Meet Ms. Probinsyana - Chapter 13

4.6K 104 19
                                    

Dedicated to RiCaToTz19 . Guys, it’s first come, first serve. Sa next chapters na lang kayo :)

ENJOY READING, FRIENDS!

CHAPTER 13 – To prove I'm right, i put it in a song. -Zayn Malik

DANIEL’S POV

Natapos na ang kulitan namin ni Kath kanina. Nakakatawa talaga ‘pag galit siya, ang cute. PROMISE. Pero it doesn’t mean na I’m falling for her na. Baka mamaya pa. De, biro lang.

Pumunta na kami kung saan kami kakain. Sa may tapat lang pala ng bahay nila.

“Ah, Kath. Pwedeng mamaya na tayo kumain? Ang dungis natin eh.” sabi ko kay Kath.

“Ay, o’sige po.” Ayan na naman ang “po”.-_-

“Kath! Daniel! Ayos lang kung madungis kayo, no! Hahaha! Maghugas na lang kayo ng kamay niyo. At ikaw naman Dj, alam ko namang gutom na gutom ka na eh!” Sabi ni Julia. Oo, gutom na talaga ako. -_-

Nag-tinginan muna kami ni Kath at sabay kaming nag-nod. Kaya pumunta na kami sa lababo at naghugas.

Bumalik na kami at umupo. Kung anong pwesto namin sa PD’s Restaurant, ganoon din ulit ngayon.

“Kath, hindi ba sasabay sa atin ‘yung iba?” Tanong ko kay Kath.

“Nauna na raw sila kanina eh.” Nag-nod na lang ako.

Napatingin ako sa mga nakahain na pagkain. FRIED CHICKEN lang alam ko. -__________-

“Pare. Ito, pritong Tilapia. Ito naman, Pork Sisig.” Sabi ni Diego.

“Teka, pre. Wala namang ganyan sa America, bakit alam mo?” Nakakapagtaka lang.

“Eh, habang nagluluto kami ni Julia, natanong ko na rin sakanya.”

“Ahh, okay.”

Napansin ko ring naglatag si Julia na parang placemat. Ano to?! Dahon ng saging?!

“Uhm, asan ang mga pinggan?” Tanong ko.

“Yan.” at nginuso naman ni Julia ‘yung dahon ng saging. ANO DAW?!

“Ano?! Malinis ba ‘to?” Tanong ko ulit habang inoobserbahan ‘yung dahon.

“Arte lang? Syempre, experience din, no!” Sabi ni Julia. Psh!

Naka-upo na kaming lahat.

“KAINAN NA!” Sigaw ni Kath.

“Oh teka-teka. Asan ang kutsara’t tinidor” Tanong ko ULIT.

Hindi na nila ako sinagot. Pero parang alam ko na ang sagot nila dahil kumakain na sila gamit ang kanilang KAMAY. Para akong nasa bilangguan nito. Nakakahiya naman mag-reklamo…edi TIIS!

So ‘yun na nga kumain na ako. And to be honest, mas masarap palang kumain kapag naka-kamay lang. Mas feel mo. Promise, try niyo!

Sa wakas! Natapos na rin kami kumain. And may dessert pa nga eh! Yung NILUPAK. Alam niyo nung una, halos mandiri nga ako eh, pero nung pinatikim nila Kath sa’min ni Diego ‘yun, nasarapan kami! Naka-tatlo o apat nga kami eh. ‘Yun daw talaga ‘yung sikat dito sa Cabanatuan, ang tawag sa city nila rito sa Nueva Ecija.

NILUPAK -----------------------------------à

Fast forward….

Nakaligo na kami ni Kath. I mean, kami pero ---Aish! Basta ‘di kami SABAY. Baka kung ano’ng isipin niyo eh.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon