Meet Ms. Probinsyana - Chapter 26

3.3K 94 19
                                    

Dedicated to ate Roma/whenitcomestolove.

Hello ate! You’re one of my inspirations here in Wattpad to write this story. As in sobra. Hangang-hanga po ako sainyo sa pagsusulat ng KathNiel stories to the highest level!!! ‘Yung mga nilalagay mong tips para maging isang ‘okay’ na writer, lahat ‘yun gusto kong gawin. Hahaha! ‘Yun lang po, thanks for being a good inspiration and God bless! :)

CHAPTER 26 – PLEASE READ THE FOOTNOTE,THANK YOU.

KATH’S POV

Date:  August 25, 2012/Saturday

“Kathryn, sa kwarto mo na ako tulungan maglinis. Magui, Carmela! Clean your room. Okay?” Si Ma’am Karla ‘yan.

Saturday ngayon…

*CLEANING DAY*

Kasalukuyan kaming nasa kwarto nina Magui…

“Yes, ma’am.” sagot ko naman sakanya.

Umakyat na si Ma’am Karla at ipinagpatuloy ko na ang pagwawalis…

“Ate, thanks for helping. We can handle this na. Right, Carmela?” tumingin naman si Carmela sa kanya at tumango.

“Okay, ate Mags. Thank you, ate Kath!”

“Hahaha, okay. Ingat sa paglilinis, ha? Ilabas niyo lang ‘yung trash bag at ako na ang magdadala pababa.” sabi ko naman sa kanila at lumabas na ako para pumunta sa kwarto ni Ma’am Karla.

Alam niyo ba ‘yan si Magui…hindi niya kayang maglinis at maglabas ng trash bag dahil diring-diri siya sa alikabok at sobrang daming germs daw ang pwedeng kumalat sa “porcelain” niyang katawan.

Pero syempre, tinuruan ko sila na bilang babae, marunong sa gawaing-bahay. Nasanay kasi sila sa America na sobrang pinagsisilbihan sila.

Ang sabi ko naman sa kanila, pagkatapos nilang magbuhat ng trash bag at maglinis, maghugas na lang sila ng kamay at mag-alcohol. At sina Magui? Halos maubos na ang isang bote ng alcohol sa isang linggo. Hahaha!

“Kathryn, paki-labas naman lahat ng gamit ko sa cabinet. Aayusin ko lang at baka may pwede na akong mai-donate, bababa muna ako at nauuhaw na ako.” si Ma’am Karla.

“Okay po.”

Binuksan ko na ang cabinet ni Ma’am Karla at as usual, marami pa rin siyang damit kahit kada-5 buwan, nagdo-donate siya.

Malapit ko ng maubos ang laman ng cabinet at nang magbubuhat pa sana ako ng ilang pantaloon ay may nakapa akong nasa ilalim ng mga damit…

Sinama ko na ‘yon sa mga binuhat ko para makita kung ano ‘yon.

Nilapag ko na ang mga damit at ang nakapa kop ala ay isang…

picture frame.

3 babae. Alam kong isa si Ma’am Karla doon dahil kamukha niya eh.

Pero napako ang tingin ko sa katabi ni Ma’am Karla…

kamukha ni Mama.

Hmmm. Baka naman iba ‘yon. Imposible eh.

Pero, grabe. Sobrang magka-hawig sila. As in sobra.

Nilapag ko na lang sa kama ‘yung picture frame at hinawakan ang noo ko..

Baka naman sa sobrang miss ko lang ‘to kay mama…

“Hay buhay.” bulong ko sa sarili ko…

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon