CHAPTER EIGHT
NAPAPAILING NA lang si Devin habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawang kasama niya sa mesa. Kung pag-usapan siya ng mga ito, akala ng mga ito ay wala siya sa harapan at nakikinig. Ganunpaman hindi niya pinipigilan ang mga ito. Kahit na gawin niya iyon, alam niya na hindi rin titigil ang mga ito. Kailangan pagtiisan. Magkasundo pa naman ang dalawa sa pag-uusap. Mula pa kanina kapansin-pansin na iyon sa kanya.
Pero ngayon pa lang aaminin na ni Devin na namomroblema na siya mamayang pag-uwi. Nonstop ang dalawa sa pag-inom. Nakailang order na ng nasa bucket na inumin si Theo at alam niya na madadagdagan pa iyon. Pareho ng maraming nainom ang dalawa. Kung siya ay nasa apat pa lang na bote ang nakukunsumo, ang mga ito ay lampas na yata.
Bilib din naman siya sa tolerance ng mga ito sa alkohol. Bagay na wala siya.
Mula sa pakikipag-usap ni Clement kay Theo, napatingin ito sa stage na wala ng kumakanta. Sa pungay ng mga mata na pinapakita nito, mukhang alam na niya kung ano ang iniisip nito.
"Gusto kong kumanta," anito. Tumingin sa kanya saka kay Theo.
"No, you can't." Mariin niyang sabi.
"Yes, you can." Malakas na sabi ni Theo.
Ngumisi si Clement. "Paano ba 'yan? Dalawa kami laban sa 'yo. Majority wins kaya kakanta ako."
"Magkakalat ka lang sa stage." May inis na sabi niya. "Mukhang nakakalimutan mo na ang ginawa mo dati sa stage na 'yan."
Natigilan ito. Tila nag-isip. "Alam ko. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko itutuloy ang balak ko. Gusto kong kumanta."
"Kung ayaw mong magkalat si Clement sa stage. Bakit hindi mo samahan?"
Pareho silang napatingin ni Clement kay Theo sa sinabi nitong suhestiyon.
"No way! Hindi ako pupunta sa stage na 'yan para kumanta kasama si Clement."
Kumunot ang noo ni Clement. "Bakit naman? Don't tell me kinakahiya mo ako?"
"Kinda." Mabilis niyang sang-ayon.
"Ang sama-sama mo."
"Alam ko naman kasi na kahiya-hiya ang gagawin mo."
"Kaya nga para hindi siya magkalat at maging kahiya-hiya, samahan mo na. You used to perform on that kind of stage, Devin. Just think of us performing before."
"Bakit? Sa banda ba kayong dalawa dati?" Tanong ni Clement sa kanilang dalawa.
Tumango si Theo.
"Yeah. We used to be on a band before. During our college days. The Gravity ang pangalan ng banda na kinabibilangan namin." Paliwanag niya.
"Kung ganoon. Dali na! Mag-perform na tayo sa stage. Duet tayong dalawa."
Tumayo ito. Hinawakan siya sa kamay at hinila para tumayo. Nagpatianod na lang siya. Nang makarating sila sa mini stage, si Clement na rin ang nagsabi ng kantang kakantahin nila. Halata ang excitement sa boses nito. Atat na atat kumanta. Nang marinig niya ang kantang sinabi nito, natahimik siya.
Sasabay na lang siya sa agos na ito ang nagmamaniobra. Wala namang mawawala sa kanya. Isa pa kung makakatulong ito para maibsan ang kalungkutan na nararamdaman at pansamantalang mawala ang sakit sa puso nito, willing siya na gawin ito.
Binigay sa kanya ng staff na nandodoon ang isang mikropono. Tig-isa sila ni Clement. Nang magsimula ang intro ng kanta nagsimulang sumabay doon si Clement. Tiningnan niya lang ito.
Bakit di magawang limutin ka
Bawat sandali'y ika'y naaalala
Tangi kong dasal sa Maykapal
Makapiling kang muli
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...