CHAPTER FOUR
EKSAKTONG PALABAS pa lang ng kotse si Devin mula sa ginawang pag-alalay sa lalaking tulog pa rin, saka naman dumating ang dalawang tao na hindi niya inaasahan na makikita sa alanganin na oras. Those two were Jake and Hyde. Malayo pa lang ang dalawa sweet na sweet sa isa't-isa, kaagad na niyang napansin ang mga ito. He should admit that everything about Hyde was still noticeable to him. It can't be change that soon.
Para hindi na masyadong makita ang ka-sweet-an ng dalawa, itinuon na niya ang pansin sa lalaking tinutulungan. Inayos niya ang braso nito mula pagkakaakbay sa kanya. Mas hinigpitan niya rin ang paghawak sa baywang nito. He can carry him. He can do that. But this process is enough for him. Iniisip niya kasi na hindi siya makakagalaw ng mabuti lalo na sa pagbubukas ng pinto mamaya.
Nagsimula na siyang maglakad. But he stopped when he heard Hyde calling his name. Napapikit siya ng mariin sa pagtawag nito. Before facing them he make sure to paint a smile on his face. And he was glad he succeeded.
"Yes, Hyde?" He asked, smiling.
"Saan ka nanggaling?" Tanong nito nang makalapit nang tuluyan.
"Galing ako sa bar. Theo invited me to have a drink with him. Eh, kayo? Saan kayo galing?" Balik-tanong niya. Mula kay Hyde tiningnan niya si Jake na nakatingin naman sa lalaking nakaakbay sa kanya. Nawala lang ang tingin niya sa kapatid nang magsalita si Hyde.
"Kung si Theo ang kasama mo, sino naman 'yan?"
Natigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Hindi niya kilala ang lalaki. But he need to make an alibi. A believable one.
"A friend." Maiksi niyang sagot. Ayaw na niyang mag-elaborate. Wala naman kasi siyang maisip na alibi. But its up for the two to understand between the lines on how he responded to the question.
"Okay," ani Hyde. "Do you need help about him?"
"No. I can manage." Maagap niyang sagot.
Sa hindi pagsasalita ni Jake, alam na ni Devin na nakuha na nito ang gusto niyang iparating.
"Lets go, Hyde. Hayaan na natin si Devin."
"Pero, Jake. Kaila---"
"Don't bother helping me, Hyde. As I've said, I can manage."
Naguguluhan man sumang-ayon na rin ito. Bago lumayo sa kanya ang dalawa at pumasok sa bahay ng mga ito, binigyan muna siya ng seryosong tingin ni Jake. Ang tingin ay waring nagsasabi na kailangan niyang magpaliwanag. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon.
NAKATINGIN SI Devin sa lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Pinunasan na niya ang katawan nito ng basang bimpo kanina at napalitan na rin ang damit na sinukahan nito. Loose shirt na kulay asul ang ipinalit niya sa suot nitong polo. Garterized short naman sa suot nito na pambaba ang ipinalit niya. Mabuti na lang at may spare clothes siya. Damit na hindi na niya ginagamit. While he was undressing him earlier and changing his clothes, there was a feeling inside him that gave him awkwardness. And it was damn feeling because both of them were both males. He shouldn't have malice doing that.
At habang ginagawa niya iyon, kasabay ng pagtubo ng malisya sa kabuuan niya, hindi pa rin niya mapigilan ang magtanong sa sarili kung bakit ba niya ginagawa ang pag-aasikaso rito samantalang estranghero pa rin ito sa kanya. Napapailing na nga lamang siya habang ginagawa ang mga bagay na iyon.
The guy sleeping on his bed look peaceful. Para itong anghel na walang gagawing masama. But of course that was just a thought. Hindi naman kasi siya mapupunta sa ganitong senaryo kung hindi dahil sa uncompromising scene na ginawa nito kanina. Hindi rin siya tutubuan ng malisya habang binibihisan ito. And he wondered if the guy will remember it when he wake up tomorrow. But he is guessing that he is not.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
