A/N
Again shout out kina
Kulapufgurl...
NadineBeltran...
MhimiBuayan... thank you for adding my story on your readings lists.
And Nicajane28 for voting knowing each other chapter...
Dont forget to vote guys...=========================
Napangiti si Senyora Guada ng makita ang anak na si Zach na may dala-dalang tray ng pagkain.Papasok sa opisina nito.Nakita niya na pumasok doon si Melanie kagabi at hindi na muli pang lumabas.Alam niyang doon ito natulog kasama ang kanyang anak.
Hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na nagsisinungaling ang kanyang anak ng sabihin nitong sa isa sa mga guest room ito natulog ng dumating galing sa ibang bansa.Sinilip niya si Melanie sa kwarto ni Zach ng dumating siya.At natuwa siya ng makitang magkayakap na natutulog ang dalawa.
Alam niyang hindi maaaring hindi magustuhan ni Zach si Melanie.Lalo't lahat ng gusto nito sa babae ay makikita rito.
Iisa ang sigurado niya.
Matagumpay ang plano nila ni Melanie na paibigin ang kanyang anak.
Marahil ay ipinapakita lamang sa kanya ng kanyang anak na kailanman ay hindi na talaga ito susunod sa kanya.Ina siya,alam niyang kunwari lang ang pagmamatigas nito sa kanya.But deep inside ay alam niyang mahal siya ng kanyang anak. Dahil kung hindi ay hindi ito uuwe mula sa Vancouver Canada nang dahil lamang sa pakiusap niyang dalawin naman siya nito.
Natutuwa siya para kay Melanie.Dahil nagustuhan ito ni Zach nang hindi dahil inutusan niya ito kundi dahil talagang kaibig-ibig ito.
Melanie's Point of view...
Kamumulat lang ng mga mata niya ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto.
Si Zach!
May dala-dala itong tray ng pagkain.
Wow ha...Breakfast in bed!
Ang sweet naman ni mamang suplado!
Nakakatuwang isipin na matapos ang nangyari sa kanila kagabi ay naririto pa rin ito at pinapa kilig siya.
Hindi katulad noong unang gabing may nangyari sa kanika sa kwarto niya.Iniwanan lang siya na akala mo'y walang nangyari.Ang nakakatuwa'y talagang patay malisya lang ito ng ipakilala sa kanya ng ina nito.
Alam niya ang nangyari ng gabing iyon.
Noong gabing hibang na hibang siya sa kalasingan.
"Hey,babe!Good morning!"
Nakangiting bati nito sa kanya.Ang sarap nitong pagmasdan kapag nakangiti.Bagong ligo ito at mukhang bagong ahit din.Siguro lalo itong magiging gwapo kung araw-araw itong nakangiti.
Dumukhang ito sa kanya at akmang hahalikan siya sa mga labi.Nakakakilig isipin kaya lang hindi pa siya nakakapag toothbrush.
Sayang!
Kayat umiwas siya.
"Why?" His forehead creased.
"Hindi pa ako nakaka toothbrush..." Sagot niya, habang nakatakip ang isang palad sa kanyang bibig.
Ngumiti lang ito at hinalikan siya sa noo.Nagiging habit yata ng lalaking ito ang halikan siya sa noo.
Ayiiiiii!!!
Napakabango nito,naamoy pa niya ang gamit nitong after shave.
"Breakfast in bed,babe!" Naka ngiti ulit na sabi nito.
"Ba't andito ka pa?" Sa halip ay tanong niya rito.
Nabura ang ngiti nito sa mukha.
"At bakit naman,mas gusto mo bang iniwan na lang kita pagkatapos ng nangyare kagabi?" Kunot ang noong tanong nito,tila nainis sa tanong niya.
"Hindi naman,kaya lang ay...."
"Kaya lang ay ano?" Gagad nito sa sasabihin pa sana niya.Pakiramdam niya'y pinipigilan lamang nito ang pagtawa.Paano kasi ay kahit nakatikom ang bibig nito ay tila nakangiti naman ang mata nitong tila kumikislap sa katuwaan.
"Diba iniwan mo ako sa kwarto mo noong unang may nangyare sa ating dalawa?" Tahasan niyang sabi sa lalaki.
Kumunot ulet ang noo nito.
"Alam mo ang nangyare noong gabi,kahit lasing na lasing ka?"Nakahalukipkip ang mga braso nito sa harapan.
She nodded.
"Ba't hindi mo sinabi?" Tanong nito sa kanya.
"Kanino ko sasabihin?Sa iyo habang ipinapakilala ka pa lamang ni Mama sa akin?"
He chuckled.
"Ba't ka natawa?" Kunot noong tanong niya.
"Ang alam ko kasi ang pagkaka alam mo ay nanaginip ka lamang that night." Tila nagpipigil talaga itong bumulanghit ng tawa.
"Well,noong una kasi..."
"Kasi ay sanay ka na ginagahasa mo ako sa panaginip mo gabi-gabi?"
Pinamulahan siya ng mukha.Ba't kasi naalala pang sabihin iyon ng gung-gong na ito.
Hindi na ito nakapagpigil,talagang bigay todo ang ginawa nitong pagtawa.Kahit nakasimangot na siya ay tila hirap na hirap itong awatin ang sarili sa pagtawa.
"Sorry,babe!" Sabi nito.Sabay upo sa tabi niya."Natatawa lamang talaga ako pag naalala ko kasi ang kalukahan mo ng gabing iyon.Imagine kusa kang nagpagahasa sa akin at talagang babe ang tawag mo sa akin kahit hindi pa tayo magkakilala..."
Inirapan niya ito.
Tumigil naman ito pagtawa.
"Oh baka may nalilimutan ka pang nakakatawa,ikwento mo na lahat." Mataray na sabi niya.
"Actually,marami pa kaya lang napipikon kana kaya sa ibang araw na lang." Then he chuckled again.
Muli niya itong inirapan.
Ang sarap talagang kutusan ng lalaking ito.Buti na lang nag eenjoy siyang panoorin ito habang tumatawa.Ang akala kasi niya ay hindi ito marunong ngumiti,tapos humagalpak pala ito ng tawa.
Walang sabi-sabing kinabig nito ang ulo niya,pasandal sa balikat nito.May kakaiba siyang sensasyong naramdaman.It felt so good,habang nakasandig siya sa dibdib nito.Pakiramdam niya ay safe na safe siya.Tila bumabalik na ang nasira nasira niyang tiwala sa mga lalaki.
At parang bigla niyang naisipang masarap umiyak habang nakayakap kay Zach.
"Are you crying?"nababaghang tanong nito." I said I'm sorry,I was just joking,hey!"
Umiling siya.
"W-wala ito,basta naramdaman ko na lang na masarap umiyak.Matagal ko na kasing kinikimkim ito.Sapul ng lokohin ako ng asawa ko ay hindi na ako umiyak.Ayoko kasing makita ng mga anak ko na mahina ako,ako na lang ang sinasandalan nila.Hindi ako pwedeng maging mahina."
Litanya niya habang pasinghot-singhot pa."Kapag umiiyak pala ay mahina kaagad?Hindi ba pwedeng nagrerelease lang ng bigat ng dibdib?" Tanong nito sa kanya.
"Why,umiiyak kaba?" Usisa niya.
"Oo...tao ako ano," mabilis na sagot nito.
Sabi ko na nga baga at front lang nito ang pagiging matigas at suplado.But deep inside tao raw siya.Wala naman siyang sinabing taong lobo ito.
Hahaha.

BINABASA MO ANG
"Panaginip"[Completed]
RomansaAlam mo bang ang buhay ng tao ay parang gulong na umiikot-ikot? Iyong tipong, mula sa ilalim ay napunta sa itaas. At mula sa itaas ay muling umilalim. At mula ulit sa ilalim ay pwede uling umibabaw! Iyong masasabi mong tila pinaglalaruan ka ng tad...