Meet Ms. Probinsyana - Chapter 27

3.4K 78 28
                                    

 Dedicated to YaNnie_027. Hey, friend! Thank you sa pag-comment sa ilang mga chapters dito! Keep on supporting MMP! :)

CHAPTER 27 – DESTINY’S DECISION.

KATH’S POV

Date: September 23, 2012.

“Uwaaaaa! Huhuhu! Nakakainis talaga! Huhuhu!”

Hay nako. Si Magui ‘yan.

“Ate! ROYAL FAIR kahapon, oh! And hindi man lang ako nakapunta dun. Hindi ko man lang nasilayan si Gino! Huhuhuhu, ate!”

Hindi talaga siya umiiyak. Nagd-drama lang siya sa harapan ng computer niya.

“Eh kasi nga diba…exam niyo. And syempre, kailangan mong mag-aral.”

“But ate! Last day of Periodical Exam kahapon. ‘6 A.M hanggang 11 A.M lang’! Oh diba, late lang ako ng 1 hour. Huhuhu! Ang hirap talaga ‘pag ‘di ka updated!”

Hindi siya updated-----ay KAMI pala sa Princess and I ng isang linggo dahil nagkaroon nga sila ng exam. At sa utos ng kanilang kuya at nanay, banned muna sila sa pag-cocomputer at panonood ng Princess and I ng 1 week. Baka raw kasi hindi sila maka-focus ni Carmela sa exam at baka ang masagot lang ni Magui ay ‘Gino’. Kay Carmela naman si ‘Kiko’.

Habang kino-comfort ko dito si Magui, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila..

“Magui, ano ba! Rinig na rinig ‘yang boses mo dito! Ano bang inaarte mo, ha?!” Galit na tanong ng kuya nila---si Dj.

 

“Uy, ano ba, Dj. ‘Wag mo ngang sigawan ‘yung bata. Syempre gusto niyang makapunta sana sa PAI Royal Fair kahapon. Sayang nga lang daw dahil hindi siya na-inform agad tungkol dun.”

 

“Eh, ano namang magandang idudulot sa’yo niyang fair na ‘yan! Gusto mo bang pumila ng MATAGAL sa ilalim ng matinding SIKAT NG ARAW? Diba ayaw na ayaw mo nun? At gusto mo rin bang MAKIPAGSIKSIKAN dun para lang diyan sa ‘Gino’ mo? Eh, pawis nga ng ibang tao ayaw mong madikit sa balat mo eh! At sa tingin mo ba papayagan ka naming maranasan mo ang mga ‘yon?”

Wow! o_____o

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon