CHAPTER 3: Oh, yes!
KATH’S POV
(Kinabukasan….)
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!*
Agggggh! Anong ingay ‘yon?! Napabangon tuloy kami nila Julia at Manang Flora.
“Bes, ano ‘yon? Bakit naman ang ingay nun!”
“Ah, bes. Alarm clock yun! Yun talaga yung nagpapagising sa ‘ming dalawa ni Manang Flora para magising kami sa tamang oras.” Ahhh…Gano’n pala yun! Sorry naman, wala sa probinsya yung mga gano’n eh!
“Halina na kayong dalawa sa baba at kumain na!” Sabi ni Manang Flora sa’min.
Pagbaba namin..may naaamoy na akong mabango..Mmm, mukhang masarap ang almusal namin ah!
Pagdating naming ni Julia sa kusina, nakita kong may pabilog na pagkain sa lamesa na nilalagyan ni Manang Flora ng parang sauce!
“Julia, ano yung nakahain?” Pabulong kong sabi kay Juls.
“Ah, pancakes ‘yan, bes! Masarap yan! Promise, magugustuhan mo iyan.” Pabulong niya ring sinabi sa akin.
Sumubo na ako ng pancakes. Hmmmm, ang sarap! Lalo na ‘pag may sauce na nakahalo. Grabe! Pati almusal naming, pangmayaman! Iba talaga sa Maynila!
“Ay, bes! Nga pala, pagkatapos mo kumain, maligo ka na at magbihis para makapag-apply na tayo. 7:00 a.m na kasi eh! Siguro mga 8 a.m, nandiyan na sila” Julia
HA?! Bigla kong binilisan ang pag-kain ko ng pancakes. Sayang masarap pa naman siya, pero kailangan ko nang magmadali. Madali lang naman din kasi siyang nguyain eh. Sana mapakain ko rin sila Nanay ng gantong kasarap na pagkain..
Ayun na nga naligo na ako at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan sa kwarto, 7:40 na. Buti na lang kapit-bahay lang nila yung mga Padilla.
Nakapag-ayos na rin si Julia. Nagpasalamat na rin ako kay Manang Flora. ‘Di ko na rin naabutan si Ma’am Carol kasi maaga siya pumasok sa trabaho niya.
At eto na nga kami sa tapat ng bahay ng mga Padilla. Mas malaki kaysa sa bahay nina Ma’am Carol. May sumalubong sa’ming babaeng parang ka-edad lang ni Manang Flora. Katulong yata base sa kasuotan niya. Nakipag-usap sa kanya si Julia at pinapasok na nga kami. G
“Maupo muna kayo. Hintayin niyo na lang ang pagbaba ni Ms. Karla.” Sabi sa amin ng katulong…T-teka…
“Bes, diba kararating lang nila galing airport? Bakit may katulong agad? Late na ba tayo mag-apply? Diba sabi mo 8 a.m?” Sunod-sunod kong tanong kay Julia. Ninenerbyos ako eh.
“Bes, relax. Ang kwento sa’kin ni Ma’am Carol, last 4 years daw, eh umuwi raw ‘yung pamangkin ni Ms. Karla at dito raw nag-college. Syempre, walang kasama yung pamangkin niya, edi nag-hire na lang sila ng katulong. Tapos bumalik lang daw ulit ‘yon sa America pagkatapos grumaduate ng kolehiyo para doon na siya makapagtrabaho sa company ng mga Padilla.” Ahh…okay. Tumango na lang ako kay Julia.
May naririnig na kaming mga hakbang galing sa hagdan… At yun na nga, may babaeng bumaba. ‘Yan na ata si Ms. Karla. Sana tanggap ako , sana tanggap ako, sana tanggap ako. *cross fingers*
“Good Morning! I’m Karla. Karla Padilla.” sabay alok ng kamay sa’min. Tinanggap naman naming ‘yun ni Julia.
“Good Morning, ma’am. I’m Julia Montes. Eto po si Kath. Kathryn Bernardo. Siya po ‘yung mag-aapply sainyo bilang maid niyo.” Tumango-tango naman si Ms. Karla..Hmmm..napaka-pamilyar talaga ng pangalan niya. Parang narinig ko na dati. Hayy, Bernardo! Marami kayang KARLA sa mundo..Psh, ewan!
Tinanggap na niya resume ko. Wew, kinakabahan talaga ako.
“Well, fresh graduate ka pa pala at Taga-probinsya. Hindi kaya mahirapan ka, iha dito sa Maynila kasi iba na ang magiging atmosphere mo?”
“A-ah, Ma’am. Kakayanin ko naman po eh, matanggap lang po ako sa trabaho. Promise po, ma’am. Pagbubutihin ko po talaga. At saka, sanay po talaga ako sa mga gawaing bahay.” Pagmamakaawa ko kay ma’am Karla.
“O, sige. Mukhang pursigido ka talaga magtrabaho. Wala ka bang balak mag-college muna?”
“Ah, ma’am. Mas pinili ko pong magtrabaho na lang para kaagad kong matulungan ang Nanay at tatay ko sa Probinsya.”
“Okay, sige. You may start working tomorrow with Manang Lisa. Tomorrow pa kasi ang dating ng 3 kong anak eh. Si Manang Lisa na lang ang magt-tour sa’yo sa bahay at siya na rin ang magsasabi ng mga naka-assign sa’yong gawain dito sa bahay. Sorry ah? Medyo masakit pa ulo ko dulot ng biyahe.” Yesssss!!! Mabait naman pala si Ma’am eh.
“A-ah, s-sige po, m-ma’am, m-maraming salamat po!” Nauutal kong sagot! Waaah, tanggap ako! WOOH!!
“Okay, manang. Asikasuhin mo na sila at ako’y magpapahinga na.” Halata talaga sa mukha ni Ma’am Karla na pagod siya dahil sa biyahe.
“Hello, Kath. Ako nga pala si Manang Lisa, ang amo ni Ma’am Karla at ni sir Diego na pamangkin ni Ma’am Karla.” Ahh, kasama pala yung pamangkin ni Ma’am.
“Hello po! Nice to meet you po!” Sabay naming sabi ni Julia.
Saglit lang! Dalawa kaming katulong ni Ma’am? Paano ‘yung tatlong anak ni Ma’am? Baka naman—
“At ikaw naman iha ang magiging katulong ng tatlong anak ni Ma’am. Isang panganay na lalaki at dalawang babae. Mas okay na, iha na ikaw ang maging maid nila para magkakasundo kayo.” Ahh, yun pala ang rason. Hehehehe!
“Ah, okay lang po. Basta po, tanggap ako, ayos na po yun!” At nag-thumbs up naman ako kay Manang Lisa.
“Haha, O’sha, Dito ka na rin matulog mamayang gabi. Kunin mo na lang yung mga gamit mo at bumalik na rito. Pagbalik mo, i-ttour na kita. ” Tumango-tango na lang ako kay Yaya.
“Sige po, Manang Lisa, salamat ho!”Sabi naman ni Julia kay M. Lisa.
At ‘yun na nga, pumunta na kami na kami sa bahay ni Ma’am Carol para kunin ang mga gamit ko at makabalik Kayla Ma’am Karla para na rin ma-tour na ako ni Manang L.
EXCITED NA AKO! *O*
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
HELLO! VOTE/COMMENT :)
I need your reaction about this, thank you!
VOTE/COMMENT!
BINABASA MO ANG
Meet Ms. Probinsyana
أدب الهواةAno nga bang mangyayari sa pagpunta ni Kath sa Maynila at maging maid ng isang maangas na tagapagmana na si Daniel Padilla?