Melanie.

"Good morning!" Bati ni Melanie sa mga ito.Humalik ito sa kanyang ina bago umupo sa hinila niyang upuan para riti Palihim siya nitongng kinambatan para batiin din ang kanyang ina.

"Good morning 'Ma." Simpleng sabi niya at naupo na rin siya sa tabi ni Melanie.
Bahagyang tinanguan naman niya ang kaibigan ni Melanie.

Alam niyang nagulat ang kanyang ina sa pagbati niya.Ngumiti lang ito sa kanya at nakangiti ding bumaling kay Melanie.

"Musta ang tulog mo besty?" Narinig niyang tanong ni Melanie sa kaibigan nito.

"Okay naman besty."sagot nito,sabay bulong...." ikaw?"

"Mas okay...!" At naghagik-hikan ang mga ito.Gusto niyang matawa sa magkaibigan,dahil alam niya ang pinagtatawanan ng mga ito.

Hindi niya magawang umimik munti man dahil naunahan siya ng hiya.Kanina pa din siya naasiwa dahil hindi siya isinasali ng magkaibigan sa usapan ng mga ito.Ang kanyang ina naman ay pangiti-ngiti lang habang pinapanood ang magkaibigang nagbubungis-ngisan.

"Kamusta ka na,Zach,hijo?"

Pagkuway baling sa kanya ng kanyang ina.

Napadako ang paningin niya kay Melanie,na tila nagtatanong kung anong isasagot niya.Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito.Muli nitong kinausap ang kaibigan nito.

"I'm fine,Mama." Simpleng sagot niya."Excuse me,mag gi-gym ako!"sabi niya sabay tayo.Nakita pa niyang nakatingin sa kanya si Melanie.

"Ah...naku sorry Hijo,hindi ko  naasikasong ipadala dito ang mga gym equipments mo!" Sabi ng kanyang ina.

"Okay lang,Mama.Mag jo-jogging na lang ako" balewalang sagot niya.Lumapit siya kay Melanie,"Do you want to join me,babe?"

"No,makiki join kami ni bff sa mga bata sa pool!" Tanggi nito.

"Okay." Tumalikod na siya matapos niya itong bigyan ng mabilis na halik sa labi.

Nagpaikot-ikot siya sa loob ng subdivision. Ang dami niyang iniisip pero si Melanie pa rin ang nangunguna sa isipin niya.

Hindi pa kasi niya nasasabi sa nobya ang pagbalik niya ng Canada.Tumawag sa kanya ang pinsan niyang si Laurence.May problema ang kumpanya doon at kailangan daw nito ang tulong niya.

Hindi niya alam kung papaano iyon ipapaliwanag kay Melanie.

Balak  sana niyang umalis nang walang paalam.

Pero sa isang banda ay tama rin siguro na umalis muna siya ng Pilipinas.Nang sa ganoon ay masagot niya ang tanong niya sa sarili niya kung talagang mahal  na nga niya si Melanie.

Ang isa pang problema ay ang kanyang ina, hindi na rin iyon papayag na maglagi siyang muli ng Canada.

Hindi pa nga sila nag kaka ayos ay aalis na naman siya.

Afterwards...

Nang bumalik siya ng bahay ay hinanap niya kaagad ang kanyang ina.Na natagpuan niya sa kubo sa may pool area habang nanonood kina Melanie na naglalaro ng bola sa pool.

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon