Durog

206 36 2
                                    

Aloha!

Paumanhin kung parang nagmamadali ako sa istorya.Hindi ko talaga masyadong in-empasize ang mga hugutan lines ng mga bida.Paano kasi parang gusto kong mag iyak na lang kesa ituloy ang istorya.Awang-awa ako sa bida ko.Parang gusto ko agad paginhawahin ang buhay niya....

Hahaha...

Thanks for reading...

================================
Kasalukuyan...

Isang araw.

Habang papasok ako ng aming munting tahanan.Galing sa pag aaply ng trabaho na katulad ng dati ay negative na naman.

Inabutan kong nag uusap ang panganay kong si Danica o Nica at ang sumunod dito na si Dianna o ada.

Bahagya akong nagkubli at hindi muna pumasok ng bahay.Minabuti ko munang pakingan ang kanilang pinag uusapan.

"Ano kaya Ada,kung tumigil na muna ako sa aking pag aaral?"

Narinig kong sabi ng aking panganay.

"Bakit naman,ate?Syempre hindi papayag niyan si Mama noh."

Tugon ni Ada.

"Naaawa na kasi ako kay Mama,eh.Hirap na sa pag hahanap ng trabaho.Tapos si bunso ay halos maghapong nakahabilin kina Tita daisy,." Sagot ni Nica.

Kumareng buo at bff ko ang Tita daisy na nabanggit niya,ninang naman ni Ada.

"O diba't grade 10 kana ate,sayang naman.Paano ka magiging teacher kung titigil ka?."

" Sus,bata pa naman ako ah.Siguro naman makakatapos ako bago ako mag 60 yrs.old.Oh diba...may five years na lang akong perriod ng pagtuturo,hahaha! "

Narinig ko silang nag tawanan,pati ako'y napangiti rin sa aking narinig.

"Si Mama lang naman ang may gustong maging isa akong Guro." Patuloy ni Nica,"Kung ako ang masusunod mang hihilot lang okay na 'ko.oh diba...tutal sabi ni Mama masarap akong humilot."

Natawa ako sa aking narinig,palagi ko kasi siyang inuuto na masarap siyang manghilot para hilutin niya ako palagi.Madalas kasing sumakit ang mga balikat ko't paypay pagkatapos maglaba.

Pinunasan ko ang namalibis kong luha sa magkabila kong pisngi.

Ito ang bunga ng paghihiwalay naming mag asawa.Dinurog ng mga pangyayare ang puso ng mga munti kong anghel!

Nakangiti akong pumasok ng aming tahanan.

"At magkano naman ang kikitain mo sa panghihilot,aber?donasyon?"

Kunwariy galit kong saba't sa kanilang usapan.

" Mama!"

Koro nilang sabi,sinalubong ako ng aking bunso na nag pakarga kaagad na hindi ko napansing naglalaro pala ng cellular phone habang naka upo sa lapag.

Kaagad na kinuha ng aking panganay ang aking mga dala- dalahan.Konting pinamalengke tira sa hiniram kong pera sa kumareng Daisy ko.

Nang wala akong mahanap na trabaho ay nagtuloy na rin ako sa palengke.

"Anak,kahit sa hinagap ay hindi ko iniisip na patigilin ka sa pag aaral,ilang taong kembot na lamang at makakatapos ka rin."

Ganito ako kung mag bigay ng statement sa aking mga inakay.

Prangka, diretsa at walang habas ang dila sa pagsasabi ng gusto kong sabihin at iparating sa kanila.

Alam nila kung kelan ako galit at nag gagalit- galitan.Sinasabi ko sa kanila kung kelan sila mali,o kaya'y tatanga- tanga.Para tandaan nila ang bawat mali nila,at 'wag ng maulit pa.

Malambing ako sa mga anak ko kasabay ng pagiging bungangera kapag makalat at magulo ang iniwan kong malinis na bahay.

Subalit tinatawanan na lamang ako ng mga anak ko kapag sila'y inaaway ko dahil alam nilang palabiro ako.Magseseryoso lang kapag totoong galit na ako.

Kinalabit ako ni Nica mula sa pagkaka tulala ko.

May inaabot na pera.

"Saan galing iyan? "

Kahit may hinala akong bigay iyon ng kanilang ama.

" Kay Papa,dumaan dito kanina,"sagot ni Ada

"Tatlong libo 'Ma,pambayad daw ng kuryente at allowance namin.Tapus may dala din siyang prutas para kina Ada at Acia.Niluto na rin ni Papa ang dala niyang karneng baboy bago umalis." Kuwento ni Nica,parang naging dalaga bigla ang kakatorse anyos kong anak sapul ng maghiwalay kami ng kaniyang ama.

"At binili na rin niya kami ng gamot ni Acia,Mama." Muling sabat ni Ada,kanina pa nga nahagip ng mga mata ko ang bagong kahon ng gamot sa baga na nakapatong sa mesa.

Mahihina ang baga ng dalawang bunso ko,naghahati sila sa reseta ng doktor nila.Medyo ayos na rin naman sila mabisa ang gamot nila.Tinatapos na lamang ang ibinigay na period ng pag inom niyon.

"Oh siya kuhanin n'yo na ang baon ninyo diyan,itira mo lang ang pambayad ng kuryente at mag babayad ako bukas na bukas din bago pa tayo maputulan."

"Sayo na tong 2700,Ma,kasya naman sa akin ang dalawang daan isang linggo," Sabay lagay sa ibabaw ng dura box ko ng tirang pera."Ako na ang magtatabi ng isang daan mo ada at baka maubos mo pa eh wala na nga tayong pera.!"

Baling nito sa kapatid.

Hindi naman na ito pinansin ng kapatid na tumingin lang dito at bumalik na sa pano-nood ng television.

"Mamaya kana manood ng tv,Ada.Maglinis kana ng katawan at pagkatapos kumain ay tutulungan kitang gawin ang mga homework mo!" Kunway galit na utos nito sa kapatid.

Balewala namang kumuha ng towel ang inutusan at pumasok na sa banyo.

Pinupog ko ng halik ang aking bunso.

"Mama,bango na 'ko,nalinis na'ko ni ate." Pacute na sabi nito sa akin.

"Napakain ko na din si Acia,Ma.Magpahinga kana din 'Ma,
Sabay na tayong kumain mamaya. "

"Mauna na kayo at ipagkukusot ko muna ng ilang damit si Acia,wala na siyang sando at lampin na pang sapin sa likod."Nahahapong sagot ko.

" Tapos ko na,'Ma."sabay tingala sa sampayan na nasa itaas ng pintuan sa labas ng bahay.

"Salamat 'nak..s'ya atupagin mo na ang takdang aralin mo at ako nang magpapatulog kay Acia," Naluluha kong wika sa aking anak. Sabay pasok ko sa aming kapirasong kwarto na may kahoy na double deck.

Ayaw kong makita ng aking anak na naaawa ako sa kanya ayoko ko siyang maging mahina.

Dapat niyang manahin ang taglay kong pekeng katatagan.

Dahil nag papakatatag ako para sa kanila.

Dahil kundi hindi dahil sa kanila eh matagal na akong na luka-luka!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon