CHAPTER 21 – BACK FROM THE START…MR. SUNGIT!!!
KATH’S POV
DATE: JULY 23, 2012
6 am na…..
Wala pa rin si Dj…
Pagkatapos kasi naming mag-usap, umalis daw siya sabi ni Kuya Jon.
Saan naman ‘yun pupunta? Sa bar? Sa bahay ni Diego?
Ah tama! Puntahan ko kaya?
Ay, ‘di pala pwede. Siyempre, sina Magui aasikasuhin ko pa. Monday na eh.
Tapos ko ng gawin ang eggs and bacons para sa breakfast nina Magui..
Papunta na ako sa sala nang maabutan ko ring pababa si Ma’am Karla..
“Good Morning po, Ma’am!” pagbati ko..
“Good Morning din Kath. Uhm, anong oras ang klase ni Dj?”
“Mamaya pa pong 9 am, Ma’am.” Naku, Dj! Umuwi ka na! Bago pa magalit mama mo!
“Wala siya sa kwarto niya, hindi ba siya umuwi?”
“Uhm, hindi pa nga po eh. Wala rin po siyang sinabi kung saan siya pupunta.”
“Hindi mo man lang ba napansin na paalis siya?”
Ano bang pwede kong idahilan?! Argh! Hindi ko naman pwedeng sabihin kung ano talaga ang nangyari kagabi eh. Baka, hindi pa maniwala sa’kin si Ma’am Karla.
“Pasensya na po, Ma’am Karla kung hindi ko po napansin si Sir Dj kagabi..Uhm, binabantayan ko rin po kasi sina M-magui at Carmella kagabi eh.”
Sorry po, Ma’am Karla kung magsisinungaling muna ako. Huhuhu!
“Sabagay. Nako, tatawagan ko na lang ‘yun mamaya. Baka nga nag-bar nanaman ‘yun eh.”
Hay salamat at hindi na nagtaka si Ma’am Karla…
Umupo na si Ma’am Karla at kumain na.
DANIEL’S POV
“I just really can’t believe you’ve been REJECTED, pare! Hahaha! Imagine, isang Da---“
“SHUT UP, PARE! Hindi mo alam kung ano nararamdaman ko ngayon. Tsaka pwede ba? Wala ka na bang ibang masabi kundi ‘yang mga lines na lang? Para kang sirang plaka diyan simula kagabi eh!” See the gif at the right side.
Dito muna ako nakitulog kela Diego. Pampa-alis ng badtrip ang tinungo ko rito tapos dadagdagan lang pala nitong mokong na ‘to ang badtrip ko!
Hindi na ako nagpunta ng bar. Nakakasawa eh!
“Chill, pare. Oh, ayan. Mag-breakfast ka muna. Papasok pa tayo eh.”
Kumain na kami…
Habang kumakain kami, si Diego, titingin sa’kin tapos biglang ngingiti tapos susubo ng pagkain…
Nang-aasar talaga eh, no?!
“Gusto mo na bang mabawian ng buhay ng di oras?”
“Biro lang, eto naman!”
Nagpatuloy na lang kami sa pag-kain.
Bigla akong napaisip…
Hanggang ngayon, pati ako, hindi pa rin makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
FanfictionAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?