Dedicated sa kanya kasi nagandahan siya dun sa previous chapter neto. Oh diba, kahit ganun lang, napapangiti na ako :)
CHAPTER 12 – *EHEM* KATHNIEL *EHEM*
DIEGO’S POV
Date: July 14, 2012
Andito kami sa may bukiran malapit sa bahay nila Kath at Julia. Magkapit-bahay lang kasi sila eh. Tinutulungan ko sila mag-tanim para rin may experience ako sa mga ganito.
si DJ? Ayun, tulog pa. Nagising lang din ako nang nakarinig ako ng ingay sa labas ‘yun pala gising na silang lahat 5:30 am palang.
Kagabi nga pala, paglabas namin sa restaurant, kinausap ko si Julia. Nag-sorry ako dahil nga sa pagkabangga ko sakanya. And, napatawad naman niya ako.
“Anong oras na kaya magiging ‘yan si Dj?” Tanong ni Kath.
Napa-ANO na lang kami ni Julia. Ayaw naman kasi ni Dj na ginigising siya eh. Lalo na kapag maaga pa. Nagiging dragon ‘yun eh.
“Uy, Diegs. Pakitulong naman si Julia dun mag-luto para sa tanghalian natin oh! Tutulungan ko kasi nanay ko.”
“Ahh, sige.” Pinuntahan ko na si Julia.
“A-ah, Julia.” Napalingon naman siya.
“Oh, Diego.” Tapos binaling na niya ‘yung tingin niya sa niluluto niya.
“Ano bang pwedeng maitulong ko rito?” Habang tinitignan ko ang mga nakalapag na ingredients sa may lamesa.
“Ah, Pakilagyan na lang ng breading ‘yang chicken na nandyan oh!” Sinimulan ko naming sundin ang utos ng prinsesa. Oo, alam kong Pumi-Pbb Teens ako rito! Hahaha!
KATH’S POV
Nandito ako sa loob ng bahay namin. Tinutulungan si Nanay at Tita Clarisse. Si Julia talaga ang pinapatulong dito pero gusto kong magkaroon ng bonding si Julia at si Diego dahil alam kong hindi maganda ang una nilang pagkikita.
“Uy, anak.”
“Oh. Nay.” Si nanay pala.
“Bakit ‘yung Diego pa lang ‘yung nakikita ko ritong bisita niyo? Nasan na ‘yung isa?” Tanong ni Nanay habang nag-hihiwa ng mga gulay.
“Ay, tulog pa po yata, Nay eh. ‘Di pa lumalabas ng kubo. Gano’n po talaga ‘yun, minsan tanghali na nagigising.”
“Hindi ka ba nahihirapan sa pag-aalaga sa kanila?”
“Hindi naman po, nay. Madali naman po silang pakisamahan eh. Lalo na ‘yung dalawang kong alagang babae. Ang cu-cute nila, Nay. Sobraaaa!”
“Hahaha! Ikaw talagang bata ka. Ang hilig mo sa bata. Miss na miss ka na nga ng mga bata rito eh.”
Ay, oo nga pala. Malapit din ako sa mga batang taga-rito. Kapag kasi tuwing sabado, kapag may free time ako, pinupuntahan ko ‘yung mga bata sa school at makikipag-laro sa kanila.
“Pupuntahan ko nga po sila mamaya eh, kapag tapos na po tayo rito.” EXCITED na ako eh!
“Oh eh, ‘yung lalaking amo mo? Nahihirapan ka ba dun?” Hmmmm…
“Uhmm, hindi naman po. Mapapakisamahan naman po siya eh. Medyo tinotopak nga lang po minsan pero ayos na po ‘yun sa’kin. Parang lang din po siya ‘yung ibang bata diyan na SOBRAAAANG kulit!” Diniin ko talaga ‘yung SOBRA at sabay naman kaming tumawa ni nanay.
BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
Fiksi PenggemarAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?