Meet Ms. Probinsyana - Chapter 10

4.5K 115 16
                                    

Dedicated to iloveGLATO4S . Hi friend! Salamat sa pag-vote at pag-comment sa mga previous chapters, ha! Na-appreciate ko ‘yun ng bonggang-bongga! :)

CHAPTER 10 – HOMESICK?

KATH’S POV

DATE: July 13, 2012

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

 

*yaaaaaaaaaaaaawn*

 

Good Morning!

Saturday na. Walang pasok ang 3 kong alaga. Pero, sina Magui at Carmella, meron. SUMMER CLASSES. Ipinagpatuloy pa rin nila nang sa gano’n mas lalo pa raw silang gumaling. Ang sisipag nila, ano? ‘Di tulad ng kuya nila, pag-uwi, TULOG o nasa bar kasama ng mga kaibigan niya. Alas-onse na nga ng gabi umuwi kagabi!  Wala bang ipinapagawang projects ang Professor nila sa kanila? o wala talaga sa diksyunaryo niya ang mag-aral ng mabuti?

Haaaay. Sinasayang ni Sir Dj ang mga chances na binibigay sakanya. Ako nga? Gustong-gusto kong mag-aral pero dahil sa pera, hindi na ako nakapag-college. Eto ring si Julia, kinukuhang model ni Ma’am Carol, ayaw. Mas okay na raw sakanya ang maging maid dahil sapat na raw ang sweldo niya para sa mga pangangailangan nilang dalawa ng nanay niya.

Grabe. Sa July 31, maga-apat na buwan na ako rito sa Maynilaaaaaa! Miss na miss na miss na miss ko na pamilya ko! Huhuhuhuhu! Gusto ko silang tawagan. Puntahan ko ulit si Julia. Tatawag ulit kami sa nanay niya. Wala naman kasing cellphone si nanay eh. Tutal, magkapit-bahay naman sila ni nanay.

At alam niyo bang, sa tatlong buwan at kalahati ko rito, eh, 3 beses ko pa lang natawagan sila Nanay. Gawa na rin kasi ng pagiging busy ko at pagiging busy din nila.

Bumaba na ako para magpaalam muna kay Manang Lisa.

Nadatnan ko siyang nagluluto. Para siguro almusal namin. Si Sir Dj kasi, ang almusal nun, tanghalian o kaya, meryenda na!

“Manang Lisa, pwede ko ho bang puntahan si Julia? Tatawagan ko lang ulit si Nanay.”

“Ay, sige, iha. Alam mo, dapat sa susunod, kuhanin mo na lang ang cellphone number ng nanay ni Julia nang sa gano’n, ‘di ka napapagod na pumunta pa kay Julia.”

“Eh, manang, wala naman din ho kasi akong cellphone.” Nahihiya kong sabi kay Manang.

“Iha. Ako meron. Binigyan ako ni Ma’am Karla kung sakali raw na may ipagbibilin siya sa ‘kin ‘pag wala siya rito.”

“Sige po, manang. Salamat po! Punta na ho ako.” tumango lang siya at pinagpatuloy ang niluluto niya.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon