Meet Ms. Probinsyana - Chapter 19 (PART 2)

4K 85 11
                                    

Dedicated to asdfghjKYRAH .

CHAPTER 19: PART 2

DANIEL’S POV

(SAME DAY YESTERDAY)

“SUP BREGS!!!”

GRABE! I MISSED THEM!!!

And nag-man hug kami sa isa’t isa.

“Kailan pa kayo naka-uwi?” tanong ko sakanila. Marunong naman silang maka-intindi ng tagalog kasi nagtatagalog din ako sa America.

“We just arrived yesterday. Na-miss namin ang Pilipinas kaya mas inuna naming magpahinga at maglibot bago pumunta rito.” Explained by Katsumi.

Ay, teka. Hindi ko pa pala sila napapakilala kay Kath.

Tumalikod ako…”Uh, Kath. Meet my bandmates…”

Ngumiti naman si Kath..”Hello”

“Nice to meet you.” sabay-sabay na sabi ng mga kabanda ko.

“Siya si Katsumi..si Seth..si Lester..and my bro, Jc. And mga bregs, meet Kath. Our maid.” Mamaya kasi iba isipin ng mga ‘to…

“Nice to meet you” sabi ni Kath na parang nahihiya pa.

“Uhm, excuse me lang po ah? May gagawin pa kasi ako.” ngumiti si Kath at umalis…

Umupo na kami ng mga ka-banda ko…

“Dude, nagulat kami nung sinabi mong maid niyo pala siya. Akala ko ka-live in partner mo na.”Tanong ni Seth.

“Sabi na eh! G*go talaga kayo! Maid namin ‘yun nina Magui at Carmella maliban kay Manang Lisa. Malapit lang kasi ang age namin kaya medyo close kami.” Mga isip talaga ng mga ‘to!

“Oooh, and according to your mom…Hindi ka na raw masyadong pumupunta ng bar! Just WOW, bro! Laki ng pinagbago mo!” At nakipag-apir naman sa’kin ‘tong si Lester.

“Kumain na nga lang tayo!” Aya ko sakanila.

Humiyaw naman sila dahil gutom na rin daw sila. An aga kasi mambulabog eh!

KATH’S POV

So, sila ang mga kabanda ni Dj. Sila lang pala ang nagpapasaya kay Dj at laging kasama ni Dj ‘pag pumupunta sa bar..

Pagpunta nina Dj sa Dining Room para kumain, nakita ko kung gaano talaga nila na-miss ang isa’t isa.

Binilisan ko ang paghuhugas ng mga pinggan para makaligo na ako. At para rin masolo na nila ‘tong Dining Room nila Dj. Hahaha!

And, eto na nga. Tapos na akong maligo at mag-bihis.

Nag-aayos ako ng buhok ko nang may kumatok..

“Oh, Manang Lisa.”

“Kath, bukas na pala ang double celebration ni Karla kaya mamaya, may magdadala rito ng gagamitin mong damit.”

“Po? Hindi po ba pwedeng mag-maid uniform na lang po ako?”

“Nako, Kathryn. Napaka-sosyal ng event kaya dapat lahat ng dadalo, naka-formal na damit.”

“Ahh, gano’n po ba. Sige po, Manang L. Salamat po.” ngumiti sa’kin si Manang L at lumabas na.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon