Written by: Alexandra O. /xandraorge5
All Rights Reserved. 2012
Inspired by: KathNiel/Old Filipino Movies
NO PLAGIARISM, PLEASE.
CHAPTER 1 – Thank you, Julia!
KATH'S POV
Date: March 24, 2012
Ako si Kathryn Chandria Manuel Bernardo. Anak ni Min at Noel Bernardo. 16 years old. Laking PROBINSYANA ako..4th year High School student. Magfi-first year college. Malapit na graduation namin. 2 araw na lang siguro.
Mahirap lang kami na medyo may-kaya naman. Ang nanay ko kasi, katulong nung anak ng Mayor ng barangay namin. Ang tatay ko naman, Janitor sa opisina ng mayor namin. Mayroon akong kapatid. Si Ella. Ella Bernardo. First year pa lang sa susunod na pasukan.
Lovelife? Wala ako nyan. Pero, crush? Meron! Siya lang naman si Enrique Gil. Yung artista! Gwapo yun! Paano ko nakilala? Sa opisina nung mayor namin. Kapag pinadadalhan ko ng pagkain si tatay, Nakikita kong nanonood yung Mayor namin na palabas ni Enrique.
Kaya ‘yon, nagwapuhan ako at napahanga sa galing niyang pag-arte. Simula rin nun, naging close kami nung Mayor namin kasi parehas kaming kinikilig kay Enrique. Wala naman kasi kaming Tv sa bahay eh. Hehehehehe. Okay..daldal ko na!!
“Hoy Kathryna! Gising na!” Agh! Ganda-ganda na ng tulog ko eh!
Ay, si Nanay pala…Galit na siguro ‘to. KATHRYNA na tawag sa ‘kin eh.
" Nay, bakit po?”
“Andiyan si Julia sa baba,kakauwi lang galing Maynila. May sasabihin daw sayong GOOD NEWS” at ngumiti naman si nanay ng nakakaloko. Hmm, parang may alam na si nanay ah?
“Opo, nay. Babaha na ho. Hilamos lang ako.”
“Osige. Maiwan na kita, nak.”
At umalis na nga si nanay. Pumunta na ako sa banyo na katapat lang ng kwarto ko at naghilamos. Grabe! Ano kayang magandang balita yon?
Pagbaba ko…
“Kaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaath!” O__O > ^________^
“Juliaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” Sabay yakap namin sa isa’t isa. Si Julia Montes. Half-Fil Half-German. Ang kababata/bestfriend ko.
Grabe! Naka-uwi na pala siya. Hindi man lang nagpapasabi. May trabaho na kasi siya doon, maid. Mas pinili kasi nyang magtrabaho na lang kaysa mag-college kasi ‘di na siya kayang pag-aralin nila Tita Clarissa (nanay ni Julia) Hindi na rin niya natapos ang school year ngayon kasi naghanap na siya kaagad ng trabaho sa Maynila.
“Miss na kita, bruhaaa! Alam mo ang gaganda ng mga bahay sa Maynila at mga sosyal ang mga tao don! Ay best! Eto, yung kapitbahay na pinagtatrabahuan ko, uuwi na. Ngayon ko nga lang nalaman na may nakatira pala dun eh.”
“Oh, anong good news dun?!” -Ako
“ARAY!” nabatukan ako. “PATAPUSIN MO KASI AKO!” Hehe, excited ako eh!
“Oo na.”
“Eh, yun nga. Pauwi na yung mga nakatira dun galing America. Nangangailangan daw sila ng 2 katulong. Eh diba magaling ka naman magluto, maglaba, maghugas ng pinggan..etc! At eto ang BEST NEWS!
.
.
.
.
.
.
.
.
“MAY CHANCE KA NG MAKITA YUNG ENRIQUE GIL MO!”
O______________________________O
(JULIA MONTES AND KATHRYN BERNARDO ON THE RIGHT SIDE)
AUTHOR’S NOTE:
VOTE/COMMENTS. Please?
Magu-update ako ‘pag nagging okay ang kalalabasan neto. I’m just trying lang kasi kung okay ba ako maging WRITER ng story. Try lang. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanfictionAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?