CHAPTER ONE
ISANG NGITI ang sumilay sa labi ni Clement habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. Kontento na siya sa nakikita niya pagkatapos ng ilang beses na pagpapalit ng dapat isuot. Now he was wearing a colored-gray three-fourth polo shirt and paired it with a navy blue colored pants. Maayos din ang pagkakaayos ng buhok niya na pinagupitan niya kanina sa salon na malapit sa bahay nila. He brushed it up and put a little amount of hair wax. Ang iba ngang hibla ng buhok niya ay nasa noo niya. Hindi na niya iyon inayos dahil para sa kanya mas nagdagdag pa iyon sa looks niya. For him, he looks cute with some strand of hair falling on his forehead.
Sa halip na isuot ang eyeglass niya katulad ng nakagawian, contact lens ang ginamit niya. Binili niya ang contact lens sa loob ng isang mall, sa isang optical shop na kilala ng karamihan.
Pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. This day is a special day for him. Paanong hindi magiging espesyal kung ngayon ang first anniversary nila ng boyfriend niya na si Irvin. Boyfriend. Yeah, boyfriend.
Clement was a proud part of third sex. Parte man siya ng ikatlong kasarian ayaw naman niyang bigyan siya ng label dahil parang nakaka-degrade iyon ng pagkatao niya. Sa totoo lang hindi naman siya halata. Hindi nga siya napagkakamalan na parte ng third sex dahil hindi naman siya nagsusuot ng pambabaeng suot. Kabaliktaran din siya ng mga kauri niya na conscious sa mukha o sa katawan. Hindi siya umi-effort na mag-ayos. Okay na sa kanya basta may suot siya na sapat sa panlasa niya. He also not the type to mind what other people think about him.
Nagkakalaglagan nga lang minsan kapag nagsasalita na siya. Ang sabi ng karamihan, masyado raw siyang malamya kapag nagsasalita. Some of his friend teases him pabebe on the way he acts and talks. Ngunit sabi niya nga, wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito. Siya ay siya at hindi na magbabago iyon.
Some people say that he's a nerd. They can say it in an instant because of his outer appearance. May kalabuan ang kanyang mata kaya nagsusuot na siya ng salamin. Since high school ay ganoon na ang lagay niya. Siguro dahil sa sobrang pagbabasa ng babasahing romance ang tema. Mahilig din siyang magbabad sa cellphone at sa harap ng computer. Kagaya ng sabi niya, wala siyang pakialam sa isusuot niya sa araw-araw. Kapag komportable siya sapat na iyon sa kanya.
Pero para sa kanya hindi siya nerd. He was a normal person who has a poor eyesight. At isa pa hindi naman porket may salamin siya sa mata nerd na siya kaagad. Masyado lang talagang judgemental minsan ang mga tao. Minsan nga nababara niya ang mga kaibigan. Saka nerd ba siyang maituturing kung ang tapang ng apog niya. Kaya niyang makipagsabayan sa mga nambu-bully sa kanya noon. Minsan nga ay siya pa ang bully. Hindi siya agad nagpapatalo sa mga taong nang-aalipusta sa kanya.
He do believe that he was good looking. Paano niya nasabi iyon? Simple lang naman. Sa kabila kasi ng kaunting blemishes sa kanyang mukha, magaganda at expressive ang mata niya. Mahaba ang pilik mata niya na bumagay sa mata niya. Matangos ang kanyang ilong at natural na mapula ang labi niya. Ang buhok naman niya ay natural na bagsak at malambot. Ang figure naman niya ay sapat para sa edad niya na twenty-four. Maputi ang balat niya na namana niya sa mama niya na may lahing-intsik.
Mula sa pagbubuhat ng sariling bangko, nabaling siya sa pintuan na kinakatok ng kung sino na para ng gigibain. Nang magsalita ito, saka pa lang niya nalaman kung sino iyon.
"Lumabas ka na nga riyan, Clemente Javier. Halos mag-iisang oras ka na riyan sa loob ng kwarto mo."
It was his mother shouting his name. His dear mother. Ito ang kasama niya sa bahay na ipinundar nito kasama ang ama niya na sumalangit nawa ang kaluluwa. His father died because of heart attack. Mahigit limang taon na rin mula nang mangyari iyon. Sa limang taon mula nang mamatay ang papa niya ay nasaksihan niya ang paghihirap at pagdadalamhati ng ina. Mabuti na lang at lately, sa unti-unti, naka-move on na ang mama niya. Masaya na silang namumuhay na magkasama at paminsan-minsan ang mga kapatid niya na may kanya-kanya ng buhay. Siya ang bunso sa apat na magkakapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/117150606-288-k665806.jpg)
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...