Meet Ms. Probinsyana - Chapter 30

3.8K 107 72
                                    

CHAPTER – SHOPPING GALORE

JULIA’S POV

DATE: October 02, 2012




 

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAGH TALAGA? ANG SWEET NAMAN NI DANIEL! NAKAKAINGGIT!” Sigaw ko kay Kath na kasalukuyan kong kausap sa cellphone.

Kwinento lang naman niya ‘yung mga nangyari sa Tagaytay.

“Pwedeng pakihinaan ang boses?” Kath.

“Bakit pa? Ako lang naman nandito sa kwarto eh! At kinikilig ako eh, hindi ko mapigilan!” Kinikilig kong sabi kay Kath.

“Eto kahit kalian parang bata talaga! Oh eh ano naman kayo ni Diego?”

Oo nga pala. Ano na nga palang status namin ni Diego?

 

“Uhm---hindi naman kasi siya nagtatanong eh.” mahina kong sabi.

“Hay nako! Eh, ba’t di na lang ikaw ang magtanong?”

 

“Ano?! Bakit ako?! Siya kaya lalaki!”

“Eh excited ka na eh!”

 

“Oy hindi ah! Kayo kasi ni Daniel, walang ligawan portion na nangyari!”

 

“Pabalik sa akin ‘yung usapan?! O sige na! Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Mag-aayos pa kami para sa celebration bukas.”

 

“Ay o sige. Pakisabi na lang kay Lelay na advance happy birthday, ha!”

“Okay. Bye! Ingat kayo diyan, ha? Kung sakaling tumawag sa’yo si Tita Clarissa, sabihin mo okay lang kami rito at miss na miss ko na sila!”

 

“Yes, ma’am! Bye, ingat din!” At binaba ko na rin ‘yung cellphone.

Haaaay. Ano kayang feeling ng may boyfriend na, no?

KATH’S POV

Nandito kami ngayon sa isang place kung san pwede kaming bumili ng regalo para kay Lelay. O.P nga ako rito kay Daniel at Magui eh. Hindi kasi ako sanay tumingin ng mga mamahalin na gamit eh.

“Ate Kath! This is fine, right?” tanong ni Magui na may hawak na isang pink dress.

Meet Ms. ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon