Dedicated to Anicia023. Hello, friend! Keep on supporting! :*
CHAPTER 14 – PALARO
DANIEL’S POV
Date: July 15, 2012
Victory Party na mamayang gabi ng mayor nila. Amo rin pala siya nung nanay ni Kath. Minsan din pala, nago-overnight si Tita Min sa bahay nung Mayor nila dahil nga raw mahirap patulugin ‘yung 2 niyang batang alaga. Like MOTHER, Like DAUGHTER.
Speaking of nanay ni Kath…Ngayon na raw kami ipapakilala ni Kath sa nanay niya. Nakakahiya naman kasi kung hindi pa kami magpakilala, formally.
“Dj!” paglingon ko, si Kath…..at nanay niya.
“Nay, si Dj pala. Pinakamatanda sa mga alaga ko. Hahaha!” Napatawa rin nanay niya sa sinabi niya. Gano’n, matanda? -_-
“Uhm, Nice meeting you po” Sabay ngiti.
“Nice meeting you rin, iho. Sige ah? May gagawin pa kami ng mga ka-trabaho ko. Sana mag-enjoy kayo rito ng pinsan mo. Maiwan ko muna kayo, Kath.” Tumatango-tango naman ako nang naka-ngiti.
“Opo, nay. Sige po.” Sabi ni Kath at umalis na nanay niya.
KATH’S POV
“Kath, bakit ganun? Ang puti ng mama mo, tapos ikaw, HINDI?” HA?! Ano daw?!
Sabay kaming nagkatinginan. Sa kanya, parang nakakalokong ngiti at ako naman, binigyan siya ng “ano’ng-ibig mong sabihin-ha-look”
“Tapos mama mo, maganda. Ikaw….” at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Grrrr!
“Ahh…gano’n!” Hindi na ako nakapagtimpi at sinimulan ko ng pagpapaluin ‘yung braso at yung dibdib niya. Ang sama talaga neto!
“Aray! Hahaha! Kath! Ara-Aray! Joke-----joke lang!” Tignan mo ‘to! Tumatawa pa rin! >////<
Pinapagpapalo ko pa rin siya nang mahawakan na niya ang dalawang kamay ko. Lagot!
Kasabay ng pagkahawak niya sa mga kamay ko ay ang pagkalapit ng mukha namin sa isa’t isa…
Naku po! Umulit na naman ‘yung ganitong eksena!
Papalapit ng papalapit ‘yung mukha niya at syempre…hindi na ako pumikit! Ayoko ng mapahiya sa lalaking ‘to, no!
Kaya eto kami, nagkakatitigan. Uwaaaaa! ‘Yung mga mata niyaa! Nakakatunaaaaw! >////<
“Napaka-brutal mo talaga, Kath.” nag-smirk siya sabay tumalikod papaalis.
Errrrrr! Ang yabang talaga ng lalaking ‘yon!
DANIEL’S POV
Hahahaha! Ang sarap talaga asarin ng babaeng ‘yon!
6 pm na. At nagkalat na ang mga palaruan at kainan dito. Parang carnival na napapanood sa mga pinoy movies.
At may isang tindahan na nga ang pumukaw ng atensyon ko. Bata pa ako nun, nung umuwi ulit kami sa pinas, gusto ko na siyang i-try kainin pero lagi akong pinagbabawalan ni mama dahil marumi nga raw ito.
“Ang lalim ng iniisip natin, ha?” pagtingin ko, si Kath pala. Katabi ko na pala siya.
“Gusto mo i-try?” Tanong niya.
“Ha?”
At tinuro naman niya ‘yung kanina ko pa tinitignan.
“Oo eh. Matagal ko na rin kasi siyang gusting i-try. Kaso-----“

BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanfictionAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?