Dedicated to you, friend! Kahit ganyan lang ka-simple comment mo, nakakalambot ng puso. <3
CHAPTER 9 - *INSERT TITLE HERE*
KATH’S POV
Date: July 12, 2012
Buwan na ng Hulyo. Bilis, no? Wala naman kasing nangyari nung mga nakaraang buwan. Patuloy ko pa rin pinagsisilbihan ang mga alaga ko. Grade 4 na si Magui, si Carmella naman, Grade 1 pa lang. Buti pa si Sir Dj, 1st year college na. Ako? Eto, isang hamak na katulong lang. Haaay, kung may pera lang ako. Malapit nanaman ang sweldo ko eh.
Nitong mga nakaraang araw, nagbabasa na lang ako ng mga libro mula sa kwarto na minsang ginagawa ni Ma’am Karla na opisina niya kapag andito siya sa Pilipinas. Hindi pa nga umuuwi ‘yun eh. Miss na miss na nga siya nina Magui lalo na ni Carmella. Ewan ko lang dito sa amo kong lalaki.
Ang mga binabasa kong libro ay kadalasang ENGLISH BOOKS. Marunong din naman ako mag-english, syempre, High School graduate naman ako, no! Minsan kasi, nage-english mga alaga kong bata. Syempre, galing Amerika eh. Kapag hindi ko alam ang isang English word, tumitingin ako sa dictionary na bigay ni Juls, remember? Naks! Ayan, nagpapractice na ako. Hahaha!
Minsan naman, kapag maaga ang dating nina Magui sa school, tinuturuan din nila ako. Oh diba? Parang nagho-home school na nga rin daw ako sabi nila eh.
Nandito na nga rin pala si Manang Lisa kahit wala pa ‘yung amo niyang si Ma’am Karla. Pasukan na raw kasi. Magtutulungan daw kami sa pagturo kanila Magui at Carmella.
Si Sir Dj? Ayun, nagbabayad na lang ng magiging tutor niya. Hindi ko naman kasi siya minsan matulungan sa mga lessons niya. Ang course niya? ‘Yung about sa Music? Para pagbabanda na lang daw talaga ang atupagin niya, pagka-graduate niya. Sana hindi na lang siya nag-aral kung pagbabanda na lang pala aatupagin niya. Haaay! Gulo talaga nun, no? Allowance lang niya yata habol niya sa pagpasok eh tsaka makahanap ng iba pang babae!
Lovelife ko naman? Ayun, si Enrique Gil parin. Hindi na nga natuloy yung next pictorial nila with sir Dj eh. Kasi, sobrang hectic na raw nung schedule ni Enrique. Kawawa labidabs ko, no? :(
Kasalukuyang nagluluto kami ni Manang Lisa ng hapunan ng mga bata. Oo, ng mga BATA lang. Dahil si Sir Dj, baka 11 pm pa ‘yan umuwi. Kami naman ni Manang L, ‘yung magiging tira na lang ng mga bata. Kasi, 3 ulam ang pinaluto ng mga bata plus, desserts. Syempre, ‘di naman siguro nila mauubos lahat ng ‘yon, diba?
“Magui! Carmella! Dinner’s readyyyy!” Sigaw ko. Sosyal ang pagtawag ko, diba? Sabi kasi nina Magui “Practice makes Perfect!” kaya, kapag kausap ko sila, nage-english kami.
“Nice, ate Kath! You’re doing good na! Thumbs up for that!” at nag-thumbs siya both hands.
“YAY! for Ate Kath!” dagdag ni Carmella. CUUUUUUUUTE talaga ng batang ito!
“Okay. I’ll just go upstairs na ah. I’m going to read many books ulit.” Masaya kong sabi sa kanila. SOSYAL ang yaya nila eh!
“Okay, ate Kath!”
at umakyat na ako para kumuha ng ilang libro sa opisina ni Ma’am Karla…
Tumingin-tingin ako ng mga ilang libro..yung iba kasi, nabasa ko na.
Kumuha ako ng isang silya para makahanap ako sa may bandang taas ng bookshelf.
Habang kumukuha ako ng libro, may napansin akong isang libro na nasa likod ng mga naka-hilerang libro.
Kinuha ko ito…..”BESTFRIENDS=SISTERS” ang title….Bumaba na ako ng silya baka mahulog pa ako eh.
Pumunta na ako ng kwarto ko. 3 libro ang kinuha ko. Isa na ‘yung “BESTFRIENDS=SISTERS”
Umupo ako sa kama….Tinitigan ko muna ‘yung cover. Ang ganda kasi eh! Naalala ko tuloy si Julia. Musta na kaya ‘yon? :(
Binuklat ko na ‘yung libro.…Sa likod ng cover, ay may nakasulat na note..
“Karleng,Ming-ming,Clareng….Sisters FOR……..EVER.”
Ano ba namang mga pangalan ito! Eng-eng! Hahahaha!
Mamaya na nga ako magbabasa. Tutal naman, pampatulog ko ang mga ito...Maghuhugas pa ako ng mga pinagkainan nila eh. At kakain pa kami ni Manang Lisa. Hehehe.
Author’s Note:
WOOOOOOOOOH! NAKAPAG-UPDATE AKO! Nanghiram pa ako ng charger eh! Sa laptop ko kasi ako gumagawa.
Si Kath gumagaling na sa English! Si Dj kaya, ano naman ang magiging improvement niya?
And kay Kath lang naka-focus ang P.O.V na ‘to ah! Hahaha!
Akala niyo ‘pag sumampa si Kath sa upuan, malalaglag siya, ano? Tapos sasaluhin siya ni Daniel kung sakaling dumating siya. Ano ‘to?! PBB TEENS?! Hahahaha!
Guys. Alam kong nagkakaroon na kayo ng mga clue tungkol dun sa “Karleng,Ming-ming,Clareng….Sisters FOR……..EVER.”
Kung nagbabasa talaga kayo ng mabuti, alam niyo na ‘yan! PROMISE. Napaka-predictable ng story ko ‘no?
And guys, magdadagdag nga pala ako ng character…
Meet ELLA CRUZ as ELLA BERNARDO. Sister ni KATHRYN BERNARDO dito sa storyang ito.
In-add ko na rin si Ella sa Chapter 1 para ‘di na malito mga NEW READERS :)
Alam ko na magiging takbo ng storyang ito. Kanina ko lang talaga pinag-isipan kaya napag-pasyahan ko rin na magkaroon ng kapatid si Kathyrn. Pero ang ENDING ng storyang ito? Hindi pa. Hahaha!
VOTE/COMMENT…please? :( :)
SIMPLENG comment lang, naa-appreciate ko, PROMISE :)
P.S. I am open for dedications.

BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanfictionAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?