Ex

141 25 4
                                    

Me

Makailang ulit na bumalik-balik si Daniel para muling suyuin si Melanie.
Ginawa nito ang lahat nang sa tingin nito'y makakapag pakilig sa dating asawa.

Ngunit bigo ito.

Bigo itong muling sungkitin ang puso  ni Melanie na pinatigas na ng labis na sama ng loob kay Zacharias.

Paulit-ulit na bina basted ni Melanie si
Daniel.

Tinapat na ito ni Melanie na wala na itong lugar sa puso niya. Dahil iisa ang laman niyon...

Si Zach lamang at wala ng iba pa!

Ngunit wala itong pagod na magpabalik-balik.

Kahit si Daisy ay lumalambot na ang puso sa Ex ng kaibigan.

Naniniwala ito na tuluyan ng nagbago si Daniel.

Ang mga anak naman nito ay nakiki usap na rin na muling tangapin ng kanilang ina ang kanilang ama.

Maging sina Nanay pining at Rose ay nakikipilit na rin kay Melanie.

At pati na rin ang Senyora ay tila bumaliktad na sa anak nito.

Tila pinapahiwatig na rin kay Melanie na muling tangapin ang dating asawa nito.

Para maging masaya naman ito.

Ngunit anong panama ng bato sa pusong sugatan na ilang taong umasam sa pagbabalik ng lalaking minamahal.

Kaawa-awang Daniel.

Gasgas na sa kanya ang salitang...

Give me One more chance!!!

P. S.

Kaya kayong mga lalaki, kapag binigyan kayo ng pagkakataon ng babae, abay ingatan ninyo!
Namnamin ninyo!
Dahil ang buhay ay hindi kagaya ng isang pelikula.

Na pwede mong i fast forward, i paused, o kaya nama'y i replay!!!

Ang uso ngayon,,,

Separation!

Annulment!

Divorced!

Hehehe.... Pasensya na po, nadala lamang po ng eksena!!!

"Panaginip"[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon