Meet Ms. Probinsyana - Chapter 29

3.3K 77 20
                                        

CHAPTER 29 – FACING CHALLENGES

DANIEL’S POV

Nandito na kami.

Kung saan…nag-iwan din ako ng memories.

“Sa inyo ba ‘yan?” tanong ni Kath sabay turo dun sa ‘unfinished treehouse’.

“Oo. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya gawa.”

Nakakatawang isipin, 10 years na ang nakalipas…hindi pa rin siya gawa.

“Bakit naman? Eh, diba pabalik-balik naman kayo rito sa Pilipinas? One time lang ba kayo bumisita dito?”

“Actually, it’s my 3rd time. Nung 3rd birthday ni Magui, 2nd time  ‘yun,. ‘Yun na rin ‘yung last kong punta dito. Ewan ko lang sa kanila kung pumunta ulit sila dito nung nagpa-iwan ako sa states.”

“Ahh. So, sa loob ng sampung taon, hindi niyo na naisipang gawin ‘to? Or pinabayaan niyo na lang ng tuluyan?”

“Kinalimutan ko na ‘to. Naalala ko lang nung papunta ulit tayo dito. Tutal, kinalimutan na rin naman niya.”

“Sino?”

Yumuko  muna ako at nagsalita…

“Dad.”

FLASHBACK 10 years ago…

“Wow, Pa! Gagawa ka ba ng treehouse natin?” tanong ko kay Daddy.

lumapit siya sa’kin.

“Yes, anak. Syempre, ayaw naman ni Papa na hindi matupad ‘yung wish mo. Pero baka matagalan pa ang pagkakagawa niyan, ha?” sabi ni Papa sabay gulo ng buhok ko.

“Kapag tapos na ‘yan, pwede po bang mag-sleep over  tayo diyan nina Mama?” masayang tanong ko kay Papa.

“Aba’y oo naman! Gagawa tayo ng memories diyan!”

“Salamat, pa! You’re the best Papa in the world!” at niyakap ko si daddy. Excited na talaga akong magawa ‘yung treehouse!

END OF FLASHBACK

“Simula nung bumalik ulit kami sa States, mas lalo siyang naging busy sa company. Mas lalo niyang nakalimutan ang kaisa-isang pangako niya sa’kin. Eto na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi na ako close sakanila ni mama.”

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay ni Kath sa likod ko…

“Okay lang ‘yan, Dj. Intindihin mo na lang muna ang papa mo. Malay mo, dumating ‘yung time na pagdating ulit natin dito, makikita mo na lang ‘yung papa mo na ginagawa na niya ‘yung treehouse!” tinignan ko si Kath, nakangiti siya.

Alam mo ‘yung feeling na kapag nakikita mong nakangiti siya…bigla nalang napapawi ‘yung mga lungkot mo?

Yuck, Dj. Sounds gay!

“Ang cute ng girlfriend ko!” sabay pisil sa pisngi niya.

KATH’S POV

“Aray! Ang sakit ng----hoy! Anong sabi mo?!” pasigaw kong sabi. Nagtakip naman ng tenga ‘tong mokong na ‘to.

“Hahahaha! Bakit? Hindi pa ba?”

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon