CHAPTER TWENTY

389 21 44
                                        

CHAPTER TWENTY


"AALIS NA ako."

Mula sa panonood ng palabas sa telebisyon bumaling si Irvin kay Clement. Prente nang nakahiga sa kama nito si Irvin at napabalikwas nang magpaalam siya.

"This late? Bukas ka na umalis. Dito ka na matulog. Delikado sa 'yo ang umuwi pa sa ganitong oras. Dito ka na magpalipas ng gabi. Stay here, stay with me."

Umiling si Clement. "Hindi na. Kaya ko namang umuwi kahit na ganito nang oras. Don't talk like I'm a fragile girl that needs protection at night. "Aniya. "Tapos na rin naman ako sa mga gawain ko rito. Kampante na rin ako na hindi mo na gagawin ang naisip mong gawin kanina. Hindi ka na magpapakamatay."

"How can you be so sure? What if the moment you stepped out of my house, I got depress and think of killing myself."

"You won't do that. Kahit papaano naman kilala kita. Hindi mo aaksayahin ang buhay mo dahil lang sa problema mo. At kung ma-depress ka, always think that life is beautiful. Life is precious. It has lot of things to offer."

"Iba-iba ang perception ng tao. Some are positive and some are not. At ako hindi ako positibong tao lalo na ngayon sa pinagdadaanan ko. Iba ang mentalidad ko sa 'yo."

"Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo." Naiinis na niyang sabi. Bakit ba kailangan nitong kontrahin ang mga sinasabi niya. Ginagawa lang ba nito iyon para manatili siya sa tabi nito? Ewan na lang niya sa lalaking ito.

Bumuntung-hininga ito. "Can you just stay? I still need your company here."

"Hindi ako pwedeng manatili rito. Tandaan mo na wala nang tayo. We already have our own separate ways."

"Alam ko naman 'yon. Alam kong wala na tayo." Pagdidiin nito sa mga huling salita. "Pero umaasa ako na sana magkaroon ulit ng tayo."

Natigilan siya. Hindi na niya alam kung ano pa ang dapat sabihin at ikatwiran dito. He just sighed after a moment. "Aalis na ako."

"Kung hindi na kita mapipigilan, ihahatid na lang kita."

Bago pa siya komontra, agad na itong tumayo mula sa higaan nito. Kinuha nito ang remote at pinatay ang telebisyon. Kumuha rin ito ng jacket sa closet nito. Hindi na lang siya kumontra kahit alam niya na may sakit ito.

Habang palabas ng bahay wala silang naging imikan. They are not walking side by side. Nauuna si Clement, ramdam niya ang mga titig sa kanya ni Irvin na pilit na lang niyang iniignora.

"Hanggang dito mo na lang ako ihatid." Sabi niya rito.

Nasa kanto na sila mula sa bahay nito kung saan dumadaan kadalasan ang mga sasakyan na papasok at palabas sa subdivision.

"Kung iyon ang gusto mo. Hihintayin ko na lang na makasakay ka muna bago ako bumalik."

Tumango siya. Wala na siyang plano na makipag-usap ng matagal kay Irvin. Things are just getting complicated when they are start talking everytime.

Mukhang hindi ito nakatiis sa katahimikan kaya muli itong nagsalita.

"Tungkol pala sa mga sinabi ko sa 'yo, I just wanted to make an assurance na lahat ng mga 'yon ay totoo. I really wanted to start anew with you. Gagawin ko ang lahat para maging maayos tayo at muling magkaroon ng masasabi ko na ikaw at ako, na tayo. Just give me a chance again, Clement."

Clement did not bother answering. Hindi rin niya ito tinapunan ng tingin. Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. May halong frustration iyon.

"Wala ka bang sasabihin, Clement?" Tanong nito.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon