CHAPTER 5: Meeting you...
KINABUKASAN…..
JULIA’S POV
Date: April 1, 2012
Hello! Ako nga pala si Julia. Julia Montes. 19 years old. HalfFil/HalfGerman. Ang kababata/bestfriend ni Kathryn Bernardo. Lovelife? Wala. Trabaho muna ako. Simula kasi nung nag-graduate ako, lumuwas na ako agad ng Maynila.
So, heto ako ngayon, naglalakad papunta kay Kath. Kakamustahin ko lang. Wala naman kasi si Ma’am Carol at pinayagan naman ako ni Manang Flora.
May nakita ako lalaki na papalabas ng gate nila Ma’am Karla. Ang gwapo! Mukhang nagmamadali.
*BOOOOOOOOOOOOGSH*
“Araaaay!” Ang sakit ng balikat ko, may nakabunggo sa’kin. Humanda sa’kin ‘to!
“Uh, Miss? You alright?” English spokening dollar pala ang peg neto ah!
Nag-offer siya ng kamay. Di ko kinuha ‘yon. Tumayo na lang ako. Pag-angat ko ng ulo ko…..
*_____* Ay! Siya yung lalaki kanina! Masyado yata akong natulala. Julia, ‘wag kang padadala.
“Hoy! Anong alright-alright ka diyan?! Mukha ba akong “ALRIGHT” ha?” Talagang diniinan ko ang pagsabi ng “ALRIGHT” “ Pagkatapos mo akong bungguin ng malakas….ARE YOU ALRIGHT?!” dagdag ko pa! Gwapo sana eh, kaso may pagka-eng-eng lang!
“Uh, sorry Miss! Nagmamadali kasi ako eh, malalate na ako sa pupuntahan ko eh. Uhmmm, sorry again, miss but, I have to go..Bye!” At ‘yun na nga umalis!
Hmp! Grabe, umagang-umaga sinisira na agad araw ko!!!
*dingdong*
Nag-door bell na ako kay Kath. At sakto, si Kath ang nagbukas..
“Oh, Juls. Good morning! Napadaan ka?”
“Haay nako, Kath! Wala ng GOOD sa morning ko! Badtrip!”
“Oh? Eh, bakit naman?!”
“May nakabunggo kasi sa’kin na lalaki. Nanggaling nga sa gate niyo eh!”
“Ay! Si Sir Diego ‘yun! Yung isa pang pamangkin ni Ma’am Karla. Yung kinikwento mo sa’kin na pamangkin ni Ma’am Karla, si Sir Sam daw yun.”
“Ah! Sooooo, Kath! Kamusta naman ang tulog mo diyan kahapon?”
Iniba ko na ang usapan.
“Uhmmmm, medyo ‘di nga maganda eh!”
“Huh? Bakit naman?”
“Eh, kasi….” at kinwento na niya yung buong pangyayari kahapon.
O__________O
KATH’S POV
Pagkatapos kong ikwento kay Juls sang nangyari kahapon…
O_____________O Yan na mukha ni Julia Montes.
“Ohmygosh, Kath! Grabe naman ‘yun si Sir Daniel mo. Naguuwi ng babae. Akala ko pa naman matino ‘yun!” Sabi ni Julia.
“Haay nako, Juls! Pareho lang tayo ng inakala. Na-kwento na nga rin sa’kin ni Manang Lisa kung ano talaga ugali niyan ni Sir Daniel.” Kanina kasi, habang kumakain kami ng almusal ni Manang L, nagpakwento muna ako sakanya tungkol kay Sir Daniel.
BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanfictionAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?