Meet. Ms. Probinsyana - Chapter 23

3.7K 88 26
                                        

CHAPTER 23 – LET’S TALK.

KATH’S POV

“Ma’am, kain na po. May pumunta nga po pala rito na gumagawa ng generator ng subdivision. Sorry daw po dahil masyadong naapektuhan ‘yung generator ng ulan.”

Pagpapaliwanag ko kay Ma’am Karla.

“Okay. Pakidalhin na lang din ng food si Daniel sa taas, salamat.”

“Opo, ma’am.”

Kinuha ko na ang pagkain ni Sir Dj at umakyat na sa taas.

*knock* *knock* *knock*

“Sir?”

Binuksan ko ng dahan-dahan ‘yung pinto…

Ang dilim....

Ay oo nga pala, wala pang kuryente.

Pero 'di naman ganoon kadilim para 'di makita ang kwarto niya. Nakabukas kasi 'yung mga bintana niya eh. 

Pero diba lamig na lamig siya kanina?

Ang galing naman nung Diana. Napagaling niya kaagad si Dj.

“Sir? eto na po ‘yung pagka---------Sir?”

Hmmmm….wala siya sa kama.

kinatok ko ang pintuan ng banyo niya………

wala rin.

Nilapag ko muna ang pagkain niya sa kama at lumabas muna…

Pagsarado ko ng pinto, bigla akong naka-rinig ng naggi-gitara mula sa rooftop.

Umakyat ako para tignan…

Si Dj...

♪ I’ll miss you, kiss you, and give you my coat when you are cold.

Need you, feed you, even let you hold the remote control….♪”

Nag-stop muna siya…

I could be the man who grows old with you…

I wanna grow old with you.

Tumingala siya at bumuntong-hininga..

Napatingin siya sa likod niya….

I mean………..sa akin.

Nagulat ako kaya napatago rin ako at napa-upo.

Ilang minuto rin, naisipan ko ng harapin siya at sabihin lang na kakain na.

Pag-harap ko, nasa harapan ko pala siya. Nakatayo.

Napakagat-labi na lang ako at napapikit. Nakakahiya ka talaga, Kathryn Chandria Bernardo!

Tumayo ako.

“Anong ginagawa mo rito?” Nakatitig lang siya sa’kin habang tinatanong ‘yan.

“Uhm, sasabihan ko po sana kayo na kakain na.”

Pero bago pa ako umalis, hinila niya ako…(see the gif. Just imagine na nasa rooftop sila, haha!)

at isinandal sa pader.

“Aw! Magaling ka na ba? Ang lakas mo na eh!” ‘yun na lang ang nasabi ko at napahawak na lang ako sa likuran ko.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon