CHAPTER 22 – “MEMORIES….”
KATH’S POV
*knock* *knock* *knock*
“Uhm, sir Dj?”
*knock* *knock* *knock*
“T-teka l-lang!” sabi ni Sir Dj…
Parang nanginginig pa ‘yung boses?
Nako, baka may sakit nga!
Binuksan ko na ‘yung pinto…
Lumapit ako kay Sir Dj..
Pagkakita ko…
Para siyang suman…balot na balot sa kumot.
Hinawakan ko siya sa noo.
Ang init!
Hindi na ako nag-salita…
bumaba na ako para kumuha ng twalya at warm water…
Pati na rin soup!
Pagbaba ko…
“It’s good to hear na unti-unting bumabangon ang company namin. Thank you.” Narinig kong sabi ni Ma’am Karla habang palakad ako sa kusina.
Hindi ko na tuloy nakita kung sino kausap niya.
Kumuha ako ng bowl at nilagyan ng warm water.
“May sakit na naman si Daniel…” napatingin ako sa nagsasalita habang hinahanda ang soup.
“Ay, Manang Lisa. Opo, nagpaulan po kasi eh.”
“Haay, ang tigas talaga ng ulo ng batang iyan! *tsk* *tsk* tsk*”
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Manang Lisa para mapadali ‘yung ginagawa ko…
Nang matapos ko na ‘yung soup…nakita kong binuksan ni Manang Lisa ‘yung radio.
“Patuloy pa rin ang pagbagsak ng malakas na ulan sa may Quezon City, Marikina, at Maynila dala ng bagyong Haiku na patungo sa bansang Tsina…” Hindi ko na narinig ang mga susunod na sinabi sa radyo dahil nagsalita na si Manang Lisa…
“Haaay, ulan na naman.”
“Sana nga po okay din sina Nanay. Sa ganitong sitwasyon po kasi, mabaha po sa’min.” Malungkot kong sabi…
“Mamaya, tawagan mo sila gamit ang phone ko. Kamustahin mo sila.” Tumingin ako kay Manang Lisa at ngumiti.
“Salamat po, Manang Lisa.”
“Wala ‘yon. O sige na, dalhin mo na ‘yan sa taas at baka lamig na lamig na si Daniel.”
“Opo opo.” at nagmadali na akong umakyat dala ‘yung tray na may soup, bowl at yung warm water.
Paakyat na ako nang may nakita akong pamilyar na babae.
Nakita kong napatingin din siya sa’kin at nag-taas ng kilay.
Hmmmmmm………
Ay tama! Siya ‘yung kasama ni Mr. Alfonso.
‘Yung ex din yata ni Sir Dj…
Palapit siya sa’kin…
“I bet you still remember me.” at ngumiti siya.
“Uhm, kayo po yata ‘yung anak ni Mr. Alfonso.” kinakabahan kong tanong.

BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanficAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?