CHAPTER TWENTY-ONE
NAPAGPASYAHAN NI Clement na gawin ang sinabi sa kanya ni Maria kaya maaga pa lamang ay agad na siyang naghanda para pumunta sa bahay ni Devin. He wished that Devin is still in his house when he get there. Gusto sana niyang tawagan o i-text ito para i-inform na pupunta siya sa bahay nito pero hindi na niya ginawa. He rather see him in person and surprise him. Hindi man umayon sa kanya ang mga bagay sa gagawin niya okay lang sa kanya. He just need to take the chance before he runs out of it. Baka mawala rin ang tapang ng loob niya kung papatagalin pa. Aaminin niya na ngayon pa lang ay may kaba na na namamahay sa kanyang dibdib.
Nang makarating siya sa bahay ni Devin, eksakto naman na naabutan niya itong pasakay ng kotse nito.
"Devin," tawag niya rito para makuha ang atensyon.
Bumalatay sa mukha nito ang gulat nang makita siya. Kimi siyang ngumiti. Sa marahan na pagkilos ay lumapit dito.
"What brings you here?" Tanong nito. "I'd been calling you for days but your cellphone was always unattended. Akala ko nakalimutan mo na ako." Maririnig ang tampo sa boses nito sa mga huling salita.
"I'm sorry," paumanhin niya. Hindi niya maiwasan ang ma-guilty. "May mga nangyari lang na hindi ko inaasahan kaya hindi ako nakapagparamdam sa 'yo. Nagbalak din akong magpalit ng number pero hindi ko naman nagawa. Pasensya na."
"Okay. As you say so."
Okay. As you say so. Iyon ang tanging sinabi nito. Okay pero halata naman na hindi maayos ang kalagayan nito. Ang hitsura ngayon ni Devin --- ang tingin nito --- tila naghahanap pa ng valid na rason mula sa kanya.
"So, what's really the reason why you are here." Tanong nito.
"May sasabihin ako sa 'yo." Lakas-loob niyang sabi. But inside him he wanted to back out already. Paano naman na hindi niya iyon maiisip kung nakikita niya na parang hindi naman ito interesado sa sasabihin niya. He was not used on that kind of expression from him. Dati, sa tuwing may sasabihin siya rito makikita sa mukha nito ang pagiging interesado.
"Ano ba ang sasabihin mo? Tell it to me now." Anito sabay tingin sa relo. "I'm already running out of time."
He cleared his throat first before speaking. Akmang magsasalita na siya nang dumating si Hyde. Bigla siyang nautal. Tinubuan ng hiya sa dibdib na mas dumoble pa kaysa kanina. He was about to confess his true feelings for Devin but Hyde came. Paano niya ngayon sasabihin iyon kay Devin na nandito na ito?
"May importante ba kayong pag-uusapan?" Tanong ni Hyde kay Devin saka bumaling sa kanya.
"Hindi ko alam kung importante ba ang sasabihin ni Clement o hindi."
"Important or not, you should talk about it inside your house. Maraming audience dito at maingay pa." Anito.
Nakatingin lang siya sa mga ito habang nag-uusap. Sa paraan ng pakikipag-usap ni Devin kay Hyde, hindi niya maiwasan ang makadama ng selos. Kaninang siya ang kausap nito parang hindi ito interesado. But when it comes to Hyde it always been different.
"This place is enough, Hyde," sagot ni Devin kay Hyde pero sa kanya naman nakatingin. "Hindi ko siya mae-entertain. I already told you that I'm in a hurry. I just have a spare time to listen to him. May gagawin pa akong importante sa opisina."
Nasaktan ang damdamin ni Clement sa sinabi nito. "Pwede ko namang sabihin sa 'yo sa ibang araw. Makapaghihintay naman ako."
"If that's the case then I need to go."
"Sigurado ka ba dyan, Clement?" Tanong ni Hyde sa kanya.
Nginitian niya ito saka tumango. "Oo." Mabuti pa si Hyde nagawa siyang tanungin kung okay lang sa kanya ang sitwasyon. Gusto niyang sabihin na hindi pero ano ba naman ang magagawa niya kung ayaw naman ni Devin na marinig ang sasabihin niya. Who is to blame for Devin's coldness now? Wala namang iba kundi siya. Hindi man niya tanungin ang rason kung bakit ito ganoon alam naman niya na dahil sa kanya. Ikaw ba naman ang hindi magparamdam dito. Kahit na ang mga message nito ay hindi niya nareplayan.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
