Meet Ms. Probinsyana - Chapter 28

3.3K 87 28
                                    

 

CHAPTER 28 – Let’s make memories.

 

 

 

KATH’S POV

DATE: October  01, 2012.

Semestral break na nina Magui, Carmela and Dj.

Since college na si Dj, mas mahaba ang sem-break nila kaysa sa dalawa niyang kapatid. Kaya eto na naman siya, masaya. Hahahaha!

Si Ma’am Karla naman, gustong makipag-bonding sa mga anak niya.

Kaya eto ako, nag-iimpake dahil pupunta raw kami sa Tagaytay. Always on-the-go talaga silang pamilya, no?

Kahapon nga pala humabol sa si  Diana ng dinner kasama si Dj dito sa bahay. Nagtataka nga ako eh. Hinintay talaga niya kami ni Dj maka-uwi para lang makasama niya sa dinner. At eto pa ang sobrang nakakapagtaka….ang bait niya sa’kin kagabi. Ewan ko ba! Ngiti-ngiti nga lang siya kahit kanino eh. Parang sobrang saya niya kagabi. Ay ewan!

*knock* *knock *knock*

“Kath? Okay ka na ba? Tapos na kami mag-ayos. Sumunod ka na lang sa kotse, ha?”

si Manang Lisa ‘yun.

“Tapos na rin po ako, Manang!” kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng kwarto…

Andito na kami lahat sa labas ng bahay..

“Uy, bestfriend! Mag-iingat ka dun ah?” Sabi naman ni Julia.

“Eto naman! Parang sa ibang bansa ako pupunta kung maka-react, ha! Hahaha!”

“Pasalubong na rin ha?” Aba’t humirit pa ang loka!

“Hahaha! Oo na, sige na! Pasalamat ka at mahal kita kung hindi—naku!” Ang sabi ko na lang pabiro.

Nasa sasakyan na kaming lahat. Sa likod kami ni Manang Lisa. Sa harapan naming ang magkakapatid at katabi naman ng driver si Ma’am Karla.

Alam kong wala na naman sa mood si Dj. Sus! Eto pa! Laging tinatamad ‘to eh!

DANIEL’S POV

Pagkatapos ng ilang oras ay nandito na rin kami sa beach house naming dito sa Tagaytay.

Haaay, it’s been what? 10 years since our last visit?

Marami na rin ang nag-bago. Lumaki ng konti ang beach house. Maraming nadagdag.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon